1041 Hindi makaakyat sa entablado

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Mahinang nagsalita si Ye Wan Wan, "Sinong nagsabi na gusto kong umakyat sa entablado para makipaglaban?"

Akala niyo ba na gusto kong mamatay kapag umakyat ako sa entablado? Nangako na ako na hindi ako lalaban! 

Nag-iba ang ekspresyon sa mukha ni Sun Xue Zhen nang marinig niya ito. "Ano ang pinaparating mo?"

Ngumiti si Ye Wan Wan at walang buhay niyang sinabi, "Wala namang nagsabi sa akin bago pa ako pumunta dito, na kailangan kong umakyat sa entablado at makipaglaban."

Kailangan ko ba talagang umakyat sa entablado dahil pinipilit ako ni Qin Ruo Xi?

At tsaka, hindi masaya at boring ang kompetisyon na ito kaya ayaw niyang umakyat sa entablado.

Manhid at seryoso ang mukha ni Sun Xhue Zhen. Inakala niya na si Ye Wan Wan ay natatakot kaya nakipag-away pa siya, "Hindi mo alam noon pero ngayon alam mo na, hindi ba? Kailangang maglaban ng mga representatives sa entablado pagkatapos ng kompetisyon ng mga eksperto. Bakit hindi ka lalaban bilang representative ng Si family?!"

Makikita sa mukha ni Sun Xue Zhen ang pangungutya. "Magiging makatotohanan at dakila ka kapag umakyat ka entablado kahit pa matalo ka. Pero, mas pinipili mong maging duwag at ang lakas pa ng loob mo na hindi umakyat sa entablado! Isa kang kahihiyan sa lahat ng mga martial artists!"

Nag-iba ang itsura ng mukha ng lahat sa pagkakataon na ito.

"Bakit niya gagawin iyon! Bakit walang lakas loob na umakyat sa entablado ang babaeng ito na representative ng Si family!"

"Nakuha niya ang posisyon na iyon dahil nakikipagtalik siya sa iba't ibang mga lalaki, malamang! Hindi mo ba narinig? Si Si Ye Han ang bago niyang jowa!"

"Kaya pala sinabi ni Miss Sun na isang kahihiyan sa martial arts conference ang babaeng ito! Mukhang totoo nga ang sinasabi niya!"

Plinano na ni Qin Ruo Xi noong una palang na kakalabanin ni Ye Wan Wan si Sun Xue Zhen. Ginagamit niya si Sun Xue Zhen para pahiyain si Ye Wan Wan. Hindi niya inasahan na ang babaeng ito ay matatakot hanggang umabot sa punto na maduduwag siyang umakyat ng entablado.

Inakala niya ba na ang lahat ng bagay ay magiging maayos kapag umakyat siya sa entablado? Hindi niya alam na pinapamukha niyang tanga ang sarili niya.

Diretsahang sumabad si Qin Ruo Xi upang depensahan ang sarili niya: " Hayaan mo na, Xue Zhen. Ang nais lang iparating ng kompetisyon ay pagkukumpara ng notes ng bawat isa. Huwag nating ipwersa si Miss Ye kung ayaw niya."

Inakala ng mga guwardiya ng Si family na ang malala nang mangyayari sa kompetisyon na iyon ay ang matatalo si Ye Wan Wan sa laban. Malaking katalunan ito para sa Si family. Sinong mag-aakala na ang babaeng ito ay matatakot hanggang sa ayaw na niyang umakyat sa entablado?

Na… nakakahiya naman ito!

Plano nilang makakuha ng maraming merit ngayong araw, ngunit mukhang nagmumukha silang katatawanan ng isa sa mga mayayamang pamilya sa araw na iyon.

Lumapit na lamang ang pinunong guard sa harapan ni Ye Wan Wan at tahimik siyang nag-suggest sa babae, "Miss Ye, sa tingin ko, kailangan mong umakyat sa entablado kahit na manalo man o matalo!"

Walang interes na tiningnan ni Ye Wan Wan ang guwardiya. "Hindi ako interesado sa ganitong mga labanan "

Lubhang nagalit ang gwardiya nang makiya niya ang ugali ni Ye Wan Wan, pero ayaw niya itong ipakita, kaya wala siyang nagawa kundi kaskasin ang kanyang ngipin at umalis sa sobrang hiya.

Mapangasar na tiningnan ng eksperto ng Sun family ang guwardiya na kumausap kay Ye Wan Wan. "Mukhang ang representative niya ay walang lakas ng loob na umakyat sa entablado. Hayaan niyo na lang siya, ibabasura lang siya ng Miss namin kahit na umakyat siya sa entablado!"

Tahimik lamang at galit na galit ang itsura ng limang guwardiya ng Si family habang tinatanggap nila ang pangangasar ng ibang mga pamilya.

Hindi na nila hahayaan na maging magulo ang sitwasyon dahil may dadalong mga importanteng bisita sa kompetisyon na iyon, kaya agad na sumagot si Sun Li Zhong, "Nakadepende sa free will ng tao ang kompetisyon. Hayaan niya na kung ayaw umakyat ni Miss Ye ng entablado. Xue Zhen, makipaglaban ka na kay Ruo Xi! Ang mananalo ay magkakaroon ng oportunidad na makakuha ng personal na kaalaman galing kay Mr. Senny at makakalaban rin niya si Mr. Senny!" 

Walang magawa si Sun Xue Zhen kundi pangatawanan ang desisyon ni Sun Li Zhong ayon sa inanunsyo niya. Tiningnann niya si Ye Wan Wan na parang isa itong basura at mabilis siyang umakyat ng entablado. "Hayaan ko na lang. Ang tulad niyanh mga tao ay hindi karapat-dapat na makalaban ang tulad ko! Tara, Ruo Xi!"

Awkward na tiningnan ni Qin Ruo Xi si Ye Wan Wan bago siyang bumuntong hini nga at umakyat ng entablado. "Tara!"

Ang concentration level ng dalawa ay nasa 120%. Ang mananalo sa kompetisyon na ito ay makakalaban ang batikan na si Wolf King Senny!

avataravatar
Next chapter