1079 Hindi naman sa hindi ko afford na magpalaki ng bata

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Kung gusto mong may makamit na isag bagay, kailangan mong ibigay ang buong atensyon mo sa oras man o kung ang kondisyon ay naayon sayo. Pangit ang imahe ng pamilya natin noon, pero umaayos naman na ito habang tumatagal. Mas lalong nagiging bias ang opinyon ni Lolo at Lola. Sa ngayon, handa tayo ngunit may kakulangan tayo sa isang importanteng elemento ng plano. Ang unang step ay ang pagkuha ng pagtangkilik ng mga tao sa atin, pero ang kalasan pa rin natin ang mas importante. Sa susunod na step, kailangan nating gumawa ng mahusay na show," sabi ni Ye Wan Wan.

Tumango si Ye Wan Wan. "Tama ang mga hula mo, Wan Wan. Ito ang dahil kung bakit ako pinatawag ni Lolo sa study room niya. Nangako si Lolo na bibigyan niya ako ng tsansa basta't may maipakita akong achievements na maipagmamalaki ko sa lahat."

"Okay yan. Napaka-importante ang susunod na bahagi. Hindi tayo pwedeng magpatumpik tumpik lang."

"Huwag kang mag-alala, Wan Wan. Magta-trabaho ako ng magdamag at mamanmanan ko sila!"

Biglang nag-ring ang phone ni Ye Wan Wan habang nagsasalita pa si Ye Mu Fan. Parang wangwang ang ringtone na tumutunog.

"Sinong nag-message sayo? Bakit ganyan ang ringtone mo? Bakit paeang wangwang ng pulis!" Nagtatakang tinanong ni Ye Mu Fan si Ye Wan Wan nang marinig niya ang kakaibang ingay na ito.

Bigla siyang nag-atubiling kunin ang kanyang phone nang marinig niya ang ringtone. "Nag-message ang boyfriend ko!"

Ye Mu Fan: "... Bakit mo ginawang nakakatakot ang ringtone mo sa boyfriend mo?"

Ye Wan Wan: "Syempre, kailangan kong gawin iyon!"

Mabilis na tinawagan ulit ni Ye Wan Wan si Si Ye Han. "Uy, honey, tapos na ako sa gawain dito. Pauwi na din ako. Samahan mo munang matulog ang anak natin!"

Ye Mu Fan: "..." 'Anak…'

Natural pa ang pagkakasabi mo...

Biglang bumulong si Ye Mu Fan pagkatapos ng tawagan ni Ye Wan Wan at Si Ye Han, "Hindi pa umaalis sa inyo ang batang iyon? Gaano katagal niyo siya planong panatilihin doon? Plano mo ba na doon na lang sa inyo ang bata kapag hindi pa rin mahanap ang nanay niya?!"

Kumurap si Ye Wan Wan. "Bakit hindi? Ang bait na bata ni Tang Tang! At tsaka, hindi naman sa hindi ko afford na palakihin ang bata na iyon!"

Hindi makapagsalita si Ye Mu Fan. "Hindi iyon ang punto ko, okay? Hindi mo naman kasi anak ang batang iyon. Bakit mo siya palalakihin…"

"Mali ka! Anak ko ang batang iyon!"

Ye Mufan: "…"

Little House of Rose:

Umupo sa sofa sa salas si Si Ye Han habang hawak niya ang isang libro.

Nakahiga sa carpet sa tabi ng sofa si Slaughter habang ito ay inaantok at may isang kyut at maputing bata ang nakahiga katawan ng malaking puting tigre. 

Nakaupo ng maayos ang batang ito, pero siguro dahil sa sobrang pagod, ang mga mata niya ay inaantok at natutulala habang ang katawan niya ay nag-su-sway sa sobrang antok. Paminsan-minsan ay kinakamot niya ang kanyang mga mata.

Minsan ay naglalagay si Si Ye Han ng kulay pink na kumot sa bata at lumalapit siya dito upang suportahan ang ulo ng bata sa tuwing ito ay nahuhulog sa sobrang antok.

"Gusto mo bang matulog?" Tinanong ni S Ye Han si Tang Tang.

Mabilis na umiling ang ulo ng bata. "Gusto kong hintayin si Mommy."

Wala nang sinabi pa si Si Ye Han.

Kalahati ng mata ng batang ito ay nakasara na habang nakahiga siya sa katawan ni Great White at pautal-utal niyang sinabi, "Great White, Great White… saan si Mommy… bakit hindi pa umuuwi si Mommy… kailan siya uuwi… mahal niya pa kaya ako kapag nakauwi na siya… gusto niya pa rin ba ako dito…?"

Si Yehan: "…"

Binuksan ni Great White ang kanyang mga mata at tiningnan niya ang bata na nakahiga sa kanya, bigla niyang sinara ang kanyang mata pagkatapos nito.

Matapos ang ilang sandali, biglang tumaas ang mga tenga ni Great White at tumingin siya sa pintuan.

Pagkalabas ng kotse, nagmadaling lumabas ng kotse si Ye Wan Wan at pumunta siya sa salas dahil gusto niya sanang umakyat sa kanyang kwarto sa taas. Gayunpaman, biglang umalab ang kanyang puso nang makita niya ang napakagandang eksena nang buksan niya ang pintuan.

avataravatar
Next chapter