62 Hindi mo ba sasamahan ang Kamahalan?

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Teka...Anong pagmamaktol 'to?!

Ang malalim at mainit na hininga na nanggagaling mula sa kanyang leeg at inaantok na boses na nangungusap sa mga tainga ni Ye Wan Wan ang siyang nagpabigla sa kanya.

Laki ba talaga sa luho si Si Ye Han?

Siguro dahil sa hindi matanggihang kinikilos ni Si Ye Han sa kanya na syang nagpatango na lamang ni Ye Wan Wan nang walang anumang pagtanggi.

Nang mapagtanto niya ang nangyari, bumangon na si Si Ye Han at saka naglakad pabalik.

Nang makabalik na sila, mainit na binati sila ng mga kasambahay, "9th master, Miss Ye! Mahigpit na inutusan kami ni Madam na ipaghanda ng silid si Miss Ye. Gusto na po bang magpahinga ngayon ni Miss Ye? Hayaan niyo akong ihatid kayo sa inyong silid!"

Wala na siyang magawa pa. Nadala siya sa mga salita at nauna nang nangako siya kay Si Ye Han na sasamahan niya ang binata. Tiningnan ni Ye Wan Wan si Si Ye Han at nagsabi, "Ibababa ko muna ang mga gamit ko saka maliligo na ako. Usap na lang tayo mamaya."

Mukhang nawala sa pagkakalmado ang inaantok na si Si Ye Han pero sumang-ayon na rin, "Mhm."

Sumunod na si Ye Wan Wan sa kasambahay at saka pumasok sa silid sa ikalawang palapag na nakaharap sa may timog na bahagi ng bahay.

"Maaari na kayong pumasok sa inyong silid, Miss Ye," tinulak ng kasamabahay ang pinto.

Nang mabuksan na ang pinto, ang bumunga sa kanya ay isang malaking silid na puno ng kulay rosas na mga dingding, maging ang kobre kama, kurtina, at karpet. Maging ang ulunan ng kama ay hugis maliit na korona at sa may bandang itaas naman ay isang palyo. Parang isang panaginip na makakita ng ganitong silid.

Mas naging malalim ang ugat ng hindi pagkakaintindihan nila ni Lola Si sa nakaraan niyang buhay. Inakala niyang masama talaga ang matandang si Lola Si pero pansin niyang gusto siyang maging manigong na apo nito. Kung hindi man, hindi siya ipaghahanda nito ng isang magandang silid at maging si Si Ye Han ay nakikipagdate na sa iba. Masasabi talagang itinuturing na siyang sariling apo nito.

Ngunit sa dati niyang buhay, siya ang nanggugulo at palaging sinisita sa bawat isang bahay na ginagawa niya.

"Miss Ye, ayos lang po ba ang silid na ito sa inyo? Kung may hindi kayo gusto, babaguhin namin agad," sabi ng kasambahay nang wala anumang halo ng takot at pagdududa.

Inayos ni Ye Wan Wan ang sarili mula sa pagkakabigla sa nakita, "Huwag ka nang magabala pa, gusto ko ang silid na ito. Pakisabi naman kay lola na maraming salamat sa kanya!"

Nakaramdam ng ginhawa ang kasamabahay, "Kung ganun Miss Ye, nawa'y maging maayos ang inyong gabi. Kapag may kailangan lang kayo, maaari niyo akong tawagin sa pamamagitan ng pagpindot ng timbre na ito kahit na anong oras."

"Sige, maraming salamat,"pagtango ni Ye Wan Wan.

Ang mga damit at iba pa niyang gamit ay nakahanda na sa kanyang silid.

Kinuha ni Ye Wan Wan ang cute at kulay baby pink na nightgown mula sa aparador at saka na dumeretso sa banyo para maligo.

Kadalasan matagal maligo ang mga babae at nang matapos na siya, kalahating oras na nga ang lumipas.

Pinapatuyo ni Ye Wan Wan ang kanyang buhok habang binubuksan ang pinto ng banyo at nabigla siya nang makita si Si Ye Han na nakaupo sa kanyang mala-prinsesang kama. Hindi siya sigurado kung gaano na katagal na naghihintay ang binata.

Natigilan si Ye Wan Wan ng ilang sandali saka mabilis na nagsabi, "Papatuyuin ko lang muna 'yung buhok tapos magaapply na lang ako ng cream sa mukha, matatapos na rin ako…"

Nang makitang hindi sumasagot si Si Ye Han, umupo na si Ye Wan Wan sa harap ng kanynag dresser at saka sinimulang patuyuin ang kanyang buhok.

Samantala, tahimik lang na nakaupo si Si Ye Han sa gilid ng kama, naghihintay sa kanya. Pinapanood siya hbang nagpapatuyo ng buhok, nagwiwisik ng tubig sa mukha, naglalagay ng facial essences, eye cream, at cleansing cream...walang mintis na pagtitig sa kanya ni isang segundo man lang.

Sumilip si Ye Wan Wan sa may salaman para tingnan ang binata. Mukhang nayayamot na ang mukha nito.

Naramdaman niyang tila may mga salita na sa isip ni Si Ye Han na nakasulat na sa kanyang mukha: Bakit hindi ka pa pumpunta dito para samahan ako...

Binilisan ni Ye wan Wan ang kanyang ginagawa. Mabilis na pinunasan ang mukha at iniwan na ang iba pang ginagawa, "Tapos na ako, tara!"

avataravatar
Next chapter