866 Hindi ka takot na tinatakot ako?

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Kailan...

'Yung mga panahong lasing siya at kumakapit siya sa lalaki o ang gabing noong natapos ang salu-salo at umalis siya kasama ang lalaknig iyon? O noong sinusubukan niyang maging maingat pero nakalimutan niyang isara ang pintuan at nakita ko ang lahat?

O baka 'yung nangyari kanina...

Nang medyo lasing ang lalaki, hinalikan niya si Ye Bai sa harap niya at iyon ang umpisa ng kanyang panunumpa sa pagiging makapangyarihan….

Parehas silang lalaki at pinahalata ito ni 9th Si at sinadya sa harap ni Han Xian Yu - imposible na hindi niya ito paghihinalaan.

Kung gusto mo talaga ang isang tao, hindi mo ito matatago.

Nang makita na wala nang sasabihin si Han Xian Yu, at nakakahiyang tanong ito kaya hindi na nagsiyasat pa si Ye Wan Wan, nasabi niya na lang, "Xian Yu, pasensya na. Hindi ko sinasadyang itago sa 'yo, pero alam mong mahirap pag-usapan ang ganitong mga bagay kahit na sa mga malapit na kaibigan, 'di ba…"

"Naintindihan ko." tango ni Han Xian Yu at tanong niya, "Alam ni Gong Xu tungkol dito?"

Napahawak si Ye Wan Wan sa ulo niya, "Aksidenteng nalaman ni Gong Xu - nakikipag-agawan ng atensyon ko ang lalaking 'yon no'ng araw na 'yon at walang maganda ang lumalabas sa bibig niya. Nandoon din si 9th Si noong araw na iyon at salita lang siya ng salita. Nang makita ni 9th Si na magkakamali siya ng pagkakaintindi sa relasyon ko kay Gong Xu, nagawa ko nalang kumilos sa harap ni Gong Xu para lang mapanutayan na inosente ako!"

Wala nang silbi para itago pa, kaya sinabi na lang ni Ye Wan Wan ang totoo.

Tuliro siyang tinignan ni Han Xian Yu. "Magkasintahan ba kayo? Ano pala ang girlfriend na sinabi mo noon…"

Nagpaliwanag si Ye Wan Wan, "Sa totoo lang, siya ang tinutukoy ko - panakip lang ang pagkakaroon ko ng girlfriend, lalo na kay Luo Chen. Medyo sensitibo siya sa mga ganoong isyu at natatakot ako na baka matakot siya, kaya tinago ko ito. Oo nga pala, kailangan tulungan mo ako sa pagtago nito, 'wag mo sabihin basta-basta at baka malaman niya…"

Umangat ang mga kilay ni Han Xian at tinignan siya. "Nag-aalala ka na baka matakot mo si Luo Chen? Paano naman ako?"

Bahagyang nahirinan si Ye Wan Wan. "Uh…"

Tumawa si Han Xian Yu. "Sige, hindi na kita aasarin pa. Bilang kaibigan mo, syempre nirerespeto ko ang mga pili mo at malaya ka kung gusto mo sa lalaki o babae. Hindi ka naman nakakagulo sa iba at hindi naman ito kahiya-hiya."

Nadala si Ye Wan Wan nang marinig niya ito; kaya pala tawag ng mga tagahanga ni Han Xian Yu sa kanya ay "Little Angel"

Sobrang bait at maintindihin ni Han Xian Yu!

Bahagyang dumilim ang itsura ni Han Xian Yu habang sabi, "Pero may dapat kang malaman."

May masamang pakiramdam si Ye Wan Wan dito. "Ano iyon?"

Pinag-isipan ni Han Xian Yu ang sasabihin at maingat na sinabi, "May araw na, nakasalubong namin ni Xin-jie si 9th Si no'ng nanood kami ng pelikula at nakita namin… na may kasama siyang babae. Noong mga oras na iyon, hindi ko nakita ang itsura ng babae pero sobrang malapit ng dalawa… alam mo ba tungkol dito?"

Uh, nakalimutan ko na tungkol dito!

Noong mga oras na iyon, niyaya niya si Si Ye Han na lumabas para manood ng pelikula pero sa huli, nakita niya si Han Xian Yu at Qiao Ke Xin sa sinehan. Nagulat sina Han Xian Yu at Qiao Ke Xin sa magkasintahan na nasa likod nila kaya tumalikod sila at para matakpan ang mukha ni Ye Wan Wan, hinalikan siya ni Si Ye Han...

Nakita ni Han Xian Yu ang buong pangyayari at kahit na hindi niya ito nakita, nakilala niya talaga si Si Ye Han!

Haha, kung sinabi ko na… ang kuya mo ang babaeng iyon - maniniwala ka ba sa akin?

Nagbuntong hininga si Ye Wan Wan. "En, 'yon, sa totoo lang, naging bakla siya dahil sa akin… bago pa namin makilala ang isa't isa, parehas naming gusto sa babae, kaya hindi naman kami talaga mabibilang na mga BAKLA pero ang mga taong gusto namin ngayon ay naging mga lalaki na…"

Han Xian Yu: "..." Ginawa niyang bakla iyon...

avataravatar
Next chapter