1045 Hindi maaaring mabalisa

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Asian ang itsura ng mga nanghihimasok at mukhang hindi sila Chinese. Mukhang mga dayo sila na nanggaling sa mga bansa sa labas ng China.

Tatlo ang mga hindi inaasahang bisita. Ang lider ay may suot na suit na may swept-back na hairstyle at may nakakatakot na ngiti sa kanyang mukha. Mukha siyang isang gentleman sa itsura niya.

"Sino ka?!" Galit na sumigaw si Sun Li Zhong habang tinitingnan niya ang lalaki na naka-suit.

"Ah… ako?" Dinuro ng lalaki ang sarili niya bago siya sumagot ng nakangiti, "Yamamoto Tsubasa."

"Yamamoto Tsubasa… tiga Country R?!" Biglang dumilim ang itsura ni Sun Li Zhong.

Palaging nagkakabanggan ang martial arts culture ng Country R at China.

"Si Yamamoto Tsubasa… ang kilalang top karate genius ng Country R…" sabi ni Wolf King Senny.

"Ah… ang henyo na tumalo sa head ng karae ng Country R na si Satō-san?" Nagulat si Sun Li Zhong.

Maihahalintulad sa malakas na palakpakan ang kasikatan ni Yamamoto Tsubasa sa mundi ng karate sa Country R, kaya natural lang na kilalang kilala siya ni Sun Li Zhong.

"Hindi ka welcome dito!" Sinigawan ni Sun Li Zhong si Yamamoto Tsubasa.

Ang relasyon ng mga eksperto ng martial arts sa Country R at China ay kaswal lamang dahil sa malaking gulo sa pagitan ng dalawa.

"Tsk tsk…" suminghal si Yamamoto Tsubasa. "Hindi importante kung welcome ako dito o hindi."

At biglang tinuro ni Yamamoto Tsubasa sk Qin Ruo Xi, Sun Xue Zhen at Ye wan Wan. "Ano? Patay na ba ang tatlong pinaka-mayayamang pamilya ng China? Nagpadala talaga kayo ng tatlong babe bilang representatives… hindi ba kayo nahihiya?"

"Anong sinabi mo?!" Umungol si Sun Li Zhong.

"Huwag kang mabalisa, hindi ka pwedeng mabalisa…" medyo natawa si Yamamoto Tsubasa at tinulak niya pataas ang kanyang salamin. "Huwag kang mabalisa, hindi ka pwedeng mabalisa. Hindi naman ang pamilya mo ang pinupuntirya ko… gusto ko lang sabihin na ang lahat ng nandito ay basura… Dapat umayon ka na lamang sa pagiging businessmen. Hindi angkop sa martial arts ang dugo ng mga Chinese people."

"Ikaw…"

Kita ang mahigpit na pagkakasara ng ngipin ni Sun Li Zhong sa sobrang galit. Pumunta ba dito si Yamamoto Tsubasa para mamatay?!

Nasaktan ang lahat sa mga salita ng lalakong ito!

"Sinabi nila na malalakas raw ang tatlong pinaka mayaman na pamilya sa China… nagsagawa kayo ng martial arts conference, kaya naisipan ko na talunin ang tatlong representatives ng tatlong mayayaman pamilya ng China hanggang sa kamatayan nila… o hahayaan nating patayin ako ng tatlong representatives. Gusto niyo ba iyon?"

"Patay ka ngayon!"

Umabante si Sun Xue Zhen.

Gayunpaman, pinigilan ni Wolf King Senny si Sun Xue Zhen at bigla niyang tiningnan si Yamamoto Tsubasa. Suminghal siya at sinabi. "Narinig ko na mahusay ka sa karate, kaya plano ko noon pa man na makalaban ka. Hindi ko hahayaan na makawala ang tsansa na ito dahil nagkita naman na tayo ngayon."

"Ah… Wolf King Senny, wala kang kinalaman sa pagpunta ko dito. Huwag kang manghihingi ng kahihiyan sa sarili, okay?" Natatawang sinabi ni Yamamoto Tsubasa.

Biglang nagalit si Senny ng marinig niya iyon. Kumislap ang ilaw sa kanyang mga mata at tinaas niya ang dalawang kamao niya, handa na siyang ilabas ang lahat ng lakas niya habang sumusugod kay Yamamoto Tsubasa.

Naging sabik ang lahat ng makita nilang umaatake si Senny.

Gayunpaman, bumuntonh hininga lamang si Yamamoto Tsubasa. Inangat niya ang kanyang kanang kamay at hiniwa paharap ang kanyang kalaban na para siyang isang patalim.

Sa harap ng lahat, napunta sa leeg ni Senny ang karate chop.

Umungol si Senny at nahulog siya sa lapag.

"Heh…"

Lumakad si Yamamoto Tsubasa at dinaanan niya ang likod ni Senny. "Sinabi ko na sayo. Kayong lahat ay basura lamang… pero, gusto niyo talagang napapahiya. Anong pinaparating niyo?"

Nagulat ang lahat sa eksena na naganap sa harapan nila. Tinalo ng genius ng karate ng Country R ang… Muay Thai champion na si Senny, gamit ang isang atake na nag K.O. sa kanya...

avataravatar
Next chapter