447 Hindi kaya, superstar siya?

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Napa-ubo si Ye Wan Wan at dali-dali siyang nagpaliwanag, *ehem* "Kausap ko girlfriend ko. Ayaw niya kasing inumin ang medisina niya kaya kinailangan kong maging mahigpit sa kanya!"

Naintindihan agad ni Luo Chen kaya tumango siya.

Natatakot man si Luo Chen, narinig niya naman ang kabaitan at pag-ibig sa boses ni Ye Wan Wan.

Ah… girlfriend niya pala ang tumawag...

Matapos ang ilang sandali, may isang katangi-tanging demonyo ang hindi makapag-patuloy sa pagta-trabaho kaya wala siyang magawa kundi panoorin na lang Ye Wan Wan, isang napakagandang babae, para pansamantala siyang maging abala.

Namangha si Housekeeper Xu nang makita niya ang dalawa habang siya ay nagtatago sa may pintuan.

Nakakatakot talaga si Ye Wan Wan. Walang nagawa si master kundi inumin ang medisina niya at hindi lang iyon… tumigil rin siya sa kaka-trabaho...

Paano niya nagawa iyon kay master?

...

Tatlong araw na lamang ang natitira at magsisimula na ang nalalapit na casting, ginamit ni Ye Wan Wan ng maayos ang kanyang natitirang oras at abala siyang tinutulungan si Luo Chen sa kanyang script.

Pagkatapos nilang mag-ensayo ni Luo Chen, kinuha ni Ye Wan Wan ang kanyang phone at bigla siyang nagulat nang makita niya ang nasa screen. Hindi niya namalayan na patuloy pa rin ang videocall nila ni Si Ye Han.

"Bakit hindi mo pa binababa?" gulat na tinanong ni Ye Wan Wan.

Tinitigan lamang siya ni Si Ye Han. Ang tingin niya… parang nagagalit siya sa akin...

Uh...

Hindi mo masisisi ang nararamdaman ni Si Ye Han; mahirap nga namang makita ang girlfriend mo na maghapong may kasama na ibang lalaki at walang magawa si Si Ye Han kundi panoorin lamang sila sa videocall.

Dinahan-dahan na sinuyo ni Ye Wan Wan si 9th master, "'Wag ka maging malupit baby! Tatagal pa ang buhay mo at gagaling ka rin kapag inalagaan mong maigi ang sarili mo, matagal pa tayong magsasama na dalawa, tayong dalawa lang kahit maputi na ang buhok natin! 'Di ba~"

Makikita sa itsura ni Si Ye Han na medyo naging malumanay na siya kahit sinabi iyon ni Ye Wan Wan para pasayahin siya. Matumal na sumagot si Si Ye Han, "Babalik ka ba dito mamayang gabi?"

"Oo naman, syempre! May sakit ka kaya 'wag ka na masyadong gumagalaw-galaw - pupuntahan na lang kita! Ibababa ko na pala ang tawag. Aalis na rin ako pagkatapos kong magbihis!" binaba ni Ye Wan Wan ang tawag dali-dali siyang nagpalit ng kanyang damit.

Bago siya tumungo sa lumang residensya ng Si, pumunta muna si Ye Wan Wan sa dessert shop dahil nais niyang bumili ng mga desser at candied plums para kay Si Ye Han.

Kahit walang emosyon si Si Ye Han sa tuwing iniinom niya ang gamot, tunay na nakakasindak ang amoy ng Chinese Medicine at nakakagulat dahil iniinom niya pa rin ito.

Matitiis niya pa siguro ang masamang lasa ng gamot kapag sinusundan niya ito ng pag-nguya ng candied plums.

Maganda ang takbo ng dessert shop business, kaya mahaba ang linya ng mga tao at walang magawa si Ye Wan Wan kundi maghintay ng halos kalahating oras bago siya makabili.

"Miss, ano 'pong order nila?" tanong ng shop assistant.

Ang kaisa-isang gustong bilhin ni Ye Wan Wan ay ang candied plums - ang gawang kamay na candied plums ng shop na ito ay napaka-sikat at maganda rin ang reviews ng mga ito.

Kaya tiningnan ni Ye Wan Wan ang natitira na tatlong garapon at nagtanong siya, "Tatlong garapon lang ba ang pwedeng bilhin ng kada tao?"

"Opo."

"Amin na pala yan lahat!" sabi ni Ye Wan Wan.

"Sige," nakangiting sinabi ng shop assistant at sinimulan niya anang balutin ang mga garapon ng candied plums para kay Ye Wan Wan.

Pipili pa sana ng ibang bibilhin si Ye Wan Wan kaso sa isang saglit, pagkatapos niyang sabihin na "amin na yan lahat," maririnig na nagulat ang tao sa likuran niya.

Natural na napalingon si Ye Wan Wan at nakita niya ang isang batang lalaki na nakatayo sa likod niya. Ang batang ito ay nakahawak sa kanyang dibdib na para bang lubha siyang nasaktan.

Ang tangkad ng lalaking ito ay nasa 1.8m. Suot niya ay isang trendy, limited-edition laser jacker, ripped jeans at kulay pink ang highlights sa kanyang ginintuang buhok.

Gabing-gabi na sa oras na iyon pero kakaiba ang makapal na maskara sa mukha ng lalaki, may suot rin siyang malaking sunglasses na tinatago ang buong mukha niya.

Pero ayon sa matalas na pag-iisip ni Ye Wan Wan, ang taong nagsusuot ng ganitong maskara ay baka isang… sikat na tao...

Hindi kaya, superstar siya?

avataravatar
Next chapter