1220 Hindi na kayang makapagtimpi pa

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Eh…" nagulat si Ye Wan Wan at bigla siyang napahinto. "Ah-Jiu? Bakit ka bumalik?"

Tatalikod sana siya, pero bigla siyang niyakap ng mahigpit ni Si Ye Han kaya hindi siya nakagalaw.

10 segundo ang lumipas bago siya pinakawalan ni Si Ye Han.

Kumurap at napatalikod si Ye Wan Wan. "Ano iyon?"

Walang sinabi si Si Ye Han at lumapit lamang ito sa kanya. Agad niyang hinalikan si Ye Wan Wan, hinalikan niya ito na parang hindi na niya mapigilan ang sarili niya.

Tumawa si Ye Wan Wan. Nakalimutan niya ang kanyang good morning kiss.

Napagtanto niya na tumataas na ang ang EQ ni Si Ye Han. Malapit na siyang grumaduate...

"Aalis na rin ako."

"Sige," sagot ni Ye Wan Wan.

Pagkatapos siyang halikan ni Si Ye Han, agad itong pumasok sa kotse nanparang kinakatakot niyang makita ang mga emosyon niya na unti-unti lumalabas at baka hindi na niya ito makontrol kapag nagpatuloy pa siya.

Hindi nakita ni Ye Wan Wan ang madilim at malamig na emosyon sa mukha ni Si Ye Han pagkapasok nito sa kotse, ang bintana kasi ay humarang sa kanyang mukha.

Sa mga sumunod na araw, abala si Ye Wan Wan na pumunta sa ibat-ibang mga lugar para pag-usapan at makipagkasuduan sa iba't ibang mga trabaho.

May malaki at importanteng proyekto rin na inaayos si Si Ye Han. Sinabi ni Xu Yi na maayos naman ang kalusugan ang mental state ni Si Ye Han, kaya panatag ang loob ni Ye Wan Wan.

Gumawa ng maraming pagsubok at plano sila Ye Yiyi at Ye Shao An, parehong pasikreto at alam ng lahat. Ang pamilyang iyon ay gagawa ng mga desperadong aksyon at hindi sila susuko ng nakaluhod, kailangang maghanda na kaagad si Ye Wan Wan.

Kailangang magsuot ng pang-babae na mga damit si Ye Wan Wan dahil wala naman nang epekto ang pagsuot niya ng panglalaking kadamitan.

Hinampas ng malakas ni Ye Wan Wan ang mga dokumento sa lamesa niya. "Yung loko ba na Gong Xu, ay tapos nang magpahinga? Sabihin mo sa kanya na kailangan na niyang magsimulang magtrabaho bukas!"

Mukhang mabigat ang damdamin ni Yao Jia Wen. "Tinawagan ko na siya para magmadali na siya, pero si Dong Zai ang sumagot ng tawag… sabi ni Dong Zai…"

Umangat ang tingin ni Ye Wan Wan. "Anong sinabi niya?"

Sumagot si Yao Jia Wen, "Sinabi niya na… ang puso niya ang nawarak… kaya nag-request siya ng isang taon na leave…"

Kumibo ang gilid ng labi ni Ye Wan Wan. "..."

Isang artista na gustong mag-leave ng isang taon?! Gusto niya ba mamatay?!

Ngayon siya nag-attitude kung kailan nakuha na niya ang Best Actor...

Bumuntong hininga si Yao Jia Wen at mukhang nasa mahirap na sitwasyon siya. "Ginawa ko na ang lahat ng makakaya ko, pero hindi kasi ako pinapakinggan ni Gong Xu. Director Ye, mukhang kailangan mo siyang puntahan…"

Habang nag-uusap sila, may tao na biglang kumatok sa pintuan at pumasok. "Brother Ye, hinahanap mo ba ako?"

Naging maayos ang pakiramdam ni Ye Wan Wan nang makita niya si Luo Chen. "Oo. Pakiuwi at aralin mo ng maigi ang screenplay na ito."

"Sige." Patuloy na nagsalita si Luo Chen, "Oo nga pala, Brother Ye. Huwag mo nang alalahanin si Gong Xu. Nakausap ko na siya. Magsisimula na siyang magtrabaho bukas!"

Nagulat si Ye Wan Wan. "Talaga? Paano mo siya nahikayat ang loko na iyon?"

Siguro dahil nakapang-babae na damit si Ye Wan Wan kaya hindi sanay si Luo Chen sa kanya at hindi niya matingnan sa mata si Ye Wan Wan. Biglang napaubo si Luo Chen. "Sa totoo lang… wala akong masyadong sinabi… isang bagay lang ang sinabi ko…"

Bago pa matapos ang sinasabi ni Luo Chen, bigla siyang naantala ng isang malakas na "BANG" na narinig sa pagbukas ng pintuan ng opisina.

Galit na pumasok sa loob si Gong Xu at tinitigan niya ang babae na may suot na light-gold na suit ng babae na may kulot na buhok habang ito ay nakaupo sa likod ng desk, biglang lumaki ang kanyang mga mata...

Nagulat si Gong Xu. "P*ta…"

Hindi nagsinungaling si Luo Chen sa akin. Pang-babae na damit nga ang suot ni Brother Ye noong pumasok siya sa trabaho!

Si Gong Xu ay mukhang dinaanan niya lamang ang 100 million na yuan sa harapan niya. "Mokong, bakit hindi mo sinabi sa akin ng mas maaga?!?!?!"

Pinili ni Luo Chen na hindi pansinin si Gong Xu.

Walang masabi si Ye Wan Wan habang tinitingnan niya ang si Luo Chen. "Sasabihin ang ano?"

Tinikom lamang ni Gong Xu ang kanyang mga labi, wala siyang sinabi na kahit ano.

avataravatar
Next chapter