410 Hindi kapanipaniwala

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Sa sobrang galit ni Liu Ying malapit na siyang sumabog. Basta basta siyang sumugod kay Ye Wan Wan nang walang kahit anong pagsasaalang-alang sa kanyang buhay, na para bang handa na siyang pabagsakin ito kasama niya.

Hindi na kayang pigilan pa ito ni Eleven at sumigaw, "Liu Ying! Tumigal ka!"

Nang lubusang marinig ang pamilyar na boses, napatigil si Liu Ying sa kanyang pag-atake nang tulirong lumingon sa lalaki. "Ikaw…"

Inalis ni Eleven ang maskarang nasa kanyang mukha, lumingon kay Liu Ying at sinabi, "Liu Ying, wag kang mapusok. Ako ito!"

"Eleven… ikaw?" matapos makita ni Liu Ying ang mukha nito sa ilalim ng maskara, siya ay nagulat. Kahit na si Xu Yi ay nabigla din.

Lahat sila na nag handa para sa isang buwis buhay na pakikipaglaban ay natuliro.

Mas lalong kinagulat nila nang alisin ni Black Widow at ang lahat ng kanyang kasama ang maskara na nasa kanilang mga mukha...

Nang makita na nilalantad ng lahat ang kanilang totoong mukha at nang isa isang makita ang pamilyar na mukha, si Liu Ying, Xu Yi, Song Jing at ang bawat isa ay nakaramdam na para bang sila ay nasa isang panaginip.

Ang mga taong ito… ito'y mga miyembro ng Rosas ng Kamatayan... na umagapay kay Ye Wan Wan ay talagang bang Dark Team 1?

Hindi ba umalis na sila?

Anong ba talagang nangyayari dito?

Bakit ang mga miyembro ng Rosas ng Kamatayan ay naging Dark Team 1!?

Maaaring… ang lahat ng ito ay peke?

Nagpapanggap lang ba ang Dark Team 1 bilang Rosas ng Kamatayan?

Ito ay hindi kapanipaniwala...

Kung ang Rosas ng Kamatayan ay ang Dark Team 1, kung gayon, ang Black Widow...

Nakaisip ng isang ideya si Liu Ying nang matulin na inilipat ang tingin kay Ye Wan Wan.

Napansin na natuliro sa gulat si Liu Ying, dahan-dahan na inalis ni Ye Wan Wan ang kanyang sumbrero, inilantad ang napakagandang mukha na natatago ng itim na belo.

Nang masaksihan ang itsura ng babae na dahan-dahang lumilitaw mula sa itim na belo, unti-unting nanliliit ang mga mata ni Liu Ying at sa wakas nagpakita ng sobrang pagkagulat at pagkalito; at parang ang kanyang buong katawan ay naging kasing tigas ng estatwa.

Ngumiti si Ye Wan Wan. "Captain Liu Ying, siguro naman naging mabuti ka simula ng huli nating pagkikita."

Matapos matuliro ng sampung segundo, bumalik na din sa wakas sa katinuan si Liu Ying. "Ye… Ye Wan Wan!!!"

Paano… paano ito nangyari?!

Ang Black Widow ay talagang si Ye Wan Wan?

Ang babae na may makapangyarihang awra na tumakot sa Murderous Blood Gang na tumakas na parang mga nalulunod na aso [1] ay… si Ye Wan Wan?

Gulat na gulat si Liu Ying at ang lahat habang sila ay nakatayo na para bang nakakita ng multo.

"Paano… paanong ikaw iyon…...hindi ba umalis kana… at ang Dark Team 1… kayo… paanong kayo…" sobrang gulat si Liu Ying na halos hindi siya makapagsalita ng maliwanag.

Medyo gulat din ang itsura ni Xu Yi - hindi nakapagtataka na naisip niya na ang hugis at tono ng babaeng ito ay pamilyar, lalo na nang lumalapit siya sa master at sinasadyang galitin si Liu Ying - ang pagkapamilyar ay kapansin-pansin.

Ngunit hindi niya inaasahan na siya talaga ay… ay si Ye Wan Wan!

Nakatayo katabi ni Lui Ying si Song Jing, na halos walang reaksyon ang mukha. Wala siyang ideya kung paano tumugon.

Ang taong nagligtas sa kaniyang buhay ngayon lang… ay talagang ang walang kwentang basag-ulera na walang ibang alam kundi ang maliitin sila?

Nagtinginan ang bawat isa sa pagtataka. Matapos ang matagal na panahon, sa wakas nagising din ang diwa nila.

"Eleven, ito… paano nangyari ang lahat ng ito?" Gulat na tanong ni Liu Ying.

Nahulaan na agad ni Eleven ang kanilang reksyon at ngumiti. "Mahabang kwento. Gayon pa man, ito ay lahat ng pasasalamat kay Miss Wan Wan sa mga oras na ito. Mag usap na lang tayo pag dating na lang ng bahay! Lahat ng inyong sugat ay dapat magamot agad!"

Liu Ying: "..."

Baka gamutin ang sugat! Sinong may pakialam sa mga sugat namin ngayon? Nababaliw na ako!

avataravatar
Next chapter