809 Hindi pwedeng manakit ng ibang tao

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Ginamit ni Si Ye Han ang lahat ng lakas niya upang tapusin ang kanilang halikan. "Matutulog ako sa study."

Hindi siya pwedeng tumabi kay Ye Wan Wan sa iisang kama.

"Uy, pogi, huwag kang umalis…"

Nalungkot si Ye Wan Wan nang makita niyang umalis sa kwarto ang pogi.

Gumulong gulong siya sa kama at hindi siya makatulog.

Umupo siya at lumabas na naman siya sa bintana...

Sa grove ng Jin garden:

Bumubuntong hininga ang mga Dark Team guards...

"Madaling araw na - hindi pa ba tayo uuwi?"

"Hindi ko alam, tawagan ba natin at tanungin natin natin si housekeeper Xu?"

"Hindi ba't pinapalaki natin ang sitwasyon na ito, huh? Baka nagkataon lang yung noon…"

Malalim ang diskusyon ng grupo ng biglang may lumitaw na ulo sa taas ng puno. "Hi~ kamusta naman kayo diyan~ nakahanap na rin ako sa wakas ng mga tao!

Biglang nanahimik ang lugar na iyon bago sila naghiyawan at sigawan na para bang mga multo at umuungol na mga lobo—

"AHHHHHHH!!!"

"SH*T!!! MISS WANWAN!"

"Paano siya sumulpot mg bigla!!!"

Bigla na lang sumulpot sa taas ng puno si Ye Wan Wan habang nakabitin ang kanyang ulo. Nagulat ang buong pagkatao ng mga nagtatagong Dark Team guards.

Sampung hakbang ang layo ng mga hinakbang ng mga guwardiya at gulat nilang tinitigan si Ye Wan Wan, habang tumutulo ang malamig na pawis nila.

"Leche! Anong nangyayari?! Nagtatago tayo mula kanina pero nahanap pa rin tayo!"

"Aaa-ano… ano nang gagawin natin ngayon?! Punong kapitan, kapitan Eleven, dali, mag isip kayo ng solusyon!"

Napalunok si Eleven. "Wan… Miss Wan Wan, bakit ka nandito? Gabing-gabi na - kailangan mo nang umuwi at magpahinga na!"

"Swish" tumalon sa baba ng puno si Ye Wan Wan. Lumiit ang kanyang mga mata habang tinititigan niya ang grupong iyon. "Natatandaan ko kayong lahat - kayo ang mga tao na nambugbog sa akin noon! Bakit hindi natin ipagpatuloy ang hindi natin natapos noon?"

"...!?" Biglang matakot ang lahat ng nasa grupo.

Nagkamali yata siya! Sino kaya ang nambugbog sa mga tao noon, huh!

Hindi mo kailangang gamitin ang rason na ito kung nangangati kang makipaglaban, okay?!

Bago pa makapag-react ang grupo nila, kasing bilis ng kidlat si Ye Wan Wan nang sumugod ito sa kanila.

Nakakatakot na talaga si Ye Wan Wan, ngunit pagakatapos niyang uminom ng alak, para bang may nasirang kadena kaya lumabas ang pinakalamalakas na kapangyarihan niya. Mabilis na binalot ng hiyaw ng mga nasasaktan na mga tao ang grove...

Napakasama! Malayo na nga kami pero hindi pa rin kami makapagtago sa kanya...

"Gu… guro… huwag… huwag mo na kaming kalabanin… huwag na…" nadapa si Feng Xuan Yi nang sinubukan niyang pigilan si Ye Wan Wan.

Inatake ni Ye Wan Wan ang sino man sa sasangga sa kanya.

Parang nag-sparring lang silang dalawa kung makikita sila ng ibang tao, ngunit biglang binalot ng kadiliman ang ekspresyon ni Feng Xuan Yi...

Lumaban pa rin ang babaeng ito sa tatlong atake ko na ginamitan ko ng lahat ng lakas na meron ako...

Makikita ng lahat ang laban nila at ayaw nang alamin pa ni Feng Xuan Yi ang kalakasan ni Ye Wan Wan. Hindi na siya lumaban kaya tumalsik siya sa malakas na sipa ni Ye Wan Wan.

Tuwang-tuwa si Ye Wan Wan sa ginagawa niya nang biglang may malalim at gasgas na boses ang maririnig sa likuran niya—

"Wanwan."

Mabilis na lumingon ang mga Dark Team guards sa taong nagsalita. "9th master!"

Sa oras na iyon, may sinasakal na guwardiya si Ye Wan Wan sa kanyang braso habang ang isa ay nasa ilalim ng paa niya. Biglang lumiwanag ang mga mata niya nang makita niya ang papalapit na gwapong naglalakad patungo sa kanya. "Eh, pogi?"

Tinitigan ni Si Ye Han si Ye Wan Wan, na tumakas noong wala ang atensyon ni Si Ye Han sa kanya, kaya biglang nagalit si Si Ye Han. "Matulog ka na."

Ngumuso si Ye Wan Wan at mukhang ayaw niyang sumunod. "Uh, mananatili pa rin ba ako sa kumpanya mo?"

Dalawang segundo na nanahimik si Si Ye Han, bago niya sabihin, "En."

Isasakripisyo ko na lang ang sarili ko kung ayaw kong makasakit pa siya ng ibang mga tao... 

avataravatar
Next chapter