988 Hindi patas na laban

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Mayroong dosena ng tao ang hindi makalaban. Sa buong proseso, tila hindi naging patas ang laban kung saan lahat sila ay naging buhangin ng sako.

HIndi maipinta ang ang itsura ng lahat ng manunuod sa buong lugar.

Walang nag-akala na ang kaibig-ibig na batang babae ay magiging nakakatakot at masukal at makakapagpatayo ng balahibo ng lahat.

Talagang nakakabaliw na nga ito!

Sa sandaling iyon, patuloy na dinudurog ang dalawang pupulsuhan ni ZHang Wei...

PInapahirapan siya ng buhay...

Nangilabot si Gog Xu habang siya'y nakakapit kay Luo Chen. Mama, natatakot ako!

Nagawa niya na lang panoorin ang maliit na bata na patuloy nakangiti at nilapitan si Zhang Wei. "Hindi ba sinabi ko na sa 'yo? Pinapunta ako ni master kasi ako ang pinakamagaling!"

Sa una, mabalasik na lumalaban si Zhang Wei, pero ngayon, tanging takot na lang ang naroroon at namimilipit siya sa sakit habang nasa sahig.

Umaninag ang anino ng maliit na bata sa mukha ni Zhang Wei. "Hindi ito tama. Wala ni isang nakakaligtas sa lahat ng natatalo ko~"

Ano!!!

Isang nakakamatay na intensyon ang kumisap sa kanyang mga mata, na nagpakumbinsi kay Zhang Wei na nagsasabi siya ng totoo!

Anng nangyayari dito?!

Paanno nagkaroon ng isang halimaw sa Imperial City?!

"Huwag…'wag mo akong patayin! 'Wag mo 'kong patayin… pakiusap, nakikiusap ako sa 'yo… kasalanan ko… alam kong kasalanan ko ang lahat… luluhod pa ako sa harap mo…" nanginginig ang buong katawan ni Zhang Wei habang siya'y nasa sahig.

Isang mabahong amoy ang lumalathala. Sa sorang takot niya at umabot na siya sa puntong umihi na siya sa pantalon niya.

Sa ilalim ng nakakamatay na pwersa, kahit na nag-ensayo siya sa martial arts, hindi man slang siya makalaban pabalik.

Pero kaya niyang makaramdam na hindi na normal ang sitwasyon. Masasabi niya pa rin na hindi makaraniwan ang nasa harap niya.

Alam ni Zheng Wei na tuso si Ye Bai at sa gayon, hindi personal na makakapunta at baka magdala ng madaming tao. Hindi niya inasahan na ganito ang magiging resulta.

Pero kahit na alam niya ito, huli na ang lahat.

Hindi lang si Zhang Wei ang balisa; ganoon din sila Ye Mu Fan at ang iba. Kapag may namatay, hindi basta-basta makakatakas ang kanilang production team.

Gusto nilang pigilan ang bata, pero sobrang nakakatakot ito at walang sinuman ang nagtangkang gawin ito.

Para naman sa mga utusan ni Zhang Wei, kanina pa silang tumakas...

"Bata, ayos lang! Sapat na ang pagturo mo ng ganitong leksyon sa kanya!" mabilis siyang hinikayat ni Ye Mu Fan, pero tuluyan nang nalulong ang maliit na bata sa kanyang sariling mundo.

"Hm… sabi ni master na 'wag pumatay ng tao… kaya… tignan natin… kung paano ka iwan ng buhay kait papaano…"

Hindi na nakayanan pa ni Zhang Wei at sinubukang tumayo at tumakbo. Tumawa ang maliit na bata at mabilis niya itong nahabol habang ang matutulis niyang mga kuko ay naka-asinta sa mahahalagang parte ni Zhang Wei...

Katapusan na ito! Natakot si Ye Mu Fan sa nakita...

Namutla sa takot ang lahat ng nanonood nang biglang may lumusot na isang anino sa pagitan ng maliit na bata at kay Zhang Wei.

"BANG--" isang palad ang pumigil sa kamay ng maliit na bata bago niya pa mahawakan si Zhang Wei.

Rinig ang boses ni Ye Wan Wan mula sa likod. "Tama na 'yan, Jiaojiao!"

"Oh! Master, dumating ka!" nang makita si Ye Wan Wan, nangningning ang mga mata ng maliit na bata at bumalik siya sa kanyang inosenteng anyo.

Natahimik si Ye Wan Wan. Buti na lang, patuloy siyang nag-alala at pumunta...

Hindi ba sinabi ko sa kanya na 'wag pumatay ng tao at ayusin lang ang sitwasyon?

avataravatar
Next chapter