698 Hindi ito guni-guni - lalaki talaga ang gusto ko

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Hindi siguro inasahan ni Si Ye Han na hahalikan siya ni Ye Wan Wan.

Nang sinara ni Ye Wan Wan ang kanyang labi sa labi ni Si Ye Han, ang kanyang manipis na daliri ay mahigpit na nakahawak sa kwelyo ng lalaki at sila'y naghalikan, muntikan nang masira ang katauhan ni Si Ye Han dahil sa galit na namumuo sa kanya; ngunit unti-unti itong nawala dahil sa halik ni Ye Wan Wan. Sa isang saglit, naging mainit at lumiliyab na aksyon ang nagaganap sa kanilang dalawa...

"Uh…"

Sumabog ang utak ni Gong Xu nang makita niya ang dalawang lalaki na naghahalikan at nakatameme na lamang siya.

Nahulog sa lapag ang phone at susi niya sa kote. Tuliro siyang nakatayo at bukang-buka ang kanyang bunganga na pwedeng magkasya ang isang buong itlog sa loob nito...

Ah...sh*t sh*t sh*t sh*t sh*t!!!

Ano ang nakita ko!

Ang mga mata ko!

Si Ye-ge… hinalikan niya ang isang lalaki!

ANONG NANGYAYARI?!

Nababaliw na yata ako!

Hindi! May mali siguro siyang nagawa noong lumabas siya ng kotse kanina!

Pinanood ni Gong Xu ang dalawang lalaki na naghahalikan at nalilito siya sa kanyang nakikita. Kinalubatan siya kaya tumaas ang lahat ng balahibo niya sa katawan.

Pagkatapos halikan ni Ye Wan Wan ang lalaki, humarap siya kay Gong Xu at kaswal niya itong tinanong, "Nakita mo ba yun?"

Sampung segundo na nakatameme si Gong Xu bago niya alugin ang kanyang ulo. Inangat niya ang kanyang tingin at umatras siya ng dalawang hakbang patalikod. Hindi siya makapagsalita ng maayos nang sinabi niya, "Ye… Ye… Ye-ge! Pinagtri-tripan niyo ba ako? Hahaha… April fools ba ngayon? Masyado yatang madilim o di kaya, masyado akong masaya ngayong gabi kaya parang nag-hallucinate na yata ako! Oo, guni-guni ko lang ang nakita ko, tama, tama! Hahahaha…"

Ye Wan Wan: "Hindi guni-guni ang nakita mo, Gong Xu. Lalaki ang gusto ko."

Sinira ng sagot ni Ye Wan Wan ang lahat ng rason na ginawa ni Gong Xu.

Gong Xu: "…"

Ye Wan Wan: "Hindi siya bisita; siya ang boyfriend ko - magkasintahan kami."

Gong Xu: "…"

Ye Wan Wan: "Kaya bawal kitang patulugin sa bahay ko ngayon. Naiintindihan mo na ba?"

Gong Xu: "…"

Kawawang Gong Xu. Sumabog ang utak niya dahil sa nalaman niyang pasabog na impormasyon.

Matapos ang matagal na oras, bumalik na ang malay tao ni Gong Xu. Lumunok siya at hindi siya makapaniwala noong sumagot siya, "Ye… Ye-ge… totoo ba ang sinasabi mo? Gusto mo ng lalaki? Hindi ba't sinabi mo na may girlfriend ka? Sinabi nila Luo Chen at Mu Fan-ge na may girlfriend ka at hindi ka raw BAKLA!"

Ye Wan Wan: "Bakla ako. Sinabi ko lang na may girlfriend ako para hindi niyo malaman na bakla ako. Hindi ito alam nila Luo Chen at Han Xian Yu."

Hindi inasahan ni Ye Wan Wan na matapos ang matagal na pagtatago ng kanyang tunay na pagkakakilanlan, kay Gong Xu pa siya mahihirapan. Totoo nga ang kasabihan na ang mas malaki ang kasiraan na magagang isang mahinang teammate kaysa sa pwersa ng malakas na kalaban.

Ang pinakamahirap na parte sa lahat ay ang panunuyo sa great devil at para paamuhin si Si Ye Han, wala na siyang pakialam kung anong kailangan niyang gawin para lang umamo ang lalaking ito.

Nanatiling nakatayo si Gong Xu at mahirap ipaliwanag ang itsura niya. "Sinasabi mo ba… na ikaw at ang lalaking ito ay… may ganoong klaseng relasyon kayo sa isa't isa…"

Tumango si Ye Wan Wan. "Tama. Hindi ba't tinanong mo na ako noon kung may gusto ako sa lalaki at kung anong klase ng lalaki ang gusto ko? Ngayon, pinapakilala ko sayo ang boyfriend ko."

Klaro at maayos na pinaniwala ni Ye Wan Wan si Gong Xu na bakla siya kahit na hindi siya naniniwala noon. Binalot ng kadiliman ang puso ni Gong Xu nang marinig niya iyon...

Ang manager ko. ay. isang. bakla!!!

avataravatar
Next chapter