902 Hindi magiging cute ang pamangkin ko

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Wala akong kwenta! Mali… mali ang ginawa ko."

"ANONG SINABI MO!!!" Nagalit si Si Ming Li nang marinig niya ang report ng confidant, "Hindi ba't sinabi mo na hindi magugulo ang plano mo? Limang katulong lamang ang nasa loob ng bahay na iyon at nagpadala ka ng C-rank mercenaries para gawin ang inutos ko. Paano nagkagulo ang plano mo?!"

Nanginginig sa takot ang confidant habang nagsasalita siya, "Limang katulong lamang ang nasa loob ng bahay na iyon… ngunit ang limang iyon ay mga eksperto pala… at… mga mersenaryo rin pala sila… na mas mataas ang ranggo kaysa sa tatlong pinadala ko…"

"Walang kwenta! Ano ba ang ginagawa mo noon?! Ngayon mo lang sinabi sa akin na mga mersenaryo pala ang limang iyon?!" Galit na galit na si Si Ming Li.

Hindi agad nalaman ng confidant niya ang importanteng impormasyon na ito at hindi niya lamang natapos ang pinapagawa sa kanya, tinawagan niya pa ang mga pulis. Mapapahiya si Si Ming Li kapag nalaman pa ito ng iba.

Dumilim ang awra sa mukha ni Si Yi Qian. "Hindi kami naging maingat sa pagkakataon na ito. Mukhang hindi natin pwedeng maliitin ang lakas ng limang mersenaryo na iyon. Hindi natin malalabanan ang babaeng iyon lalo na at kakaunti lamang ang tauhan na hawak natin…"

Nagwala si Si Ming Li, "Hahayaan na lamang ba natin ito?"

Nag-isip ng maigi si Si Yi Qian at sinabi niya, "Syempre hindi! Bakit titigil tayo sa kalagitnaan ng plano! Pa, dahil nawala na ang pagkukunwari ng kapatapatan natin, wala na tayo kailangan pang alalahanin pa. Bakit hindi tayo manghingi ng tulong kay Mr. Eric? Tingnan natin kung may maipapadala pa siyang mga tauhan - sa tingin ko ay handa tayong tulungan ni Mr. Eric!"

Lumiwanag ang mga mata ni Si Ming Li. "Tama ka! Wala na tayong itatago ngayon! Walang mangyayaring mali kapag pumayag si Mr. Eric na tutulungan niya tayo! At tsaka, ang kakayanin lamang natin na i-hire ay mga C-rank pababa na mga mersenaryo…"

Hindi makukuha ang mga mersenaryo na mas mataas pa sa C-rank na pera lamang ang gamit; mahigpit rin ang pagsusuri nila sa kanilang mga employer.

Punyetang babae iyon, sa tingin niya ba na ito lang ang kaya nating gawin? Akala niya ba na sapat ang proteksyon ng ilang mga mersenaryo?

Tinitingala niya ang langit habang nakatingin sa lapag...

Victory Grand Hotel:

"Damn… ang amo ng mga mata ko…"

Tiningnan ni Nameless Nie ang bata na nasa harap ng salamin at bigla siyang nabighani sa itsura nito.

Ang… ang cute niya...

Kailangan niyang aminin sa sarili niya na kahit parang demonyo ang ugali ng munting ninuno na ito, nakakaakit pa rin ang kanyang maingat at magandang maliit na mukha - gusto niyang unatin ang kanyang mga kamay upang pisilin ang maliit na mukha ng bata, ahhh!

Matagal na nanahimik si Nameless Nie at nag meditate bago niya pakalmahin ang sarili niya. Ayaw niyang gumawa ng isang bagay na ikamamatay niya.

Little Devil: "Tito."

Nameless Nie: "Uy, ano iyon?"

Agad na sumagot si Nameless Nie at hindi niya napansin na sumagot siya ng malumanay.

Ito ay tunay na Appearance-Obsessed Party!

Little devil: "Pwede ka nang umalis kapag dinala mo ako doon."

Hindi siya naintindihan ni Nameless Nie. "Bakit?"

Little Devil: "Sa IQ mong 'yan, maapektuhan ang impression sa akin ni mommy kapag may nasabi kang mali sa kanya."

Sa ibang salita: Huwag mo akong pahiyain.

Si Uncle Nie na hinusgahan na papahiyain niya daw ang pamangkin niya: "..."

Cute mo pwet ko!!!

Noon pa man alam ko na na hindi cute ang pamangkin kong ito!

Napahinto ang little devil bago siya magpatuloy sa kanyang sinasabi, "Sigurado ka ba na ang babawng nakita ko sa video ay ang nanay ko?"

"Oo , Oo. Siya nga iyon. May… may problema ba?" Maingat siyang tinanong ni Nameless Nie.

Napansin kaya ng little devil? O di kaya, hindi siya natuwa at hindi niya nagustuhan si Ye Wan Wan?

Manhid ang pagkakasagot ni Little devil, "Wala naman, tara na."

Akala ni Nameless Nie ay imahinasyon niya lamang nang marinig niya ang kumpirmasyon ni little devil, biglang naging malumanay ang manhid na itsura nito.

avataravatar
Next chapter