579 Hindi matakasan ang pagpapakilala sa magulang

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Ito man ay isang maliit na pagbabago lamang, natuwa pa rin siya dahil sa pangyayari na ito.

Sa magulong mundo ng unang buhay niya, naligaw siya sa landas at hindi tinanggap ng lahat ang mga ginawa niya noon. Parang isa siyang walang kwentang lokarit na sumusuhol para sa ibang mga tao. Napakapangit ng karanasan niya noon.

Noon, wala siyang magawa kundi lakarin ang landas kung saan man siya dadalhin ng kapalaran pero ngayon, iba na ang nararamdaman niya.

Siguro...

Hindi naman pala nakakatakot na nanatili ako sa tabi ni Si Ye Han...

"Miss Wan Wan, gawin mo yung pinangako mo sa amin ha!" nagalak ang lahat kay Ye Wan Wan.

Pagkatapos ay may nagyaya, "Tara inom tayo, bilang selebrasyon na rin!"

"Hahaha, sige ba! Ngayong gabi, iinom tayo hanggang sa ma-lasing!"

Dali-daling pinuntahan ni Bulol si Ye Wan Wan at nag-imbita: "Ggg-guro… ssama… ka sa amin… uminom…"

Nagtanong si Ye Wan Wan, "Iinom kayo?"

Biglang nanahimik ang lahat ng marinig nila ang usapan nila Bulok at Ye Wan Wan, nawala rin bigla ang kasiyahan nila.

Matapos ang tatlong segundo, may ilang mga matitipunong lalaki ang humila kay Bulol sa gilid at sinabi, "Sinong nagsabi na iinom kami?! 'Wag kang magsalita ng kung ano ano punong kapitan!"

"Ka...kkk-kakasabi niyo… lang… kanina eh…" sabi ni Bulol.

"Wala kaming sinabing ganun! Malinaw na sinabi namij na mag-eensayo kami!" Makatotoo siyang itinama ng isang bodyguard.

"Tama, mali ang narinig mo!" Sumabad naman ang iba.

Leche! Hahayaan niyang uminom si Miss Wan Wan? Gusto niya rin bang mabugbog?

Walang selebrasyon dahil mamaya, impyerno na ang aabutin natin, okay?

Wala bang utak ang panibago nating punong kapitan?

Muntikan na tayong mabugbog, bakit niya niyaya si Miss Wan Wan na mag-inom?!

Nanginginig sa takot ang mga bodyguards habang nakatingin sila kay Ye Wan Wan. "Miss Wan Wan… mag-eensayo kami ngayon din! Pahinga ka na lang po sa bahay niyo!"

"Tama tama tama, hindi kami iinom noh! Bakit naman kami iinom, pagkatapos naming mapanood ang malupit na laban ni Miss Wan Wan? Mag-ensayo, tayo'y mag-ansayo! Tara!"

Mabilis na hinila ng grupo ng mga bodyguards si Bulol at mabilis silang tumakbo papalayo nang matapos silang magsalita. Nakakapagtaka na kahit si Eleven na bugbog sarado ay maliksing umalis...

"Uh…" nakatayo lamang si Ye Wan Wan at hindi siya nagbigyan ng pagkakataon na makapag-salita. "Uy… uy…"

Ano nangyari...

Bakit bigla silang natakot nung inimbitahan akong uminom ni Bulol?

Hindi rin naman ako makakapunta kasi may date ako mamayang gabi!

Hindi na nag-atubili si Ye Wan Wan sa mga bodyguards na iyon. Masaya siyang umuwi at nagpalit ng damit.

Sa isang saglit, lumipas ang kalahating oras na pag-aalaga niya kay Si Ye Han, ito ang tungkulin na pumayag siyang gawin, sa mga nakakatandang miyembro ng Si family.

Sa mga panahong ito, paiba-iba ang kondisyon ni Si Ye Han - minsan maayos siya at minsan ay malala. Nag-aalala pa rin si Ye Wan Wan pero hindi niya ito pinapakita kay Si Ye Han.

At saka, may malaking problema pa na nagbibigay sa kany ng sakit sa ulo...

Noon, sinabi niya na may boyfriend siya sa kanyang magulang, para kumbensihin sila na wala na siyang nararamdaman para kay Gu Yue Ze.

At para mapanatag sila, nagsinungaling siya at sinabi na pangit at napaka-ordinaryo lamang ng boyfriend niya.

Paminsan-minsan ay kinakamusta ng magulang niya ang relasyon nila ng boyfriend niya at nagpapahiwatig rin ang mga ito na gusto na nilang makilala ang boyfriend ni Ye Wan Wan. Sinabi rin nila na wala silang pakialam kung pangit man ito, kaya halos mabaliw si Ye Wan Wan sa tuwing naiisip niya ito...

Sumang-ayon na si Si Ye Han na makipag-kita sa magulang ni Ye Wan Wan, ngunit lagi silang nahihirapan kung kailan sila makakahanap ng pagkakataon na gawin ito. Ayaw na rin siyang pilitin ni Ye Wan Wan dahil sa malalang kondisyon ni Si Ye Han sa ngayon.

Sa oras na iyon, namimili ng damit si Ye Wan Wan habang sumasakit ang kanyang ulo dahil sa problema niyang ito nang biglang, nag-ring ang phone niya.

Nagulat si Ye Wan Wan nang makita niya ang caller ID...

Patay. Ito na siya - tumatawag na si mama.

avataravatar
Next chapter