779 Hindi makatotohanang pag-arte

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Hahaha, tunay nga na ikaw ang kahanga-hangang Li San Ye." patuloy ang pagtango ni boss Zhou.

Sa sandaling ito, ang matandang mercenary ay palihim na nag iisip ng pagganti.

Alam na nitong si boss Zhou na sila ay babalik at nag lagay ng bitag sa pabrika - sila ay hinarap ng mga baril at sandata sa oras na tumapak sila sa loob.

Sa sandaling ito, higit sa sampung mga baril ang nakatutok sa kanila, kung hindi sila nakagapos ng bomba sa palibot ng kanilang katawan, maaaring napatay na sila.

"Qiang-ge, anong gagawin natin… mamamatay na tayo…" umiyak ang may mahabang buhok na lalaki.

"Baby, huwag ka matakat. Kapag nandyan si Qiang-ge, wala kang dapat ikatakot. Sino ba sila sa akala nila, huh! Pangungutya ng balbas-saradong lalaki.

Gayunpaman, sa sandaling sinabi niya iyon, nakatanggap siya ng isang malupit na sampal mula kay Li San Ye?

"Ang kapal ng mukha mo, tanda… sige subukan mo ulit akong hawakan!" galit na galit na tumingin ang balbas-saradong lalaki sa kanya.

*Slap!*

Nang marinig iyan. Binigyan ulit siya ni Lin San Ye ng isa pang sampal.

"Ikaw…" kinuyom ng balbas-saradong lalaki ang kanyang kamao. "Napaka masunurin mo! Dahil isa kang mabait na bata, hindi ko na papahirapan ang mga bagay-bagay para sayo!"

"Qiang-ge, kahanga-hanga ka! Sobrang kalmado ka at mabait!" Talagang sinasamba siya ng may mahabang buhok na lalaki.

"Hng, siyempre, baby. Kung hindi masunurin ang matandang ito, nasapak ko na siya sa kanyang kamatayan. Ngunit ng makitang masyado na siyang matanda at masunurin, hinayaan na lang niya ito." pinagtawan siya ng balbas-saradong lalaki.

"Oh my… may papalapit na kamatayan, nagpapakitang-gilas ka pa din, huh?" gulat na tumingin ang mataba sa balbas-saradong lalaki.

"Aiya… nakakainis, pinaglalaruan tayo… hindi ito cute, hindi cute, ayokong mamatay!" naiiyak na umangal ang munting Lolita.

"Kailangan ninyo mamatay lahat dito ngayon." ang doktor na nakapang-suot na binata ay kinislot ang kanyang mga labi at tumingin ng napakasama na may isang makintab na surgical scalpel sa kanyang kamay.

Bago pa magpatuloy ang binata, may nakita siya malapit sa tuktok ng bundok mula sa gilid ng kanyang mga mata.

Sa sandaling iyon, nanlamig ang ngiti sa kanyang mukha at kinusot ang kanyang mata. Saka patuloy na tumingin patungo sa tuktok ng bundok.

Ang kanyang nakita ay isang babae na nakasuot ng isang antigong sumbrero. Ang kanyang mukha ay natatakpan ng isang itim na belo habang dahan-dahang bumababa sa bundok at naglakad patungo sa kanila.

Sa likod ng babae may limang tao na nakasuot ng pilak ng maskara at naka itim - hinuhusgahan ang kanilang sukat, lahat sila ay mga lalaki.

"Rosas… ng Kamatayan?!" mabilis na lumabas ang takot sa mga mata ng binata. Siya ay hindi makapaniwala.

Ang istilo ng damit ay tiyak na kasuotan ng sinasabing Rosas ng Kamatayan.

Kahit na walang kahit anong balita sa Rosas ng Kamatayan sa nalalapit na sampung taon, sinasabi na itong Rosas ng Kamatayan na ito ay nagpakitang muli sa kalapit na country B…

Nagulat si boss Zhou, Li San Ye at ang iba din.

"Aiya… ang kasuotang iyan… Rosas ng Kamatayan?" nilakihan ng munting Lolita ang kanyang mata at hindi makapaniwala.

Ang matandang mercenary at ang lahat ay nagulat din.

Maya-maya, dumating na si Ye Wan Wan, Nameless Nie at ang iba pa.

Bago pa magsalita si Ye Wan Wan, biglang humakbang si Nameless Nie at malamig na sinabi, "ako si Nameless Nie. Harapin mo ako at palayain mo sila."

Ye Wan Wan: "..." Isa ka bang baboy...

"Name… Nameless Nie?!"

Nang marinig iyon, nagulat si Li San Ye - anong Nameless Nie?

"Nameless Nie… nagbibiro ka ba…" tumingin ang binata kay Nameless Nie.

Ang Nameless Nie na ito - pati na ang Black Widow mula sa Rosas ng Kamatayan ay nakita siya, kailangan niya maging magalang at mapagkumbaba sa harap niya. Paano siya naging miyembro ng isang Rosas ng Kamatayan? Kalokohan!

"Kapitan, nagpapanggap tayo ngayon bilang Rosas ng Kamatayan…" lumapit ang deboto at mahinang nagsalita na tanging si Nameless Nie lang ang makakarinig sa kanya.

"Oh…" bumalik sa katinuan si Nameless Nie, tumingin kay Li San Ye at sa iba at muling nagsalita, "isa akong miyembro ng Rosas ng Kamatayan. Gusto kong harapin ninyo ako - sa tingin niyo ba hindi nararapat ang Rosas ng Kamatayan?!"

Kumislot ang gilid ng mga labi ni Ye Wan Wan. ang pagganap na ito… ay hindi makatotohanan huh…

avataravatar
Next chapter