682 Hindi niya kinaugalian

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Ang nagmamaneho na si Dong Zai, ay nahihirapang makahanap ng daan para sila ay makawala. Patuloy na sinubukan ni Tang Xing Huo na hikayatan si Gong Xu. "Gong Xu, hindi kita tinatakot pero mukhang sinisiraan ka na ng Emperor Sky - halos kalahati ng mga tao sa entertainment industry ay binahagi ang post niya iyon kaya lumalala ng paunti-unti ang isyu…"

"Isang taon ang hinintay ni young master (ako) para sa sports car na ito. Meron itong 900 horsepower at tumatakbo ito mula 0 hanggang 100km/h sa loob ng 2.8 seconds, meron itong speed limit na 350km/h at ang top speed ay 384km/h, art ang glass work nito… subukang niyo ulit sirain ang little baby ko! Sh*t! Ang lakas ng loob niyong sirain pa rin, huh! Kakalabanin kayong lahat ni young master…"

Muntikan nang mabaliw si Tang Xing Huo sa kanya. "Bratinelo, narinig mo ba ang sinabi ko? Nasaan ba ang isip mo? Hoy, hoy, hoy, 'wag… wag kang lalabas ng kotse! Baliw ka na ba Gong Xu…"

Hindi na siya napigilan pa ni Tang Xing Huo at wala siyang nagawa kundi panoorin na lang si Gong Xu na lumabas ng kotse habang magulo ang sitwasyon nila ngayon.

Parang nilagyan ng malamig na tubig ang oil pan noong lumabas si Gong Xu sa kotse - mabilis siyang dinumog ng media at sila'y nagtanong ng napakaraming tanong sa kanya, sila ay parang hailstones na isa-isang inuulanan si Gong Xu ng mga katanungan.

Reporter: "Gong Xu, maaari ko bang malaman kung may gusto kang sabihin tungkol sa insidente na nagmimistulan kang nagmamataas at binuhos mo ang kape sa harap ni Ling Shaozhe?"

Inangat ni Gong Xu ang kanyang baba kaya pinakitanita niya ang nakahubog at nakapanliliit niyang mukha. "Tama, mas mataas si young master kaysa kay Ling Shaozhe!"

Reporter: "Hindi ba't sumobra ka na sa ginawa mong pambu-bully sa ibang mga tao?"

Ngumiti si Gong Xu at nakita ang kanyang nakakasindak na mga ngipin. "Oo, malaking bully si young master -ano naman? Dali! Awayin niyo ko!"

Reporter: "Sinasabi mo ba na hindi ka manghihingi ng tawad kay Ling Shaozhe?"

Tumaas ang mga kilay ni Gong Xu. "Ha, ako? Manghihingi ng tawad? Bubuhusan ko ulit ng kape yung mokong na Liang Shaozhe na iyon, sa bawat pagkakataon na makikita ko siya! Kalabanin niya ako kung malakas talaga ang loob niya!"

Ang mga tao at mga fans ay sumabog sa sobrang galit nang marinig nila ang sinabi ni Gong Xu. Naging bayolente sila at sinugod nila ang artistang ito. "Masunog ka sa impiyerno, Gong Xu! Isa kang kanser sa lipunan! Tumor! Umalis ka na sa entertainment industry!"

Tumaas muli ang kilay ni Gong Xu at dineretso niya ang kanyang damit. "Sige, kalabanin niyo ako. Itapon mo yan at siguraduhin mong dito yan tatama sa akin. Hindi mumurahin ang damit ni young master, hindi tulad ng kay Ling Shaozhe - kahit ang maliit na fabric nito ay milyon milyon ang halaga. Dalian mo at itapon mo na yan! AKO KALABANIN NIYO! Dali, halika ka…"

Tang Xing Huo: "…"

Dong Zai: "…"

Wala magawa ang dalawa kundi panoorin na lamang si Gong Xu na sumugod sa nagkakagulo na mga tao at pinakita pa niya ang kanyang kayabangan sa kanila...

Muntikan nang umiyak si Dong Zai dahil kinakabahan siya sa kinalalagyan nila ngayon. "Ano nang gagawin natin, Xing-ge? Kailangan nating patigilin si Gong-ge dahil hindi natin siya pwedeng hayaan na gawin ang gusto niya…"

Tiningnan ni Tang Xing Huo ay magiting na bayani na nakikipagtalaktakan sa iba. "Sa tingin mo ba ay kaya ko siyang pigilan?"

Ang pinakamasaya sa lahat ay ang mga reporters na binigyan ng trabaho na ipaalam sa publiko ang ginagawa ni Gong Xu. Hindi sila nawalan ng pasabog na balita at mga panibagong topics na ilalathala sa publiko….

Araw araw nilang sinasabi ang panibagong tsismis tungkol kay Gong Xu.

Nakipagsiksikan sa mga tao si Tang Xing Huo at humugot sita ng lakas upang hilahin palayo si Gong Xu. "Mokong, tama na yan, tama na. Tigilan mo ang kakasigaw mo!"

"Bakit ako titigil?! Titigil lang ako kung lilinisin nila ang kotse ko!" Ang utak ni Gong Xu ay nakasentro lamang sa kanyang baby sports car.

Sa sobrang galit, kinaskas ni Tang Xing Huo ang kanyang mga ngipin. "Ako na ang maglilinis niyan! Maghahanap ako ng tao para maglinis ng kotse mo, okay?! Pwede na ba tayong pumasok sa loob?!"

Mayabang na tumayo sa harap ng maraming tao si Gong Xu. "Hindi maaari! Ang maglilinis ng kotse ko ay ang mga dumumi nito! Hindi sila makakaalis kapag hindi nila ito nilinis ng ngayon din! Hindi pa tapos si young master sa inyong lahat!"

Lahat ng tao: "..."

Madalas na gusto nang umalis at kinakabahan ang mga artistang nakakatagpo ng ganitong sitwasyon, ngunit iba si Gong Xu, ayaw niya pang paalisin ang media sa lugar na ito...

Hindi niya ito kinaugalian...

Tunay nga na siya ay isang kakaibang bulaklak sa entertainment industry...

avataravatar
Next chapter