810 Hindi makaalis ng kama

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Hinagis ni Ye Wan Wan si Eleven, na nasa braso niya, at sinipa niya ang guwardiya na nasa paa niya, noong nagsalita si Si Ye Han. Pagkatapos ay masaya siyang tumalon sa tabi ni Si Ye Han.

Nanatiling nakatayo ang mga Dark Team guards sa lapag at pinanood nila ang pag-sundo ng master nila sa babaeng demonyo, kaya nakahinga na sila ng maayos.

Niligtas niya tayo...

Sinakripisyo ni master ang sarili niya upang iligtas tayo...

Nalulugod ang puso ko...

Hinatid ni Si Ye Han si Ye Wan Wan muli sa kwarto at pinahiga niya ito sa kama.

Mabuti na lang at kalmado na si Ye Wan Wan sa pagkakataon na ito. Malakas ang ingay ng mga kawawang tao na binugbog niya buong gabi kaya nakatulog agad siya noong humiga na siya sa kama.

Nakahinga na ng maayos si Si Ye Han nang makita niya na nakatulog na ng mahimbing si Ye Wan Wan, ngunit umalab ang galit sa buong katawan niya kaya hindi na siya nakatulog...

Kinaumagahan, nagising na si Ye Wan Wan.

"Ow… ang sakit, ang sakit, ang sakit…" pamilyar ang mga sakit na naramdaman niya na naman sa kanyang katawan.

"Bakit lagi kong nararamdaman na bugbog sarado ako pagkatapos kong uminom ng alak, huh?"

Bumubulong si Ye Wan Wan nang bigla niyang napagtanto na nakahiga sa tabi niya si Si Ye Han.

Kakaiba na nakita niyang mas nauna pa siyang nagising kay Si Ye Han!

Hindi na siya ginising ni Ye Wan Wan. Tahimik siyang umalis sa higaan at naligo muna siya bago bumaba ng hagdan para magsanay.

Nakasalubong niya si Xu Yi nang dumaan siya sa courtyard.

Muntikan nang tumalikod at tumakbo palayo si Xu Yi nang makita niya si Ye Wan Wan, mabuti na lang at kinontrol niya ang sarili niya. *ehem* "Good morning, Miss Wan Wan!"

"Magandang umaga, housekeeper Xu!"

Tiningnan ni Xu Yi si Ye Wan Wan na nasa likod niya. "Uh, Miss Wan Wan, nasaan si 9th master?"

"Hindi pa siya gising. Tulog pa kasi siya eh!" Sumagot si Ye Wan Wan sa kanya.

Xu Yi: "Uh…"

Nakikinig sila Eleven, Feng Xuan Yi at ang ibang mga guwardiya sa pinag uusapan nila Ye Wan Wan: "..."

Late na pero hindi pa rin siya gising...

Ano kaya ang ginawa ni Miss Wan Wan kay 9th master kagabi!?

Napakamot sa ulo si Ye Wan Wan at nagtaka siya. Bakit kakaiba ang tingin sa akin ni Xu Yi, eh?

Sa opisina ng Dazzling Media:

Masaya sila Ye Wan Wan noong uminom siya ng alak kagabi at tila presko at mataas ang enerhiya niya upang magtrabaho. Sinimulan niyang magbasa ng balita tungkol sa "Terrifying Dragon 2."

Sa ngayon, makakalahati na ang serye sa broadcasting at sumabog sa kasikatan ang artista nito na si Luo Chen. Kahit na supporting actor lang siya sa drama, maraming nanonood sa kanya sa tuwing lumalabas siya sa serye, siya rin ang artista na may pinakamaraming manonood sa buong Imperial City TV prime time. Siya rin ang isa sa mga hottest searches online at hindi siya nawalan ng mga proyekto at endorsements.

Tinulungan siya ni Ye Wan Wan na mabigyan ng mga kapuri-puring endorsements, ngunit wala pa siyang naihandang movie o drama serye sa kanya. Hinihintay niya pa kasi ang balita kay Song Jin Lin.

Kahit na sikat na si Luo Chen at ito ang magandang oportunidad na makakuha siya ng malalaking halaga ng pera kaya masasayang lang kung hindi siya makakakuha ng mga ito, naniniwala si Ye Wan Wan na mahalaga pa rin na hintayin niya ang script ni Song Jin Lin.

Abala si Ye Wan Wan nang biglang may kumatok sa pintuan niya.

"Pasok po kayo."

"Ye-ge…" tinulak ni Shen Man Zhu ang pintuan at kabado siya nang pumasok siya sa opisina.

Nang makita siya ni Ye Wan Wan, natandaan niya ang gabi na naghibad si Shen Man Zhu sa loob ng kanyang apartment at sinubukan nitong makipagtalik sa kanya, kinilabutan si Ye Wan Wan nang maisip niya iyon. *cough* "May problema ba?"

Mukhang iiyak si Shen Man Zhu. Nag-bow siya at sinabi, "Ye-ge, patawarin mo ako. Wala akong respeto noong gabing iyon! Hin… hindi ako ganoong babae… kasi…"

Bumuntong hininga si Ye Wan Wan. "Sabihin mo sa akin kung sinong nag-utos sayo na gawin iyon?"

Kung hindi siya sinabihan noon, malaking pagbabago ang gagawin niya sa loob ng isang araw lamang.

Trinaidor ni Shen Man Zhu si Gong Xhu nang walang pag aatubili. "Si Gong Xu… sinabi niya sa akin na… gusto mo iyon…"

Ye Wan Wan: "Gusto yung?"

Shen Man Zhu: "Gusto mo yung mga babaeng mababagsik at sinabi niya rin na mas maganda kung mas mabagsika ang babae; mas gusto mo kapag bukas ang isipan at didiretsohin ka agad…"

Ye Wanwan: "…"

Bastardo!!!

avataravatar
Next chapter