288 Hindi maaayos ang pangalan niya kahit mamatay pa siya

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Tiningnan ni Ye Wan Wan si Si Ye Han habang ngina-ngat-ngat niya ang pagkain hanggang sa bigla na lang binaba ni Si Ye Han ang tawag. "Aalis ka na?"

"May aayusin lang ako na mga problema." tumayo si Si Ye Han.

"Ah. importante nga naman ang trabaho, ingat ka pala!" Tumayo si Ye Wan Wan at kinuha ang coat ni Si Ye Han habang tinutulungan siya maghandang umalis.

Tumayo at sumunod si Han Xian Yu para ihatid siya sa labas, "Madami siyang nainom. Kaya niya bang mag-drive?"

"May driver ka ba?" tinanong ni Ye Wan Wan.

"Oo." sagot ni Si Ye Han.

Naginhawaan si Ye Wan Wan sa nalaman niya, kaya inabot niya na ang coat ni Si Ye Han, "Ingat ka sa pagbiyahe mo!"

Hindi mukhang lasing si Si Ye Han at maayos naman ang itsura niya, kahit pa marami siyang ininom; mababaw pa nga yung komento niyang "Hindi naman" nung tinanong siya kung madali siyang malasing.

Kinuha ni Si Ye Han ang coat niya nang marining ang pagbubunganga ni Ye Wan Wan, isa-isa niyang binutones ang kanyang suit at simple siyang sumagot, "En."

"Mag-utos ka pagkauwi mo ng may magluto sayo ng soup para mawala yung tama mo, masyadong naparami yung nainom mo!" sinabi ni Ye Wan Wan nang binuksan niya ang pinto.

Walang sinabi si Si Ye Han at nakatingin lamang siya kay Ye Bai. Yumuko siya para ayusin ang huling butones at sa mata ng lahat na nakakakita, hinawakan niya ang baba ni Ye Bai gamit ang mahaba niyang kamay, yumuko ulit siya at hinalikan sa labi si Ye Bai. Pagkatapos ay sinabi niya, "Sige."

Ye Wanwan: "..."

Han Xian Yu: "...!!!"

May malakas na bomba ang sumabog sa utak ni Ye Wan Wan pagkatapos ng nangyari.

At si Han Xian Yu at nabigla na para bang tinamaan siya ng malakas na kidlat.

Anong nangyari!!!!

Yumanig ang mundo sa malakas na pagsabog ng isipan ni Ye Wan Wan. Nakakabigla...

Lubha siyang nag-alala na para bang luluwa ang kaluluwa niya palabas sa kanyang katawan. Hindi siya makapaniwala na ang kriminal ay hinalikan siya at pagkatapos ay binuksan ang pinto at iniwan siyang naguguluhan.

Sa loob ng sampung segundo, bumalik na sa katinuan ang isip ni Ye Wan Wan; lumingon siya at naninigas siya habang tinitignan si Han Xian Yu, "Han… Han Xian Yu… hayaan mo akong magpaliwanag…"

Nawala ang proteksyon ni Ye Wan Wan sa kanyang sarili dahil kalmado ng buong gabi si Si Ye Han, inisip ni Ye Wan Wan na walang ibabalak na masama si Si Ye Han dahil nakapang lalaki naman siya. Hindi niya naisip na su-surpresahin siya ni Si Ye Han nang hindi niya alam at masisira ang lahat dahil sa halik na iyon.

Konti na lang at mababaliw na siya----paano niya ipapaliwanag ito kay Han Xian Yu?

"Ah… ang kaibigan ko ay kalahating Amerikano at Tsino. Lumaki siya sa ibang bansa kaya mas bukas ang pag-iisip niya at mahilig siyang makipag biruan kahit kanino… ha… haha…" Ginamit niya pa talaga ang paliwanag na ginamit ni Xu Yi noong nasa opisina sila, habang umaalab ang mata ng mga tao sa kanila noon.

Leche. Babalik pala talaga sa akin yung ginawa ko!

"..." reaksyon ni Han Xian Yu sa paliwanag ni Ye Wan Wan.

Mas bukas ang isipan?

Mahilig makipag biruan?

Sigurado ka?

Hindi masayahing tipo ng tao ang kaibigan mo! Kung tiga-ibang bansa man siya, hindi naman nakakatawa ang paghalik sa ibang lalaki bago umalis, 'di ba?

Alam ni Ye Wan Wan na walang kwenta ang paliwanag niya kanina, pero naglakas loob pa rin siyang magpatuloy, "Ganyang talaga siya kapag nalalasing. Mahilig siyang makipag biruan, minsan tinatawag ko pa siyang 'baby'. Noon sa dormitoryo ko, may dalawang lalaki akong kasama na laging nagyayakapan para makaakit sila ng mga babae--- may malaking grupo pa nga ng mga lalaki ang naghahawakan doon sa amin, mas baliw pa sila sa mga bakla… at ang sakit sa mata kapag nakikita ko sila…"

Nakinig si Han Xian Yu kay Ye Wan Wan habang walang emosyon siyang nagpapaliwanag kay Han Xian Yu. Hindi siya nabigo at kumbinse niya si Han Xian Yu--- naisip niya na makatwiran ang sagot ni Ye Wan Wan, pero parang may mali pa rin, "Ah, ganun ba…"

Mabilis na sumagot si Ye Wan Wan, "Oo naman, lalaki ako noh! May girlfriend kaya ako!"

Tumingin ng may pagdududa si Han Xian Yu kay Ye Bai at nilunok niya na lamang ang dapat na mga sasabihin niya.

Eh kung ikaw ay tunay na lalaki… yung kaibigan mo ay mukhang hindi...

avataravatar
Next chapter