130 Hindi ko hahayaang maapi ka

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Mahigpit na hinawakan ni Shen Meng Qi ang kaniyang kamao at tinawag na "tanga" si Ye Wan Wan ng madaming beses. Bakas sa mukha ni Shen Meng Qi ang sakit at pamumula ng kaniyang mata ng siya ay magpaliwanag, "hindi iyon ganun, akala ko kasi, tutal gusto naman ni Yan Ran si Captain Song at ang laban na ito ay napaka importante, maaaring pumunta si Yan Ran sa basketball court kaya sinubukan ko ang suwerte ko…"

Nabighani si Ye Wan Wan sa kaniyang narinig; napahanga siya sa kakayahan ni Shen Meng Qi na baligtarin ang katotohanan para ipagtanggol ang kaniyang sarili.

Natalo si Jiang Yan Ran ng Hindi nakakamit ang hustisya!

Nang makita niya na mukhang nasasaktan at napapahiya na si Shen Meng Qi, kaagad siyang pinrotektahan ni Song Zi Hang. Iniisip ni Song Zi Hang na parang hindi na katulad sa dati ang pamilya Song, tumindig siya at galit na tinignan si Jiang Yan Ran, "Jiang Yan Ran, hindi ka pa ba nakunteto? Ikaw nga itong spoiled at pinag-alala mo pa ang lahat, tapos ngayon si Meng Qi pa ang sinisisi mo. Sa tingin mo sa iyo lang umiikot ang lahat ng tao sa mundo, rich princess?"

Tsk, Umiikot ang lahat sa kaniya?

Sa lahat ng ito, Sino ba kaya talaga ang umiikot sa inyo ni Jiang Yan Ran?

Nabalot ng lungkot ang puso ni Jiang Yan Ran ng tignan niya si Song Zi Hang nang pagalit siya itong sinabihan upang protektahan si Shen Meng Qi.

Matapos ang maraming taon na halos mabaliw ako kakaisip na may pakialam sa akin ang lalaking ito.

Nang nakita niyang kagat labi si Jiang yan ran, nangliit ang mga mata ni Ye Wan Wan at sinabi niya kay Song Zi Hang," Captain Song, bakit mo pinapagalitan si Yan Ran? Hindi ba't nag pasalamat na siya kay Meng Qi sa pag-aalala nito sa kaniya? Kahit na si Meng Qi ang gusto mo, dapat maging patas ka pa din sa pakikitungo kay Yan Ran, tama ba? Kahit pa kaibigan ako ni Meng Qi hindi ko hahayan ang ganito!"

Ang sinabing ito ni Ye Wan Wan ay nag dulot ng pagdududa; nasaksihan ng lahat na isang beses lamang nag salita si Jiang Yan Ran at sa huli si Shen Meng Qi pa ang umarteng kaawa-awa at pinagsabihan pa niya ng biglaan si Jiang Yan Ran.

"Akala ko walang kwenta si Jiang Yan Ran kaya niya ito kinalimutan! Ngayon alam ko na ang rason kung bakit madaming tao ang magagaling umarte!

Nang matapos mag salita si Ye Wan Wan, humarap siya kay Shen Meng Qi at tinanong, "Meng Qi, sa tingin mo ba tama ako? Na ang sinabi ni Captaing Song ay hindi rasonable!"

Sa mga sandaling ito, si Shen Meng Qi ay dismayado kay Ye Wan Wan upang magdulot ng pagsusuka nito ng dugo. Itong tangang ito, manahimik ka na lang kung wala ka namang magandang sasabihin. Nagdudulot lamang ng gulo ang lahat ng nanggagaling sa kaniyang bibig at hindi ako maka isip ng katwiran sa tangang ito!

Pinigilan ito ni Shen Meng Qi, upang protektahan ang ang kaniyang dalisay at perpektong imahe, "Captain Song, Wag mong sisihin si Yan Ran, Kasalanan ko ang lahat ng ito…"

Magsasalita na sana si Song Zi Hang ngunit ang laban ay nagsimula na at minamadali na siya ng kaniyang coach.

"Meng Qi, Kailangan ko ng pumunta!"

"Sige na, pumunta kana!" nahihiyang sabi ni Shen Meng Qi.

Noong una, akala niya na kagaya ni Song Zi Hang ang ibang lalaki kaya ito na nagustuhan ni Jiang Yan Ran, ngunit sa narinig niyang balita kamakailan lang, lumalabas na ang pamilya Song ay totoong maganda ang koneksyon na meron sila.

"Tiyak na mananalo tayo. Ibibigay ko ang tropeyo sayo bilang regalo!"

Matapos magsalita. Pumunta na si Song Zi Hang sa court ng may tiwala sa sarili. Ang lahat ng mga nagkumpulan upang manuod ng eksena ay tuluyan ng bumalik sa kani-kanilang upuan upang tutukan ang laban.

Si Ye Wan Wan at Jiang Yan Ran ay naka upo sa likuran nila Shen Meng Qi, na palihis sa kaniya.

Pagod na umupo si Jiang Yan Ran at pabulong na kinamumuhian ang sarili, "Wan Wan, salamat, at nalaman kong wala pala akong kwenta…"

Marahang tawa ni Ye Wan Wan. "Girl, napakagaling ng pinakita mo ngayong araw--ang hindi mo pag-sasalita ang pinaka-magandang panlaban sa kanila! Mapapahamak kapa kung ipinagpatuloy mo ang iyong galit! Hayaan mo ako ang mag pahiya sa kaniya. Dahil sa ako naman ang nag dala sayo dito, hindi ko hahayaang maapi ka!"

avataravatar
Next chapter