1136 Hindi pa naman ako umaabot sa punto na kahit sino na lang o kahit ano na lang 'di ba

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Tuwang-tuwa si Gong Xu. "Dali! Pumunta ka doon! Tinatawag ka ni Brother Ye!"

Ito ang unang beses na tumalon sa sobrang tuwa si Gong Xu dahil tinatawag ni Brother Ye si Gong Xu.

Panandaliang nagdalawang isip si Luo Chen bago siya tumayo. "Wala ito… Brother Ye…"

Tumaas ang mga kilay ni Ye Wan Wan. "Kung wala, bakit niyo ako tinitingnan na parang multo ako?"

Biglang bumulong si Gong Xu, "Hindi, hindi, hindi. Hindi ka multo, Brother Ye. Ikaw si Zhong Kui; kaya mo nga manguha ng mga multo eh!"

Walang masabi si Ye Wan Wan. "..."

Nag-atubili si Luo Chen at wala siyang nasabi. Sa huli, si Han Xian Yu ang nagsalita. "Ye Bai, hindi mo ba natatandaan ang nangyari kagabi?"

Kinamot ni Ye Wan Wan ang kanyang ulo. "Anong meron kagabi? Hindi ko natatandaan. Nagba-black out ako kapag nakainom…"

Nanlulupaypay na sumagot si Han Xian Yu. "Ahem, pagkatapos monh uminom kagabi… medyo…"

"Medyo ano?"

Inisip ng maigi ni Han Xian Yu ang bawat salitang lalabas sa kanyang bibig. "Medyo… agresibo."

Si Gong Xu ang hindi na makapagtimpi kaya sumigaw siya, "P*ta! Anong agresibo? Bayolente, madugo at malupit ang ginawa niya! Brother Ye, alam mo ba ang ginawa mo kagabi?"

Hinila ni Ye Wan Wan ang upuan sa likod niya at umupo siya. Nagtalumbaba siya gamit ang kanyang kamay. "Ano ba ang nagawa ko sayo? Hindi pa naman ako umaabot sa punto na kahit sino na lang o kahit ano na lang 'di ba?"

Biglang nagalit si Gong Xu. "Brother Ye, ang sama mo! Paano na lang ako?! Ang gwapo ko! Sino na lang ba ako sayo?! Paano?! Sinabi mo kagabi na ang gwapo ko kagabi, bakit biglang nag-iba ang sinabi mo…"

Naramdaman niya na biglang sasakit ang ulo ni Ye Wan Wan at bumuntong hininga siya. "Pwede ba akong makahanap ng isang tao na makakausap ng maayos?"

Narinig ang nahihiyangboses ni Fei Yang sa isang gilid. "Director Ye, noong nalasing ka kagabi, sumama ka sa amin na bumaba ng hagdan. Maraming nainom si Gong Xu at pinilit ka niyang uminom rin ng marami…"

"Tapos? Sinuntok ko si Gong Xu?"

"Hindi mo sinuntok si Gong Xu, pero binutasan mo ang off-road vehicle ni Gong Xu…"

Kumurap si Ye Wan Wan. Hindi siya makapaniwala nang magtanong siya, "Binutasan ko ang off-road vehicle? Gamit ang kamao ko? Niloloko mo ba ako, Brother Ye?"

Sumagot si Fei Yang, "Totoo."

Humarap si Ye Wan Wan kay Han Xian Yu at bigla siyang napa-ubo bago siya tumango. "Ikaw ang sumuntok sa butas na iyon…"

"Kung hindi ka naniniwala, tingnan mo ang mga litratong ito! Dinala ko ang kotse ko sa repair shop nitong umaga. Tinanong sa akin ng clerk kung paano nasira ang kotse. Sinabi ko na may nanuntok dito, tapos tinanong niya ako kung nananaginip ako…"

May pinakita na litrato si Gong Xu kay Ye Wan Wan sa kanyang phone. Totoo nga na may butas na kasing laki ng kamao sa kanyang kotse.

Nagsalita si Ye Wan Wan, "Naisip ko rin na parang nananaginip ka…"

Bumulong si Ye Mu Fan, "Sinuntok mo ang kotse. Nakita ng lahat ang ginawa mong iyon kagabi. Bakit hindi ko alam na lumalakas ka pala kapag naka-inom ka? At tsaka, yung lalaking iyon, si Ah-Jiu, ay pumunta rin kagabi at nagdala siya ng ilang mga bodyguards. Nagwala ka habang lasing ka at pinagbubugbod ng ang mga bodyguards. Pagkatapos ay umalis ka kasama ang masahol na lalaking iyon. Lumapit pa nga ako sayo para pigilan ka pero tinanong mo ako kung sino ba ako, punyeta…"

Ang punto ni Ye Mu Fan ay nasa huling parte ng kanyang sinabi.

Naging ng tono ng pang-science host ang kanyang boses pagkatapos makinig ni Ye Wan Wan at nagpaliwanag siya, "Para sa akin, nagkaroon ka siguro ng collective illness at naging delusyonal ka. Sinira ko na ang kotse mo gamit ang kamao ko tapos lumaban pa ako sa group fight? Imposible! Hindi ako nakikipaglaban, OK?"

Sumabad si Gong Xu, "Brother Ye, parang… hindi mo nauunawaan ang sarili mo kahit matagal ka nang nabubuhay…?"

avataravatar
Next chapter