407 Hindi makakaalis ng buhay

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Tulad ni Qiu Hong Hai, nagsimulang magsuspetya sila Jason at ang ibang kasamahan niya dahil wala pa ring kibo ang babae.

Sa mata ng lahat, nakikita nila ang babaeng naglalaro ng kaunting hibla ng kanyang buhok sa kanyang tainga gamit ang kanyang maputing mga daliri. Pagkaangat niya ng kanyang braso, makikita ang kapirasong gold na silk sa kanyang balikat habang pinaglalaruan niya ito, kaya mabilis itong nakita ni Eugene...

Ang mata ng babae sa ilalim ng belo ay parang halimaw na nananakal biktima niya habang nakatingin siya kay Eugene, nakakatakot at dahan-dahan niyang sinabi ng mala-demonyo ang boses, "Ito ba ang… tinutukoy mo?"

Sa buhay niya noon, walang tinagong impormasyon si Si Ye Han sa kanya, kahit ang mga sikretong impormasyon ay pinapaalam niya, kaya nalaman ni Ye Wan Wan ang tungkol sa damit ng Rosas ng Kamatayan.

Hindi inasahan ni Ye Wan Wan na ang mga storyang ito at magagamit niya ang impormasyon na ito, kahit pa tinatamad siyang makinig noon kay Si Ye Han...

Sa pananaw ni Eugene, nakita niya nang maigi ang isang simpleng gold na silk ang nakabalot sa pulsuhan ng babae.

Nanatili sa mukha ni Eugene ang mapangasar na itsura. Nanliit ang kanyang mga mata sa sobrang takot at ang katawan niya ay biglang napaurong.

Akala nilang lahat na komplikado at nakakatakot ang armas ng Black Widow pero sa mata ng nakakaalam at nakakita nito, ang nakakatakot na armas ng Black Widow ay isang kapiraso lamang ng golden silk.

Pero ang kapirasong golden silk na ito at may marka ng mga dugo ng mga alamat niyang kalaban...

Nawala na ang pagiging kalmado ni Eugene nang makita niya ang kapirasong tela na iyon. Nanigas ang buong katawan niya na halos mabulol-bulol siya nang magsalita siya. "Sa… salamat senyorita… ang ganda pala talaga ng armas mo..."

Gumulo ang salita ni Eugene nang makita niya ang nakamamatay na intensyon sa mata ng babae dahil sa isang galaw ng mga daliri nito, doon rin pwedeng mawala ang buhay niya.

Tulad ng inaasahan, pagkatalikod ni Eugene at nang maghanda siyang umalis, maririnig sa kanyang likuran ang malamig na boses ng babae, "Dahil marami kang alam tungkol sa golden silk, natural na rin na, alam mo ang… parusa… sa lahat ng nakakakita nito?"

Malamang alam niya ang parusa… dahil lahat ng nakakita ng golden silk… ay mga patay na…

Nanigas ang buong katawan ni Eugene sa sobrang takot nang makita niyang binalot na ng nakamamatay na kagustuhan ang mga mata ng Black Widow. Hindi na niya sinubukang magsalita kaya napalingon na lamang siya kay Qiu Hong Hai at balisa niyang tinanong, "Boss, alis na tayo! Hindi na natin pwedeng ibaligtad ang mundo para lang sa misyon na ito!"

Kapag ginalit nila ang Rosas ng Kamatayan, malamang ang buong organisasyon nila ay madadamay na rin sa magiging epekto nito.

Nakita ni Qiu Hong Hai ang reaksyon ni Eugene at dito niya nakumpirma na ang Black Widow nga iyon dahil sa kanyang armas. Biglaan siyang nagdesisyon at tinawag niya ang kanyang mga kasamahan, "Umatras na tayong lahat!"

Pagkatapos niyang magsalita, humarap siya sa babaeng may itim na belo sabay sumaludo siya (bilang respeto). "Dahil ito ang mga taong gusto ni senyorita, wala na kaming kinalaman sa kanila. Aalis na kami agad! Patawarin mo kami senyorita kung may nasabi man kaming nakakabastos!"

"Hehe..."

Paalis na sana sila nang biglang nangilabot ang kanilang mga likod nang marinig nila ang nakakatakot na tawa ng Black Widow sa kanilang likuran.

Hinawakan ni Ye Wan Wan ang braso ng isa sa mga gwardiya, humarap at tiningnan niya ang iba niyang mga kasamahan at sinabi, "Matagal na panahon na rin noong una tayong naka-engkwentro ng mga padalos-dalos na tao - nakakatuwa sila 'di ba? 'Di ba guys?"

Naintidihan ng Bodyguard Eleven ang ibig sabihin ng mga salita ni Ye Wan Wan at biglang sumama ang tingin niya sa Murderous Blood Gang na papaalis na sana, mayabang niyang sinabi, "Saglit lang! Sinabi na ba ni master na umalis kayo? Sinubukan niyo pa kaming lokohin kahit alam niyo na ang patakaran ni master. Kapitan Qui, alam mo ba ang parusa ng ginawa ninyo?"

Napahinto sa paglalakad si Qui Hong Hai at ang kamiseta ni Eugene ay tila basang-basa na ng malamig na pawis.

Ayaw nilang pahintulutan na umalis ang Murderous Blood Gang ng buhay!

avataravatar
Next chapter