506 Hindi pa siya kwalipikado

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Dahan-dahan na tinulungan ni Ye Wan Wan si Jiang Yan Ran na tumayo at pilit silang nakipagsiksikan palabas sa dami ng taong nakapaligid sa kanila.

Pamilyar kay Ye Wan Wan ang mukha ng babaeng nasa litrato at parang nakita na niya ito noon, pero hindi niya maala kung saan niya nakita ang babaeng 'yon. Iisipin kong maigi kung saan ko nakilala ang babaeng 'yon pagaka-uwi ko...

Habang malalim ang iniisip ni Ye Wan Wan, sinusuportahan niya pa rin ang bigat ni Jiang Yan Ran ngunit nang makarating sila sa bar counter, hinarangan sila ng ilang mga tao kaya hindi sila makadaan.

Hindi na lang pinansin ni Ye Wan Wan ang mga taong nakaharang sa kanila, humarap na lang siya sa ibang direksyon at naghandang tumungo doon.

Gayunpaman, pagkatalikod ni Ye Wan Wan, nakaharang rin ang mga tao sa direksyon ng paglalakaran niya.

Ilang beses na umulit ang pagkakataong ito kaya napansin na ni Ye Wan Wan na parang may mali. Sinasadya ba nilang gawin ito?

Napatingin sa taas si Ye Wan Wan at tiningnan niya ang mga taong nakaharang sa kanya.

Sa harap niya ay isang lalaki na nakasuot ng custom-made Armani mula ulo hanggang paa. Mukhang mayabang ang lalaking ito - ang tipsy niyang mga mata ay madilim at walang sigla, nakatitig siya kay Ye Wan Wan na parang mga mata ng isang hunter.

Sa likod niya ay ilang mga lalaki na nakasuot ng itim. Mukhang mga ordinaryong bodyguards ang mga ito dahil sa kanilang itsura, pero mukhang bodyguards sila ng isang mayamang pamilya na sumailalim sa matinding pagsasanay.

"Tsk tsk, ang ganda… sobrang ganda…"

Nakakabighani ang prinsipe. Parang isang ahas ang kanyang tingin, ahas na nakalabas ang dila para dilaan ang balat ng tao, kaya nandiri sa kanya si Ye Wan Wan.

Ampangit ng lalaking katabi ng prinsipe; parang unggoy ang kanyang baba at ang dila niya ay nakalabas. Nakasuot siya ng itim na muscle tank at blonde ang kanyang buhok. Kinaskas niya ang dalawa niyang kamay at masaya niyang sinabi sa prinsipe, "Sabi ko sayo eh! Bakit ako magsisinungaling sayo, young master?"

Pagkatapos magsalita ni blondie, tiningnan niya na parang gutom na lobo si Ye Wan Wan. "Ganda, gusto kang bilhan ng inumin ni young master Chen! Tara dito!"

Walang emosyon na tinitigan ni Ye Wan Wan ang mga taong nasa harapan niya. "Pasensya na pero hindi ako interesado."

Nabigla ang naka-blonde na lalaki nang tinanggihan sila ni Ye Wan Wan. "Kilala mo ba kung sino si young master?"

Pagmamay-ari ni young master ang bar na ito. Lahat ng taong pumunta dito ay hindi tumatanggi kay young master kung kahit na bulag sila o hindi man nila kilala si young master.

Wala pa ring pakialam si Ye Wan Wan. "Kailangan ko pa bang alamin?"

Mabilis na nagalit ang blondie nang marinig niya ang mapangasar na tono no Ye Wan Wan. "Ang young master ay ang anak mg may-ari ng Xin Da International, ang boss ng Scarlet Bar!"

"Tapos?"

"Kaya 'wag mong pahiyain ang sarili mo!"

...

Sa hindi kalayuan, napansin ni Song Jing na parang may mali kaya bigla niyang sinabi, "Kapitan, may nanggugulo kay Miss Ye!"

"Nang-aakit ng gulo ang babaeng 'yan!" Ngumisi si Liu Ying.

*ehem* "Kailangan natin silang puntagan doon - kundi, baka lumala pa ang sitwasyon…" kinakabahan na si Song Jing.

Naging masama ang tingin ni Liu Ying may Song Jing. "Bakit ka ba nababagabag? Kaya niyang maging future mistress ng sambahayang Si. Bakit ka kinakabahan sa maliiy na bagay?"

Kinamot ni Song Jing ang kanyang ilong at hindi na siya mapakali. Ramdam niyang nasa mahirap siyang posisyon sa ngayon. "Pero… babae pa rin siya… at ang nanggugulo sa kanya ay ang bratinelo ng Chen family na si Chen Shi Jie. Ginagamit niya kapangyarihan ng tatay niya para manlinlang ng mga tao; kilala siya bilang isang nakakatakot na personalidad na nilaro ang maraming mga babae… kinakatakot ko lang na kapag sinangga ng tulad niya si Ye Wan Wan… ay baka matalo lang si Miss Wan Wan sa kanya, kap…"

Nanlilisik sa lamig ang mga mata ni Liu Ying. "Alam mo rin pala yun? Walang kwenta ang babaeng yan kundi dahil kay master o kahit sino sa sambahayang Si. Pwede siyang maging girlfriend, pero hindi siya akmang maging future mistress ng Si family."

Nanahimik na lamang at hindi nagsalita si Song Jing nang makita niyang naiinis pa rin si Liu Ying.

Ngunit sa ibang anggulo, tama si kapitan - ang babaeng tulad ni Ye Wan Wan ay hindi kwalipikadong maging mistress ng sambahayang Si...

avataravatar
Next chapter