215 Hindi niya ba kayang magpasaya ng babae?

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Sa baba ng hagdan, tinutulungan ni Xu Yi si Ye Wan Wan sa kanyang mga bagahe, ngunit hindi niya maiwasang mapakinggan ang usapan nila Ye Wan Wan at Jiang Yan Ran.

Nag-apply pala si Ye Wan Wan para sa tutoring classes? Bakit hindi ko alam ito?

Siya kasi ang responsable na malaman ang lahat ng ginagawa ni Ye Wan Wan.

Tinulungan kaya siya ni master mag-apply?

Lumuwag ang puso ni Jiang Yan Ran nang malaman niya ito, "Magaling na math teacher? Napakahusay siguro ng guro na iyon!"

"Oo naman, kaya 'wag kang mag-alala. Mag-focus ka na at pagbutihin na rin ang sarili mo! Aalis na ko Jiang Yan Ran! Sana ma-miss mo ako!" Lumakad siya palapit para yakapin si Jiang Yan Ran.

Hindi naiwasang mapanguso at mamula ang pisngi ni Jiang Yan Ran, "Dalian mo at baka maiwanan ka pa! Kita tayo sa lunes ha?"

Simula noong tinanggal ni Ye Wan Wan ang kanyang makeup, napakalakas ng appeal ng kanyang kagandahan na kahit ang babae ay kinikilig sa kanya, lalo na ang mga lalaki.

Buti na lang pumunta ang boyfriend ni Ye Wan Wan sa eskwelahan at tinapon ang pag-asa ng lahat ng gustong manligaw kay Ye Wan Wan.

Tiningnan ni Jiang Yan Ran si Xu Yi at malungkot niyang sinabi, "Hindi ko talaga inasahan boyfriend mo ang tito ni Si Xia--maraming nagsabi na magandang impluwensiya siya. May mga sinasabi ang mga tao na si Si Ye Han raw ang misteryosong master ng Si family. Sa totoo lang, dahil sa malakas niyang dating ay mapapansin kaagad na hindi siya ordinaryong tao…"

*umubo* Nabilaukan si Ye Wan Wan nang marinig niya iyon at mabilis siyang tumanggi, "Paano nangyari 'yon?! Para kang naniniwala sa pantasya! Kung boyfriend ko si Si Ye Han edi presidente ng country M ang tatay ko!"

Si Xu Yi sa gilid: "..."

Humagikhik si Jiang Yan Ran, "Sa tingin ko, hindi rin posible iyon. Sikat kasi si Si Ye Han--paano siya makikilala ng mga normal na tao ng ganoon kadali? Nanghuhula lang siguro ang mga tao. Gayunpaman, sabi rin nila na nakakatakot raw ang itsura ni Si Ye Han kaya paano naman magiging totoo ang pinagsasabi nila? Eh, gwapo at malumanay ang itsura ng boyfriend mo?"

At saka, ang lahat ng lalaking anak ng Si family ay nag-aral sa mga top professional schools sa buong bansa o di kaya sa international training camps. Pinalaki na silang propesyonal simula noong bata pa sila, kaya ano naman ang rason nila kung bigla silang magpapakita sa isang hamak na private school?

Kung kamag-anak man ang misteryosong master ng Si family, siguro malayong kamag-anak nila iyon!

Gayunpaman, hangga't kamag-anak siya ng Si family, paniguradong hinahangaan siya ng ordinaryong mga tao.

Malumanay…?

Pilit na tumawa si Ye Wan Wan, "Tama, tama! Malumanay talaga ang boyfriend ko, sobrang malumanay…"

Umalis si Ye Wan Wan kasama si Xu Yi pagkatapos niyang kumaway ng pagpapaalam kay Jiang Yan Ran.

Bago sila umalis, Inimbestigahan ng mga mata ni Xu Yi si Jiang Yan Ran.

Eto pala ang bagong babaeng roomate ni Ye Wan Wan?

Ang hirap paalisin nung roomate niya noon; sana isa ka sa mga mababait...

Pero natuklasan niya na base sa family background at noong una niyang pagkilala kay Jiang Yan Ran na mabait na bata naman siya. Sana hindi siya maging katulad ni Shen Meng Qi...

Ilang saglit lang at nakapagmaneho na sila pauwi ng Jin garden.

Dinikit na parang glue ni Ye Wan Wan ang kanyang mukha at sabik na tumingin sa labas.

At nakakita siya ng puting figure na naka-crouch sa labas, napakaayos ng buhok at walang buhaghag.

Ang pinaka kinagulat niya ay ang nakalagay sa leeg ng puting tigre, may pink na ribbon na nakabalot sa leeg ng tigre-- sobrang cute at nakakatuwa ito, nagtransform ito na maging moe.

"Wow! Great White, Great White, Great White---" Napatalon palabas ng kotse si Ye Wan Wan sa sobrang tuwa at mabilis siyang lumapit sa puting tigre.

Tulad ng inaasahan, umungol ng malakas sa kanyang mukha ang puting tigre.

Pero okay lang ito kay Ye Wan Wan at patuloy siyang naglalakad sa paligid ng tigre, pinapakita niya sa hayop ang kanyang pagmamahal.

Halata sa itsura ng puting tigre na naiirita na ito. Kung makikita ito, mukhang ihahampas niya ang kanyang buntot hanggang sa mamatay si Ye Wan Wan pero wala itong choice-- swerte na nga na ang may-ari sa kanya ay walang puso.

Wala talaga siyang puso, kailangan bang gawin niya ito? Hindi niya ba kayang magpasaya ng babae ng siya lang? Kailangan nya pang abusuhin ang mga hayop?!

avataravatar
Next chapter