106 Hindi mo ako minahal?

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Hindi mapuntahan ni Ye Wanwan ang pamangkin si Si Ye Han para itanong ang kung inaasar lang siya, diba?

Matibay ang kanilang relasyon sa isat-isa--Si Si Ye Han ay ang 9th uncle ni Si Xia at kapag lumapit siya para magreklamo, hindi ba magkakagulo ang dalawa?

Habang iniisip ni Ye Wanwan kung paano ayusin ang problema kay Si Xia, narinig niya na may nag-aaway malapit sa kanya--

"Hindi ko akalain na isa ka palang sakim Jiang Yan Ran. Bukod sa paninira at pananakit kay Meng Qi, i-pinost mo talaga sa forum ng school para sirain ang reputasyon niya?!"

Tumaas ang kilay ni Ye Wanwan. Akalain mo nga naman, si Song Zi Hang?

Nakita niya ang mukha ni Song Zi Hang na umaalab sa galit at namumutla na si Jiang Yan Ran. Namumula ang mga mata ni Jiang Yan Ran at nanginginig ang kanyang katawan, habang puno siya ng emosyon, sinabi niya "Ilang beses ko nang sinabi, hindi ako ang nag-post nun! At kung ako man, may mali ba sa post na iyon? Hindi ba ninakaw niya ang boyfriend ko? Hindi ba sinira niya ang friendship namin?"

Umirap si Song Zi Hang, napuno ng inis ang kanyang mga mata, "Imposible makipag-usap sayo ng maayos Jiang Yan Ran. Hindi ako para sayo at wala din akong pakialam. Gusto lang ng pamilya ko na ikasal tayo pero di nila ako puppet! Meron akong ibang gusto at di ikaw yun!"

Kung di ka lang umentra sa aming dalawa, sana matagal nang kami ni Meng Qi. Sobra siyang nahihirapan kasi iniisip niya feelings mo! Pero dahil sa post mo nasaktan siya lalo! Ikaw ang panirang kabit sa relationship namin!"

Tinitigan ni Song Zi Hang si Jiang Yan Ran na parang sinasaksak niya ng kutsilyo ang buong katawan nito, biglang na-blangko ang itsura ni Jiang Yan Ran. Kitang kita sa mukha na nasasaktan siya pero pinilit niya ngumiti "Ha… Haha… Song Zi Hang… kilala na natin ang isat-isa kahit nasa sinapupunan pa lang… sinabi mo noon na papakasalan mo ako… na… na poprotektahan mo ako, at walang mananakit sa akin… tayong dalawa magpakailanman… matapos ng lahat…ako… ako… ang kabit…"

Sobrang sakit ng huling dalawang salita ni Jiang Yan Ran na parang siya'y lumuluha ng dugo!

Malayo ang isip ng lalaki sa kaniya, "Matagal na yon, bata pa tayo! Wag mong binabalik ang kalokohan nung bata pa tayo para guluhin pa ako!"

Dinidikdik ni Jiang Yan Ran ang kuko niya sa kaniyang palad, "Guluhin ka… isang dekada kong tinandaan yon, paulit -ulit kong sinasabi ng isang dekada, at hinintay na mangyari yun ng isang dekada… at gulo lamang ito sa isip mo… Song Zi Hang… may puso ka ba?… sagutin mo ako… sa tinagal tagal ng panahon… hindi mo ba ako minahal? Kahit isang beses lang?!"

Sa oras na iyon, tumunog ang phone ni Song Zi Hang. Tiningnan niya ang message na galing siguro kay She Ming Qe at lumambot mata niya, pero nung tiningnan niya ulit si Jiang Yan Ran, binalot ng inis ang mukha niya. Walang gana niyang sinabi, "Jiang Yan Ran, magiging totoo ako sayo, Hindi! Parang kapatid ang tingin ko sa iyo! Ngayon, inubos mo natitirang nararamdaman ko sa iyo!

Bibigyan kita ng isang oras para i-delete ang post na iyon. Kapag hindi mo ginawa sa loob ng isang oras, wag mong maipagmamalaking ako ang walang puso!"

Tinalikuran at iniwan siya ni Song Zi Hang.

Nanginginig ang labi ni at namumula ang mga mata ni Jiang Yan Ran sa kaka-iyak; tila naubos na ang luha niya. Tulalang tiningnan niya ang paalis na anino ng lalaki na parang piniga ang lahat ng galit sa buong katawan niya.

Lumipas ang ilang oras, manhid na naglalakad si Jiang Yan Ran at sa bawat hakbang na parang walang pakiramdam ay papalapit ng papalapit sa sapa...

avataravatar
Next chapter