385 Hindi malumanay kahit kailan

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Matapos umalis ni Si Ye Han, galit na galit si Liu Ying kaya sinuntok niya ang pintuan ng kotse. "May sakit, mo mukha mo! Namumula at malakas ang boses - paano siya magkakasakit?! Ginugulo ang master sa harap ng maraming tao - talagang wala siyang hiya!"

Dumaing ang bodyguard na nasa gilid, "Ito ang unang beses kong makita ang girlfriend ng BOSS at siya ang panalo! Walang duda na kayang mapaurong umalis ang isang gaya ni BOSS!"

Tumingin si Liu Ying sa taong nagsalita at ininsulto, "Femme Fatale! Ang alam niya lang gawin ay ang mag wala mula umaga hanggang gabi, walang tigil na ginugulo ang master. Hindi niya alam ang pagkaseryoso ng sitwasyon kahit na sa puntong ito! Maiihahatid ang master sa kamatayan balang araw dahil sa kaniya!"

Nagsimula na din bumuntong-hininga ang iba. "Sa napaka importanteng bagay, talagang wala siyang konsiderasyon…"

"Makakaya niya kayang makatagal sa reponsibilidad ng negosasyon? Nakakatawa!"

"Narinig ko na ang babaeng ito ay isang anak ng maliit at mababang pamilya, kaya halatang hindi siya makonsiderasyon katulad ni Miss Ruo Xi."

"Wag mong ikumpara ang babaeng iyon kay Miss Ruo Xi!"

"Ay, hindi ko alam kung anong iniisip ni BOSS; itong klase ng babae ay hindi talagang bagay kahit kailan maging head ng papamamahay ng pamilya Si, diba?"

...

Sa loob ng kwarto sa itaas.

Matapos siyang bigyan babala, si Ye Wan Wan ay mahinhing umaangal sa yakap ni Si Ye Han ng walang katakot takot: "Wala naman akong sinabing mali - maiksi lang naman iyon. Sa totoo lang, sa tinggin ko sapat na ang pitong araw..."

Ibinaba ni Si Ye Han ang babae sa sofa, niluwagan ang kurbata sa kanyang kwelyo at tumitig sa kanya, parang gusto niyang kainin ng buhay.

Napalunok si Ye Wan Wan. Tumahimik siya bigla at tumigil sa kanyang kalokohan.

Nakatitig si Si Ye Han sa kanya. "Sabihin mo sa akin, ano ba ang gusto mong gawin?"

Si Ye Wan Wan ay sumabog sa galit: "Ano ang sinasabi mo? Anong kaya kong gawin, hindi ko pwedeng hayaan kang umalis na lang. Ayaw kong umalis ka, okay? Masyado kang manhid! Sige! Alis! Umalis ka! Pumunta ka kung saan mo gusto! Wala na akong pakialam sayo!"

Nagisip siya ng sandamakmak na plano para pigilan siya sa pagpapadala ng sarili niya sa kanyang kamatayan - nanlamig siya hangang sa sumakit ang kanyang mga buto kagabi at nainsulto pa bilang "femme fatale" ng kanyang mga tauhan. Hindi ito madali para sa kanya, malinaw ba?

Sa huli, hindi man lang mapahalagahan ng loko lokong ito ang kanyang kabutihan!

Kinuha ni Ye Wan Wan ang kumot sa sofa at binalot ito sa kanyang sarili.

Galing sa ilalim ng kumot ang isang malungkot na boses ng babae : "Masama, bastos, isang demonyo… sobrang sama mo sa akin… sobrang poot… laging malamig sa akin… hindi ka malumanay kahit kailan… bakit ako magmamalasakit sa iyo… pumunta ka kung saan mo gusto..."

Isang matagal na katahimikan...

Matapos ang ilang sandali, akala ni Ye Wan Wan umalis na si Si Ye Han ngunit biglang may malakas na humawi ng kumot. Biglang hinablot agad ni Ye Wan Wan ang isa sa mga dulo ng kumot at ayaw itong bitawan.

Ginamitan lang ni Si Ye Han ng kaunting lakas sa paghatak ng kumot at natanggal din niya ang kumot sa kamay ni Ye Wan Wan.

Magsasalita na sana siya ngunit nabigla siya sa nakita niyang paiyak na maliit na mukha ng dalaga...

Niyakap ni Ye Wan Wan ang kanyang mga tuhod at pinunasan ang muhka niya gamit ang kanyang mga kamay at nagtanong, ng walang emosyon, "Anong problema? Bakit hindi ka pa din umaalis?"

Tinikom ni Si Ye Han ang kanyang manipis na labi na para bang nahaharap siya sa isang malaking krisis o paghihirap at tumitig sa kanya, ng hindi kumikilos.

Matapos ang isang sandali, nagsalita na ang lalaki, "Maliban sa hiling na ito, kaya ko pang pumayag sa kahit ano man."

Napahinto si Ye Wan Wan ng marinig niya ito at lumingon siya ng dahan dahan patungo kay Si Ye Han, "Kahit ano?"

"Oo." sagot ni Si Ye Han.

Nagisip ng mabuti si Ye Wan Wan. "Gusto kong sumama sa iyo!"

Nang makita na tumahimik si Si Ye Han, kumilos agad si Ye Wan Wan at nagtago muli sa ilalim ng kumot.

Sa sumunod na segundo, sabi ni Si Ye Han, "Sige."

Ang kaninang naninigas na mukha ni Ye Wan Wan ay biglang sumigla. Pinunasan niya ang kanyang ilong at itinaas ang kanyang dalawang kamay patungo sa lalaki. "Bitbitin mo ako papunta doon!"

avataravatar
Next chapter