16 Hindi ka ba makokonsensya?

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Kinabukasan ng umaga:

Matapos ng mahabang tulog ni Ye Wan Wan ay unti-unti na rin siyang gumising at bumangon.

Agad siyang nag-ayos at nag-makeup.

Kahit na naging terible ang kinalabasan ng makeup niya noon, nagsilbi itong maskara niya para makatakas sa mga problema. Kung wala 'to, hindi na niya kayang pumasok sa eskwelahan. Dito namulat ang mga high school teenagers sa pagibig. Kapag ipinakita niya ang totoong sarili niya at kapag ang lalaki ay umamin na may gusto sa kanya, siguradong hindi maganda ang kalalabasan kapag nangyari 'yun.

At saka, ang pinakamahalaga para sa kanya ngayon ay suyuin si Si Ye Han. Simula pa noon, gusto na ni Si Ye Han ang hitsura niya, kaya wala siyang pakialam kung magsakripisyo man siya maging masaya lang si Si Ye Han.

Maliit man ang tsansa na ipanganak ulit, kahit na hindi man niya mahintay na maging siya ulit, alam niyang kailangan pa rin niyang maging matatag, pero hindi na mahalaga pa ang mga ganitong bagay.

Naglagay na ng makeup si Ye Wan Wan at isinuot ang kanyang makintab at kulay berde na peluka.

Nang bumaba na ng hagdan si Ye Wan Wan, hindi niya agad nakita si Si Ye Han, kundi ang kaibigan na naman na si Lin Que.

Natigil siya sa pagsasalita nang makita niya si Ye Wan Wan. Bigla niyang naidura ang iniinom na kape at nagsabing,

"Awww! Ang mata ko!!!"

Umirap lang si Ye Wan Wan na parang wala naman dapat ikagulat.

Lumilingon-lingon siya sa paligid at napansin na hindi lang si Lin Que ang nandoon kundi pati ang mabuting kaibigan ni Si Ye Han na si Xie Zhe Zhi.

Mariing nakatuon lang ang maniningning na kulay peach na mga mata ni Xie Zhe Zhi kay Ye Wan Wan at sa kanyang buhok. Nagulat siya sa hitsura niya, "Lin 2nd, ito ba 'yung dahilan kaya mo ako ginising ng 5am para pumunta ng Jin Garden at makita...ang sorpresa? Well, totoo nga. Isang sorpresa nga. Lalong gumaganda at nagiging creative ang style ni Little Ye ngayon!"

"Hindi! Hindi, kahapon...kahapon wala siyang makeup at ang ganda niya talaga. Wala akong masabi…" pagpapaliwanag ni Lin Que.

Tumawa ng malakas si Xie Zhe Zhi, "Oo, oo, oo nga, nakikita kong ang ganda niya talaga. Huwag ka magaalala makakahanap ka rin ng katulad niya na may ganitong style katulad ng ginawa ni 9th brother."

Hindi na nakapagsalita pa si Lin Que para magpaliwanag at pinili na lang na titigan si Ye Wan Wan.

Itinaas ni Ye Wan Wan ang kanyang kilay at nagtanong, "Bakit mo ako tinititigan? Ang paglalagay ng makeup ang isa sa pinakasimpleng pagpapakita ng babae ng respeto sa iba, hindi mo alam 'yun?"

Napakibot na lamang si Lin Que at sinabing, "Napakagalang mo…"

Sandali pa'y may mga yabag na narinig mula sa taas nila--gising na si Si Ye Han.

Tumingin siya sa baba at napapatitig bigla kay Ye Wan Wan, pero hindi siya nagpakita ng anumang reaksyon.

Sa lahat, siya ang may pinakamatatag na mentalidad at emosyon--hindi man lang siya napatakipmata nang makita niya si Ye Wan Wan.

Hindi naman nakalimutan ni Ye Wan Wan na importante ang suyuin at magpakita ng sinseridad kay Si Ye Han para siguraduhing pagkakatiwalaan siya. Kaya agad niyang kinausap niya si Si Ye Han para makakuha ng papuri mula sa kanya, "9th master, 9th master, maganda ba ako ngayon?"

Noon pa man, may taste na pagdating sa style si Si Ye Han, siguro naman magugustuhan niya ang hitsura niya, diba?

Napatitig si Si Ye Han sa maniningning na mga mata na nasa harap niya na parang nagmamakaawa sa kanyang papuri at pansin niya rin ang maaliwalas na ekspresyon ng kanyang mukha. Naging matamlay buong gabi nang iniwan siya ni Ye Wan Wan pero naging masaya nang makita siya, "Yep."

Natuwa si Ye Wan Wan, tama nga siya!

Hindi magawang makatingin ni Lin Que. 9th brother, hindi ka ba nakokonsyensya?

Batid na unti-unti nang nagkakasundo sina Ye Wan Wan and Si Ye Han, napakibit-balikat lamang si Xie Zhe Zhi habang napataas na lamang ang kilay at napaisip. Sa kabila ng makisig niyang mukha ay malalim pala siyang pagiisip.

avataravatar
Next chapter