439 Hindi naman siya mapait

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Nakatayo si Ye Wan Wan sa may pintuan. Matagal siyang nag-dadalawang isip pero hindi na siya pwedeng magpahuli pa, hindi magiging mabisa ang medisina kung papatagalin niya pa kaya dali-dali niyang tinulak pabukas ang pintuan at pumasok.

Nasa likod ni Ye Wan Wan ang dalawang katulong, nag-aalala ang dalawa habang sumisilip sila sa butas ng pintuan.

Naramdaman ng dalawang katulong na parang mali na si Ye Wan Wan ang pinahatid nila ng medisina kay Si Ye Han. Trabaho nga naman nila ito - bakit nila ibabaling ito sa kamay ni Miss Ye?

Paano kung naaksidente si Miss Ye habang dinadala niya ang medisina o may mangyari mang masama, kaya ba nilang tanggapin ang responsibilidad kapag nangyari ito?

Sa malaking kama, may namumutlang lalaki na tila parang bato na nakahiga lamang, hindi man lang siya gumagalaw kahit minsan.

Pumasok ang hangin sa bintana kaya medyo tumaas ang gilid ng kanyang pantaas, nakita sa loob ang mapayat at butohan niyang braso.

Lalo siyang pumayat sa loob ng isang buwan dahil naging abala siya sa mga gawain.

Puno pa rin ng galit ang puso ni Ye Wan Wan ngunit nang makita niya ng harapan si Si Ye Han, ang galit niya ay parang lobo na pinutok ng karayom, unti-unti itong napawi.

Ang nanigas na kilay ng lalaki ay tila napakunot dahil naamoy niya ang matapang na amoy ng Chinese medicine na bumalot sa buobg kwarto, kaya bigla rin siyang napatingin sa pintuan kung saan ito nanggaling.

Bakit nakasimangot ka pa rin!

Ito ay isa sa mga makakasalba ng buhay mo!

Briskong naglakad si Ye Wan Wan papunta sa gilid ng kama.

Makikita ang kaunting supresa sa mata ni Si Ye Han nang makita niya na si Ye Wan Wan ay bumalik na, sinundan niya ang babae hanggang sa makarating ito sa kanyang gilid.

Sa may pintuan, pinanood ng dalawang katulong si Ye Wan Wan na maglakad papunta kay Si Ye Han. Sa sobrang kaba nila, kada lagok nila ng laway ay maririnig ang malakas na tunog na "gu lu""gu lu" sa tuwing lumulunok sila.

Nakakatakot talaga… ang tingin ni 9th master...

Umakto si Ye Wan Wan na hindi niya napansin ang nakakunot na kilay at masungit na itsura ni Si Ye Han. Tinanggal niya ang takip ng Chinese medicine na hawak-hawak niya.

Bigla niyang naamoy ang matapang na singaw na galing sa Chinese medicine at tila inatake nito ang butas ng ilong niya; hindi maiwasang umubo ng lubha ni Ye Wan Wan at halos masuka siya sa sobrang tapang ng amoy nito...

Uh…

Old Sun...

Hindi ba medyo brutal na ito ha?

Nakakatakot naman inumin ng medisinang ito!

Pero kailangan niyang inumin ito - makakatulong ito sa paggaling niya. Kahit gaano pa ito ka-pait, kailangan niya lang itong lunukin para matapos na. Mas maganda na ito kesa magkaroon ng mahinang katawan, nasisirang mga organs at kesa magpa-opera pa siya para palitan ang mga organs niya 'di ba?

Kaya medyo napa-ubo na lang si Ye Wan Wan at patuloy siyang nagsalita ng walang pagbabago sa kanyang itsura. Tiningnan niya si Si Ye Han at sinabi, "Inumin mo na ang medisina mo."

Sa may pintuan, sinubaybayan ng dalawang katulong ang eksenang ito at halos lumabas ang puso nila sa sobra pagka-kaba. Umaasa na lang sila na sana may espesyal na kakayahan si Miss Ye na hikayatin si 9th master para inumin ang medisina niya ng naaayon sa oras at sana hindi din magkaroon ng insidente sa prosesong iyon...

Abala ang dalawang katulong sa kakaisip ng kung ano ano, nang pinanood nila si 9th master na bumuka ang kanyang mga mata, inangat ang kanyang mga kamay para kunin ang medisina galing sa kamay ni Ye Wan Wan.

Lumipas ang tatlong minuto at nakita nila na paubos na ang tasa.

Napakurap ang dalawang katulong, tiningnan nila ang isa't isa sabay napatingin sila sa baso na wala nang laman, hindi sila makapaniwala sa nangyari at bigla silang natameme ng matagal.

Ti… tinapos niya iyon ng ganoon kadali lang?

At wala ring ginawa si Miss Ye na kahit ano para gawin niya iyon!

Tumayo lamang siya sa gilid at limang salita lang ang lumabas sa bunganga niya: Inumin mo ang medisina mo.

Tapos gumana 'yon?

Lalong naging kalmado ang pakiramdam ni Ye Wan Wan nang makita niyang inubos ni Si Ye Han ang pinainom niyang medisina.

Nang maamoy niya ang malakas na amoy ng Chinese medicine sa ere at nang panuorin niya si Si Ye Han na ininom ng isang lagukan ang medisinang iyon, nang hindi nagbabago ang ekspresyon nito, hindi niya maiwasang malugod kaya tinanong niya, "Okay ba ang lasa? Pangit ba talaga?"

Nang marinig ni Si Ye Han ang tanong niya, tinignan siya nito, umangat ang kanyang kamay sabay hinawakan niya ang ulo ni Ye Wan Wan. Lumapit siya sa babae at binalot niya ang kanyang labi sa labi ng babae...

Sa isang saglit, ang amoy ng Chinese medicine ay naghalo sa malamig na hininga ni Si Ye Han ay gumising sa diwa ni Ye Wan Wan...

Ye Wan Wan: "..." Punyeta!

Matapos ang ilang segundo, tinulak palayo ni Ye Wan Wan si Si Ye Han na parang pusang nakatapak sa sarili niyang buntot, nalaglag siya sa may takure at nalaglag ang tubig nito kaya nalunok niya ang tubig na sumaboy sa kanyang mukha.

Nagtatanong lang siya kasi pinapakita niya ang pagmamalasakit niya kay Si Ye Han, hindi niya kailangang alamin ang lasa nito okay?

Putek na yan, tao ba ang lalaking ito? O may panlasa ba siya? Paano niya naubos ang medisina ng isang lagukan lang?

Uminom si Ye Wan Wan ng ilang basong tubig at binigyan niya rin ng tubig si Si Ye Han kahit naiirita siya. "Para sayo."

"Hindi na." nagtalumbaba si Si Ye Han at kaswal siyang nagsalita na para bang isang tasang tsaa lang ang ininom niya.

"Hindi ba mapait ang lasa ng gamot?" tanong ni Ye Wan Wan nang mag pagkamangha.

Si Ye Han: "Hindi naman siya mapait."

Ye Wan Wan: "..." Hindi talaga siya tao!

——

Author Jiong: Tunay na lalaki ka 9th master! Hindi ba talaga mapait ang gamot?

Si Ye Han: Sa halik ng asawa ko, wala akong nalasahan na kahit anong pait ~ ~\(≧▽≦)/~

Author Jiong: Kunware wala akong tinanong...

...

avataravatar
Next chapter