844 Hindi na kayang ibalik pa ang kanyang dangal

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Hindi makaimik si Luo Chen. "..."

Tumingin si Ye Wan Wan kay Gong Xu. "Sigurado kang gusto mo itong kunin?"

Sa totoo lang, naisip niya din na magagawa itong advertisement. Kahit na walang halimbawa ngayon, sa hinaharap, may ilang mga lalaking artista ang mag-eendorso ng mga produktong pambabae. Tsaka, karamihan sila ay mga sikat na baguhan at hindi na masama ang mga resulta - wala lang talaga ang mangunguna ngayon sa mga ganitong pag-endorso.

Umirap si Gong Xu at tumawa. "Sige, pero boss, gumagawa ako ng malaking sakripisyo ngayon at madaming kinukuha para sa grupo - pwede bang makakuha ng premyo?"

Ye Wan Wan: "..." Hindi ko talaga makita kung aling parte sa kanya ang nahihirapan...

"Anong premyo ang gusto mo? Bukod sa tsitsirya."

Napayuko si Gong Xu sa narinig. "Walang tsitsirya pala, gusto ko ng karne…"

Ye Wan Wan: "..." Hindi ka ba pwedeng magkaroon ng ibang pakiusap?

Nang makita kung gaano kaawa-awa si Gong Xu, nanlambot ang puso ni Ye Wan Wan. "Sige."

Kinagabihan, sa isang fashion party:

Puno ang ballroom ng mga taong may mabangong damit at magagandang buhok. Isa itong grand party at lahat ng mga fashion icon at superstars ay nagsama-sama sa isang lugar.

Sa nakaraan, may mga taong nakapalibot kay Chai Yong Lo, pero sa sandaling ito, mag-isa lang siya kasama ang isang photographer, na si Xiao Yu Ton, na nasa tabi niya.

Sa kaibahan nito, ang chief editor ng Beauty magazine, na si Liang Chong, ay napapalibutan ng mga artista na binabati at pinupuri siya. Hindi pa nabebenta ang darating na issue ng Beauty, pero sikat na agad ito at umangat din ang estado ni Liang Chong bilang chief editor.

"Congratulations, chief editor Liang. Parang masisira ulit ang rekord sa pagbenta ng issue mo ngayon!"

"Sobrang hirap para sa magazine industry sa dalawang taon, pero umabot na sa 20,000 na mga kopya ng pre-order sa Beauty. Bukod sa chief editor Liang, sino ang makakakamit nito?"

Tumawa si Liang Chong, "Kayong lahat, masyado kayong mabait. Sa inyo ang lahat ng pasalamat sa pagpapakilala sa akin!"

"Oh oo, sino ang inimbita ng VIVI para sa cover shoot nila ngayon? Mukhang ang reyna ng pelikula, na si You Si Fei?" tanong ng isang tao.

Sumulyap ang photographer ng Beauty magazine, na si Yao Rui, kay Chai Yong Li at matayog na sinabi, "Tinapos na ni Si Fei ang kontrata niya sa kanila. Pumayag lang siyang mapunta sa cover sa isang linggo dahil sa mga dating kasama, pero sumobra si Chai Yong Li at ininis si Si Fei sa mga pakiusap niya, kaya hindi niya ginawa ang shoot sa huli. Kinumpirma niya ang kolaborayson niya kasama kami para sa susunod na issue!"

"Tsk, sobra na, huh? Matagal ng wala sa uso ang mga konsepto ni Chai Yong Li, pero nagpapanggap pa din siyang matalino at nagbibigay ng mga payo sa reyna ng pelikula. Kaya pala nagalit siya at gustong makisama sa Beauty na lang - matalinong pagpili 'yon!"

Malamig na sumulyap si Xiao Yu Tong sa grupo ng mga tao na nakapalibot kay Liang Chong.

Sa nakaraan, ito ang mga tao na humanga sa ugali ni Chai Yong Li sa pagdemanda sa pagiging perpekto, pero ngayon, sinasabi nila na nagpapanggap siyang matalino.

Ganito sa industriya - walang pang habang buhay na kaibigan, pang habang buhay na benepisyo lang...

Hinayaan sila ni Chai Yong Li. Sanay na siya sa ganitong sitwasyon. Tinanong niya si Xiao Yu Tong, "Hinanda mo na ang mga pre-order at pag-anunsyo para sa issue?"

Tumango si Xiao Yu Tong, "Hinanda ko na sila agad."

Sa wakas, nagawa nilang makahabol at walang blangkong isyu. Kung hindi, mawawalan na ng ihaharap ang VIVI ngayon.

Sayang lang nawala na ang impluwensya ng VIVI at hindi na makakabalik sa dating kabantugan...

Sa sandaling ito, pumasok sina Cai Yongsheng at Lucy Yang sa ballroom. Ninakaw ng dalawa ng limelight at sumapit ang lahat sa kanila para makipagkwentuhan sa sandaling dumating sila.

Malaki ang ngiti ni Cai Yongsheng habang lumapit kasama si Lucy Yang. "Chief editor Liang, congratulations sa taas ng mga pagbenta!"

Nasa magandang kalagayan si Liang Chong at inangat ang kanyang baso. "Direktor Cai, bigyan kita ng toast. Tutal, pasasalamat ito sa swerte ni Direktor Cai na sumabog ang pagbenta namin at napakahusay din ni Lucy!"

avataravatar
Next chapter