859 Hindi ko kayang gawin dahil sa pokpok mo

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Ye Mu Fan: "Welcome sa team, Xian Yu! Ipaalam mo sa akin kung may kailangan ka. Ako ang mag-aasikaso ng mga kailangan mo!"

Han Xian Yu: "Salamat!"

Pinapadyak ni Gong Xu ang kanyang paa sa isang gilid. "Hey…"

Lumapit si Han Xian Yu kay Ye Wan Wan. "Kung nag-aalala ka sa mga nangyayari sa panig ni Cai Yong Sheng, si Yeng-ge na ang bahala sa kanya. Wala siyang sasabihin sa kahit sino sa labas."

"At tsaka, nagkaroon ng epekto ang mga umaalis sa Worldwide at hindi na papahintulutan ni Chu Hong Guang na sirain ni Cai Yong Sheng at sitwasyon, alam mo naman ang ugali ni Chu Hong Guang."

"Magtiwala ka sa akin, Ye Bai, okay? Pinag-isipan kong mabuti bago pa ako maka-pagdesisyon."

Ye Wan Wan: "Malamang, naniniwala ako sayo…"

Noong una, nag-aalala si Ye Wan Wan na baka naging impulsive lang si Han Xian Yu, ngunit naisip niya na mapapagkatiwalaan si Han Xian Yu at hindi niya gagawin ito kung hindi niya ito pinaghandaan.

Siya ang naging solusyon kung bakit nawala ang lahat ng inaalala ni Ye Wan Wan.

Masasabi ni Ye Wan Wan na ang artistang ito, na hindi siya pinapag-alala, ay isang nasambit na pangarap ng isang manager...

Gong Xu: "Uy, uy…"

Tumatalon sa isang gilid si Gong Xu, ngunit hindi niya masabi ang gusto niyang sabihin kaya hinatak niya sa isang gilid si Luo Chen.

"Anong ginagawa mo?" Napakunot si Luo Chen at inayos niya ang kanyang pantaas.

Nilagay ni Gong Xu ang mga kamay niya sa baywang at tinanong niya si Luo Chen, "Luo Chen, bobo ka ba? Bakit ka sumang-ayon?!"

Tiningnan siya ni Luo Chen. "Bakit hindi?"

Masigasig na sumagit si Gong Xu, "Nakalimutan mo na ba ang sinabi ni Ye-ge noon? Gustong-gustong sinasabi ni Ye-ge na kung katumbas ko ang 1% na pagiging worry-free ni Han Xian Yu, mapapangiti ko raw si Ye Bai kahit na nasa impyerno na siya - anong ibig sabihin nito? Pinapakita nito na matagal na niyang gustong kunin si Han Xian Yu!"

"Sasama na sa atin si Han Xian Yu, kaya niyang umarte, kumanta, suamayaw, mag-piano at marami pa siyang talento, sikat na sikat siya sa buong bansa, at perpekto ang reputasyon niya. Kung nandito siya, may ilulugar pa kaya tayong dalawa, huh?"

Binigyang diin ni Gong Xu ang salitang "tayong dalawa" para maging kasabwat niya si Luo Chen.

Luo Chen: "…"

Bumuntong hininga si Gong Xu. "Tingnan mo ang sarili mo - napaka-bobo mo talaga. Hindi mo man lang napapansin kapag trinaidor ka na! Kailangan mong maging maingat! Ito ang masasabi ko sayo… AHHHHH ang sakit, ang sakit…"

Hindi na nakapagtimpi si Ye Wan Wan. Hinablot niya ang kwelyo ni Gong Xu at kinaladkad niya ito papunta sa kanya. "Anong kalokohan na naman ang sinasabi mo?"

Makikita sa mukha ni Gong Xu na galit na siya at iritable niyang sinagot si Ye Wan Wan, "Sinasabi ko ang katotohanan. Kailan pa ako nagsasabi ng kalokohan?"

Ye Wan Wan: "Kailan pa na nagkaroon ng lugar dito?"

Na-blangko muna si Gong Xu bago siya umungol at gumulong sa gilid ng sofa. *umiiyak* "Ye-ge… ayaw ko nang mabuhay!"

Kumikibo ang gilid ng labi ni Ye Wan Wan nang sinabi niya, "Napakarami mong oras para isipin ang kalokohan na ito. Bakit hindi mo na lang inalala kung paano ka magiging 1% worry-less ng tulad ni Han Xian Yu? para hindi na kita inaalala parati."

Gong Xu: "Hindi ko kaya, lalo na dahil sa pokpok mong iyon…"

Ye Wanwan: "…"

Tumawa si Han Xian Yu. "Okay lang na ganito si Gong Xu;matagal na akong maiinggit sa kanya. Sa industriyang ito, laging nakikita ng publiko ang lahat ng ginagawa ng mga artista at kakaunti lamang ang mga taong hindi nakakapagtimpi sa ganitong pag-trato na katulad ni Gong Xu..."

Ye Wan Wan: "Oo… wala nang magagawa ang manager kapag naubos na ang pasensya ng artista at ginagamit ng manager ang lahat ng oras niya para mabigyan ng kalayaan ang artistang hawak niya."

Kaya kahit na madalas niyang pinapagalitan si Gong Xu, hindi niya pa rin ito pinipilit na gawin ang isang bagay lalo na kung labag ito sa kanyang prinsipyo.

Hindi makikita ang kalungkutan ni Han Xian Yu nanag mapangiti siya sa sinabi ni Ye Wan Wan. Bumulong siya at kanyang sinabi, "Malas na lang talaga dahil may kalayaan na hindi mo makakamtan sa buhay mong ito…"

avataravatar
Next chapter