640 Hindi ka patas

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Hinampas ng malakas ni Gong Xu ang lamesa. "Ang lakas ng loob mong pagsabihan ako! Kahit kailanman, hindi ako natatakot sa mga pananakot sa akin! Kapag sinagot mo ako ng kahit isang letra lang, patatalsikin kita sa entertainment industry!"

Namangha si Ye Mu Fan kung gaano ka-ignorante si Gong Xu. Kaya pala ilang beses na nag-iba ng ugali ang lalaking ito, sinong manager ang kayang magtimpi sa tulad niya?

Sa oras iyon, may bumukas ng pintuan at may mababang malinaw na boses ang narinig——

"Anong pinag-aawayan niyong dalawa? Rinig na rinig ko ang boses mo Gong Xu, kahit sa malayo pa lang!"

Ang kaninang matapang na si Gong Xu ay biglang nanigas, dali-dali niyang iniligay sa gilid ang kanyang mga kamay na ginamit niya kanina upang hampasin ang lamesa. Kinuha niya ang teacup at inabot ito kay Luo Chen at nanghingi siya ng tawad, "Ang galing mong umarte, Senior Luo Chen. Andami kong natutunan sa iyo!"

Pagkatapos ay mabilis siyang lumapit kay Ye Wan Wan. "Ye-ge, nag-aansayo lang kami ni Luo Chen! Mukha bang tunay ang pinapakita namin? Damang-dama mo ba ang emosyon ko?"

Nagulat si Ye Mu Fan nang makita niya ang taong pumasok sa silid. Ito pala ang tinitingalang direktor Ye Bai ng Dazzling?

Bata pa pala siya!

At bakit parang… pamilyar sa akin ang lalaking ito?

Tiningnan ni Ye Wan Wan si Ye Mu Fan. "Saglit lang, bigyan mo ako ng ilang minuto."

"Sige lang po. Okay lang sa akin, gawim mo lang ang mga gagawin mo!" Mabilis na sumagot si Ye Mu Fan at isinantabi niya ang pagmumuni-muni niya.

Hinampas ni Ye Wan Wan ang makapal na diyaryo sa harap ni Gong Xu. "Tatlong beses na kayong nakuhanan ni Luo Chen. Pinapakita niyo ba talaga sa mundo na magkaaway kayong dalawa?"

"Pasensya na Ye-ge at nagkamali ako." Kaawa-awang nanghingi ng tawad si Luo Chen.

"Oo na, alam ko naman na hindi mo ito kasalanan."

Naramdaman ni Gong Xu na parang siya ang mali kaya muntikan na siyang umiyak sa sobrang lungkot. "Hindi patas ang trato mo sa amin Ye-ge! Pupunta ka sa set ni Luo Chen tapos hindi mo ako sasamahan sa programa ko! Hindi mo na ba ako mahal? Iniiwan mo na lang ako!"

Nabigla sa kanya si Ye Wan Wan. "Ito ang unang beses na pupunta ako sa set ni Luo Chen at napakaimportante ang mga gaganapin niya sa mga araw na iyon. Ilalagay kita sa probinsya para magbago ka, kapag pinagpatuloy mo ang dinudulot mong kaguluhan!"

Binalot ng galit si Ye Wan Wan noong sinabi niya ang huling parte.

Alam ni Gong Xu na gagawin ni Ye Bai ang sinabi niya - mas maganda nang mamatay siya kaysa pumunta siya sa probinsya para pakainin ang mga baboy at ang kakainin niya lamang ay tinapay!

Biglang naging mabola at masunuring bata si Gong Xu at hindi niya na sinubukang galitin si Ye Bai. "'Wag ka nang magalit Ye-ge. Okay lang sa akin kung hindi ka makakapunta. Isang simpleng variety show lang naman yun - kaya ko na ang sarili ko. At saka, naging mabuti ako itong mga nakaraang araw - wala akong iniwan ang klase, hindi ako kumain ng sitsirya at nag-ensayo pa ako. Tingnan mo, ang laki na ng muscles ko!"

Hindi makapaniwala si Ye Mu Fan sa nakita niya. Ito ba talaga ang masahol na si Gong Xu?

Kaya niyang pasunurin si Gong Xu sa mga utos niya...

Napakagaling ng Ye Bai na ito...

Tinaas ni Gong Xu ang kanyang damit at pinakita niya ang magaganda niyang abs.

Tiningnan sila ni Ye Wan Wan at kumalma na ang emosyon sa kanyang mukha. "Maganda yan. Sabihan mo ang assistant mo na picturan ka, i-post niyo ang mga iyon sa Weibo at manghingi kayo ng tawad sa mga fans niyo!"

Ayaw niyang maging strikto at maging kontrolado sa social media ng mga artista nguni nag-post ang mokong na ito ng mga walang kwentang bagay sa Weibo at nakalagay dito ay nalulungkot siya dahil tapos na ang spring. Natutuwa rin siya kapag nag-uudyok at nanggugulo siya sa nakakalitong mga spekulasyon sa labas ng antas niya.

"Ye-ge, picturan mo ako!" Kumurap si Gong Xu.

Inabot ni Ye Wan Wan ang kanyang kamay. "Akin na yung phone mo."

avataravatar
Next chapter