331 Hindi kayang pagtiisan pa

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Masyadong mabait si Yiyi kaya lagi siyang inaapi ng ilang tao. Tutal, perpekto kayong dalawa para sa isa't isa. Mas mabuti pa si Ye Yiyi kaysa sa dating mong fiancee, na si Ye Wan Wan…" Napatigil si Fang Xiu Min sa pagsasalita nang nakaramdam siya na may mali.

Maka-panting sa tenga ang mga sinabi ni Fang Xiu Min. Bago pa makapagsalita si Ye Mu Fan, nanlamig naman ang itsura ni Liang Wan Jun. Ang nanay na hinayaan ang mga pangungutya at tsismis, ay biglang lumingon kay Fang Xiu Min nang marinig ang sinabi nito. "Fang Xiu Min, anong ibig mong sabihin diyan?!"

"Jie, anong ibig mong sabihin… Wala akong sinasabi!" ngumisi si Fang Xui Min, at ayaw aminin na siya ang mali.

"Narinig ko lahat ng sinabi mo ngayon lang!" bumilis ang paghinga ni Liang Wan Jun; hindi niya nakayanan pa. Anak niya si Ye Wan Wan, at kahit na may mga hindi siya magandang kaugalian, walang nanay ang hahayaan lang pagsalitaan ng ibang tao ng masama ang anak niya!

Kaya niyang tiisin ang mga sinasabi ng ibang tao tungkol sa kanya at sa kanyang asawa pero ang insultuhin ang kanyang anak? Hindi niya hahayaan 'yon!

"Ate, masyado lang direkta magsalita si Xiu Min, hindi niya sinasadya 'yon…" Mabilis na namagitan si Liang Jia Hao nang mapansin ang pagbabago sa itsura ni Liang Wan Jun.

"Ikaw… paano niyo 'to nagagawa…"nanginginig ang boses ni Liang Wan Jun at tumingin sa kanyang nakakabatang kapatid na sinusubukang ayusin ang gulo.

Malamig na tinignan ni Ye Yiyi ang pagtatalo nila Liang Wan Jun at Fang Xin Min habang nakaupo sa gilid, at may kasiyahan na nakaukit sa kanyang magandang mukha.

"Anong meron sa amin?!" biglang tumayo si Liang Shi Han na nakaupo sa tabi ni Ye Yiyi. "Pinapakain ka ng pamilya namin at namumuhay na pasan ka namin. Matapos ang maraming taon, kung hindi dahil sa kabaitan ng tatay ko at pinayagan kayong manirahan dito, nasa kalsada na kayo natutulog ngayon! Tignan mo kung paano umakto 'yang anak mo--hindi ba alam ng mga puso niyo? Walang habag 'yang si Ye Wan Wan! Ang pangit niya, inkompetente at peke. Bakit naman siya hindi iinsultuhin ng ibang tao…"

"Shi Han, bakit mo sinasabi yan tungkol sa 'yong Wan Wan-jie!" tumingin si Liang Jia Hao kay Liang Shi Han.

"Papa! Wala akong sinabing mali. Tutal, nasa parehas lang kami ng henerasyon, kaya bakit hindi ko siya babatikusin? Kung kaya ni Wan Wan, bakit hindi siya pumunta dito at kunin ang magulang niya? Tinalikuran niya na ang pamilya natin. Ilang taon din nating inalagaan ang magulang niya pero tignan mo sila--wala man lang silang utang na loob?

"Kung hindi dahil sa kanila, aawayin mo ba lagi si mama nitong mga taon na 'to?!" hindi nagpatalo si Liang Shi Han; umabot na sa pinakamataas ang kapootan niya sa pamilya ni Ye Shao Ting,

Tumingin si Liang Jia Hao kay Liang Shi Han at walang nagawa pagdating sa pagkontrol sa sarili niyang anak.

Sa huli, napabuntong hininga na lang si Liang Jao Hao at sumuko na.

Nang marinig ang pangungutya ni Liang Shi Han, napapikit na lang si Liang Wan Jun at sumakit ang kanyang puso.

Nakakuyom ng madiin ang mga kamao ni Ye Mu Fan at sumugpo ang puso niya habang tinignan ang eksena sa harap niya.

Sa sandaling iyon, kakaiba ang tingin ng mga tao na malapit sa kanila.

Lumingon si Liang Shi Han kay Liang Wan Jun at sa iba na nanahimik at pumiksi, "Kung magulang ko 'yon, hindi ko sila iiwan at papabayaan ng ganun lang."

"Shi Han, ano naman yung gagawin mo?" sadyang pagtanong ni Fang Xiu Min.

"Magtatrabaho ako ng maigi para makapag-ipon para sa inyong dalawa at para gumanda ang buhay niyo. Hindi ko kayo iiwan sa bahay ng iba ng ilang taon at mang-iistorbo pa," buong tapat na sagot ni Liang Shi Han.

avataravatar
Next chapter