611 Hindi pa nahahawakan ang kamay ko noon

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Niyakap ni Hen Jun Cheng ang bewang ni Shen Meng Qi. "Ha, ikaw talaga. Pinahulog mo ang tanga na 'yon sa 'yo, syempre gagawin niya kung anumang sasabihin mo!"

Nang marinig 'yon, napangisi si Shen Meng Qi at natutuwa. Talagang tapat ang Ye Mu Fan na 'yon sa kanya.

Naniniwala siya na kapag sinabi niya kay Ye Mu Fan na patayin ang saril niya, walang pag-aalinlangan na gagawin 'yon ni Ye Mu Fan.

Hehe, ano kayang nararamdaman ng b*tch na si Ye Wan Wan kapag nakita niyang pinaglalaruan ko ang kuya niya.

"Haha, kailangan nang tignan ni Ye Mu Fan ang sarili niya sa ihi niya. Akala niya talagang mahal mo siya, huh?" pangutya ni Jun Cheng.

Bago pa makasagot si Shen Meng Qi, nilagay ni He Jun Cheng ang kamay niya sa dibdib ni Shen Meng Qi at agad namang umungol ito at namula.

"Talagang mahal ka ng Ye Mu Fan na 'yon, hindi mo naman… siguro siya papatikim ng ganitong katamisan, 'di ba?" tanong ni He Jun Chen na para bang may ibang pinapahiwatig.

"Kalo… kalokohan…" nainis si Shen Meng Qi. "Bakit naman ako… maakit sa… talunan na 'yon, hindi niya pa nga… nahahawakan ang mga kamay ko…"

"Talaga?" habang nagsasalita siya, marahas na ipinasok ni He Jun Cheng ang kanang kamay niya sa pang-taas na damit ni Shen Meng Qi mula sa kwelyo.

"Syempre! Sa araw-araw na nakikita ko ang mukha niya… malapit na 'kong masuka… ginawa ko 'yon lahat para sa 'yo… ang kakayahan niya sa fashion at talento niya… hindi naman na masama, pero ngayon, sa 'yo ang lahat ng 'yon…" nagsalita si Shen Meng Qi habang kusang kumikiling ang katawan niya sa yakap ni He Jun Cheng.

Masama pa din ang loob ni He Jun Cheng, "Basura lang si Ye Mu Fan; pangkabuhayang biyaya ang pagtatrabaho niya para sa 'kin. Kapalit no'n, aantayin ko ang pinakamamahal niyang babae at bibigyan ko siya ng kaginhawaan."

"Pilyo…" Pinalupot ni Shen Meng Qi ang mga braso niya sa leeg ni He Jun Cheng.

...

Kinagabihan.

Natapos na din si Ye Mu Fan sa trabaho niya at naghahanda niyang bumaba, pero nang madaanan niya ang pangkat ng mga opisina, napansin niya na bukas pa din ang ilaw sa opisina ni Shen Meng Qi.

Lumapit si Ye Mu Fan at kumatok. "Meng Qi, gabi na. Bakit hindi ka pa din umuuwi?"

Mukhang matamlay si Shen Meng Qi. "Hindi pa ko tapos ayusin yung mga bagay-bagay…"

"Ito?" tinignan ni Ye Mu Fan ang mga dokumento sa mesa ni Shen Meng Qi. "Itong Splendid Light project?"

"Tama. Alam mong pamunuhan na proyekto 'to at sobrang important sa 'ming mga Shen. Kapag hindi namin 'to nakuha, hindi na kami makakakuha ng magandang oportunidad ulit."

"Tinignan ko yung mga kumpanyang sasama sa kumpitensiya sa paghandog at napagkumpara ko sila - hindi naman magkakaroon ng problema ang mga Shen sa pagkuha ng proyektong 'to." sabi ni Ye Mu Fan.

Bahagyang kumusot ang mukha ni Shen Meng Qi. "Hua Yu, Xing Da, Fang Shi - hindi talaga mapagkukumpara ang mga kumpanya na 'to sa amin, pero ngayon, ang malaking kalabang namin ay yung Ye Group…"

Nagulat si Ye Mu Fan. "Ano? Sasali din ang Ye Group?"

"Tama, natanggap ko lang yung impormasyon ngayon lang. Ngayon, halos pareho kami ng pwedeng ialok - presyo na lang ang kulang. Kung pwede lang malaman natin yung presyo ng kabilang partido…"

Umiling si Shen Meng Qi at huminga ng malalim, "Pero paano naman natin malalaman ang taya ng kabilang partido? Sobrang grabe ang pagsisikap ng mga Shen para sa proyektong 'to, pero baka hindi natin matatalo ang mga Ye…"

Tinignan ni Ye Mu Fan ang mga eye bags ni Shen Meng Qi at kumirot ang kanyang puso. "'Wag kang mag-alala, tutulungan kita."

"Mu Fan-ge, salamat talaga. Ayos lang ako. Kahit na wala akong masyadong magawa, gusto ko lang magawa ang makakaya ko para matulungan si papa…" sabi ni Shen Meng Qi at pumunta sa bookshelf para maglabas ng mga dokumento.

avataravatar
Next chapter