1124 Hindi maayos ang ugali ko kapag lasing ako

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Kakabalik lang ni Ye Mu Fan galing sa kubetan nang makita niya na parang sinalanta na naman si Gong Xu. Mabikis niyang hinablot si Gong Xu at nilagay niya ito sa isang gilid. "Anong ginagawa mo?! Sa ibang lugar ka magpakabaliw! Huwag kang tumabi sa Ye Bai ko!"

Bumuntong hininga si Han Xian Yu nang makita niya na nakabalik na si Ye Mu Fan.

Gong Xu: "Kalokohan! Sa akin si Brother Ye!"

Ye Mu Fan: "Pft, sayo? Ang lakas ng delusyon mo!"

Napa-isip muna si Gong Xu bago siya malagay sa pangalawang lebel. "Edi… edi ako ay para kay Brother Ye!"

Ye Mufan: "…"

Mas kakapal pa ba ang mukha ng lalaking ito?!

Sa totoo lang, lalong naguluhan si Ye Mu Fan nang maisip niya kung paano sasabihin ni Ye Wan Wan kay Gong Xu na babae siya.

Ganyan na nga ang ugali ni Gong Xu habang nagkukunwaring lalaki pa si Ye Wan Wan! Ano pa kaya ang gagawin niya kapag nalaman niya na babae si Wan Wan?!

Noong una, pinipigilan pa ni Ye Wan Wan na uminom siya ng maraming alak. Ngunit lalong nabuhay ang paligid kaya lumagpas na siya sa sinabi niyang "konti lang."

Gayunpaman, hindi naman ma-eestima kung ano ang ibig sabihin ng mga salitang "konti lang," "konting-konti lang," at "sakto lang," kaya siya mismo ang makakasabi kung ano ang ibig sabihin ng mga salitang ito sa kanya.

Nakita ni Ye Mu Fan na masaya si Ye Wan Wan sa okasyon na ito, kasama niya pa ang mga kaibigan niya dito. At tsaka, nandoon siya kaya walang masamang mangyayari. Kaya pumayag siya na uminom lang ng uminom si Ye Wan Wan ng alak.

Parang glue na nakadikit si Gong Xu kah Ye Wan Wan. "Brother Ye, halika at uminom tayo! Inom ka lang!"

Tipsy na si Ye Wan Wan. Tumaas ang mga kilay niya at makikita na nahihilo na siya kaya pautal-utal niyang sinabi, "Baby Xu, tigilan mo na ang paghahanap mo ng kaguluhan. Narinig ko na hindi maayos ang ugali ko kapag lasing. Nanlalandi ako kapag marami akong naiinom…"

Han Xian Yu: "Ehem… naniniwala ako sa sinasabi niya na iba ang ugali niya kapag lasing."

Walang pakialam si Gong Xu. "Maganda 'yan! Gusto ko kapag nilalandi mo ako!"

Si Fei Yang na nanonood lamang. "..."

Naisip at sigurado si Fei Yang na bakla talaga si Gong Xu...

Gayunpaman, kung totoo ito, posibleng mangyari ito lalo na sa itsura palang ni Ye Bai, tsk tsk...

Teka! Maingat at malumanay ang trato ni Xian Yu kay Ye Bai… hindi kaya….

Nangilabot ang buong katawan ni Fei Yang.

Hindi! Hindi pwede! Kailangan ko siyang paalalahanin mamaya! Hindi pwede err!

Sa oras na iyon, ang mga kotse ng mga tauhan ni Si Ye Han ay nakapark malapit sa bar.

Sila Si Ye Han, Xu Yi at Eleven ay nakaupo sa kotse na nasa harapan habang ang mga nakatagong mga bodyguards ay nakaupo sa dalawang kotse na nasa likod.

May isang mapayat na binata ang patagong umalis ng kotse at pumunta ito sa supermarket. Agad siyang tumakbo pabalik sa lugar na pinuntahan nila.

"Nabili mo na, nabili mo na?" Nagmamadaling tinanong ng lahat.

"Nabili ko na! Nabili ko na! Tatlong cups ang nabili ko! Sinabo ng may-ari ng sobering tea na ito na epektibo raw ito!" Sabi ng mapayat na binata.

"Ah, hindi sapat ang isang sobering tea, okay? Maganda rin daw ang gatas! Nakabili ka ba ng gatas?" 

"Tama! May honey din! Nagsaliksik ako ngayon. Sinabi dito na ang kamatis, grapes at watermelons ay maganda rin sa pagtanggal ng kalasingan. Bakit hindi na lang tayo bumili ng tag-iisa ng mga ito…"

Nag-usap ang bawat isa at lahat sila ay nagbigay ng mga suggestions. Makikita ang pawis sa kanilang mga noo dahil ito ay isang problema na nakasalalay ang buhay nila.

Biglanh sumabad ang nabubulol na si Feng Xuan Yi, "Hin-hindi sapat… maiibsan lang ng mga pagkain na ito ang kaunting sakit na mararamdaman niya… nagpapagaling lang ito ng sakit ng ulo galing sa h-hangover at pagkahilo… hindi mawawala ang pagkalasing niya dito."

Everyone: "…"

Naramdaman ng lahat na tila nahulog ang langit sa kanilang mga ulo.

Hindi! Ang magagawa na lang ba natin ay hintayin ang ating pagkamatay…?

"Kumalma ka, huwag kang mag-panic! Kasama natin si 9th Master! Nandito si 9th Master! Si 9th Master na ang bahala kaya magiging okay tayo!" Sinubukang pakalmahin ng mapayat na binata ang mga kasamahan niya.

Feng Xuan Yi: "N-ninth Master… ini-spoil niya masyado si Mi-Miss Wan Wan… ma… mataas ang tsansa na baka… panoorin niya lang tayo habang bi-binubugbog tayo ni M-Miss Wan Wan…"

avataravatar
Next chapter