178 Hindi naman horny si master, ‘di ba?!

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Sa ibaba:

Nakahilig si Liu Ying sa pintuan ng patyo nang nakatiklop ang mga bisig nito. Galit pa din siya pero nang makarinig siya nga mga yapak sa likod niya, gulat siyang sumulyap dito, "Ms. Ruo Xi? Hindi ba kausap mo si master? Tapos ka na agad?"

Mahirap basahin ang itsura ni Qin Ruo Xi at umiling, "Hindi pa. May inaabala si Ye Han kaya pinabalik niya muna ako."

"Abala ang master? May nangyari ba?" pagsiyasat ni Liu Ying. Kung mas importante pa ito sa isyu Shen City, baka malaki nga ito.

Sumagot naman agad si Qin Ruo Xi, "Hindi, 'wag kang mag-alala."

"Ano pala ang pinagkakaabalahan ni master? Inalis na namin ang mga natitirang hukbo doon sa Shen City, ang gulo na don at nag-aantay lang kami ng bilin niya…"

Nang makita na nag-aalangan sumagot si Qin Ruo Xi, Nahulaan na ni Liu Ying ang nangyare at galit na umangal, "Yung babae yun na naman ba?! Ms. Ruo Xi! Naiintindihan mo na ba? Binalewala lang ni master ang ganitong ka-importanteng bagay para lang sa kanya!"

Tsaka, kanina sa kotse, habang may video conference ang master, ang kapal ng mukha ng babaeng 'yon makipaglandian sa harap namin ni Xu Yi. Ang malala pa don, hindi siya pinagsabihan ni master at inihinto pa ang meeting para sa kanya…"

Lumabas ang imahe na tinuturuan ni Si Ye Han si Ye Wan Wan sa utak ni Qin Ruo Xi at tila bang nagdilim ang mga mata nito, "Lalaki si Ye Han at si Ms. Ye ay bata at maganda--normal lang kay Ye Han na mabihag sa kanya. Tsaka, hindi na mahalaga yun. Wala pang nakaka-impluwensya kay Ye Han pagdating sa mga malalaking bagay."

"Ms. Ruo Xi, naimpluwensyahan na ang master, alright? Sa ganitong sitwasyon, pinagtatanggol mo pa din siya?!" galit na sabi ni Liu Ying.

Kahit na totoo ang sinabi ni Qin Ruo Xi, gumagana lang 'yon sa mga normal na na lalake--bakit naman magiging horny ang master na parang ordinaryong tao?!

Imposible ito!

Tinignan ni Qin Ruo Xi ang teenager sa gilid niya, "Masyado kang mabilis magalit; hindi ka pwede maging ganyan simula ngayon. Dapat maging maingat ka kasi baka pumagitna siya sa inyo ni Si Ye Han. Sa ngayon, 'wag ka masyadong mag-abala sa kanya."

Nagngingitngit pa din sa galit si Liu Ying, "Hindi ko na kaya. Bukod sa magandang mukha, wala siyang kwenta at ang bobo niya pa, wala man lang siyang lakas para humawak ng isang manok. Pag nagpatuloy pa 'to, kahit na hindi na siya gagawa ng gulo, hihilahin niya lang pababa ang master sooner or later. Hindi naman siya maikukumpara sa 'yo, Ms. Ruo Xi…"

Kumunot ang kilay ni Qin Ruo Xi at pinagsabihan si Liu Ying, "Liu Ying, 'wag ka nang magsalita ulit ng ganyan. Tauhan din siya ni Ye Han."

Nagdilim ang mukha ni Liu Ying, "Hindi siya dapat isa sa mga tao ni master; itong klase ng tao ay hindi din kwalipikadong makapantay mo!"

...

Sa taas:

Matapos na makuha ni Ye Wan Wan ang mga method ni Si Ye Han, para bang nakahanap siya ng kayamanan. Buong gabi siya nakinig sa mga paliwanag ni Si Ye Han sa kanya.

Maya-maya, tumawag si Jiang Yan Ran.

Hating-gabi na, dapat tulog na si Jiang Yan Ran ngayon. Bakit siya tatawag ng ganitong oras?

Balisang sinagot ni Ye Wan Wan ang tawag.

Narinig niya ang mga iyak ni Jiang Yan Ran sa receiver.

Napasimangot si Ye Wan Wan, "Yan Ran? Umiiyak ka ba? Anong nangyari?"

"Wan Wan… Anong gagawin ko… Napagtanto ko na lang… Wala talaga akong kwenta… bakit… bakit matapos kong makita kung anong klase siyang tao… nagdudusa pa din ako… Sobrang hirap na hirap na ako…" Pahintu-hinto na iyak ni Jiang Yan Ran, at mukhang lasing din siya.

Napabuntong-hininga si Ye Wan Wan, "Umiinom ka?'

Akala niya nanggugulo na naman 'yong Scumbag Song na 'yon.

avataravatar
Next chapter