837 Hindi ito angkop sa mga bata

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Hinawakan ni Ye Wan Wan ang kamay ni Si Ye Han at sinubukan ang kanyang makakaya na pagliwanag. "Kahit na bigyan mo pa ako ng daan-daang lakas ng loob, hindi pa din ako maglalakas loob na tumingin sa ibang lalaki… kasalanan ito ng mga hindi maasahang tangang iyon para sa paggawa ng mga bagay sa kanilang sariling kamay - biktima lang din ako dito… At saka, ang lalaking iyo ay nahuhumaling sa itsura! Kung sa itsura lamang siya titingin, paano na ang personalidad?!"

Matagal na nagpagalagala si Ye Wan Wan ngunit sa sandaling ito, wala lang para kay Si Ye Han ang kanyang mga paliwanag.

Si Ye Ha: "Bitaw bago ko pagsisihan ang mga bagay bagay."

Bago… ako mawalan ng kontrol...

Malinaw na hindi siya binitwan ni Ye Wan Wan sa mga oras na ito. Kapag nag-aaway ang nagmamahalan, ayos lang ito kapag natapos ang away at ginawa sa lugar, ngunit kapag iniwan nila ang gulo sa oras na iyon, ang problema ay siguradong magiging malalala.

Lalo na sa taong tulad ni Si Ye Han, na maraming iniisip at tinatago sa kanyang sarili.

Kung ito ang Si Ye Han noon, naging madugo na ang mga bagay noon. Ngunit ngayon, kusa niyang pinipigilan ang kanyang sariling emosyon at gustong umalis dahil hindi siya sigurado sa kanyang gagawin kapag nawalan siya ng kontrol...

"Er, 9th master, Miss Wanwan…"

Lumitaw sa pintuan si Xu Yi, Eleven at Feng Xuanyi. May hawak ng bag ng pang araw-araw na pangangailangan silang tatlo sa kanilang kamay. Marahil inutusan sila ni Si Ye Han na bumili dahil alam niya na si Ye Wan Wan ay lilipat.

Nang makita ito ni Ye Wan Wan lalong itong nagsisi. Bwisit, bumalik si Si Ye Han mula sa kanyang business trip at dumiretso dito upang ibigay ang mga bagay na ito sa akin, pero sa huli, nasaksihan niya ang eksenang iyon at hindi ito ang unang beses...

Naramdaman ni Xu Yi na ang kapaligiran ay hindi medyo patay, kaya maingat niyang inalam. "Anong nangyayari…"

Masakit ang ulo ni Ye Wan Wan at umangal, "lumalandi at nahuli ako ng inyong master…"

Xu Yi: "…!"

Natuliro si Eleven. "...!!!"

Feng Xuanyi: "…"

Duang! Duang! Duang!

Sila ay na panga-nga…

Xu Yi: "Miss Wan Wan… anong… anong sinabi mo…"

Nagulat si Eleven. "Luma… luma… lumalandi?"

Sabay-sabay na natahimik silang tatlo.

Pinisil ni Ye Wan Wan ang kanyang kilay at tumingin sa kanilang tatlo. "Kayong lahat, ibaba na ninyo iyan umalis kaagad."

Silang tatlo ay nagtingin at hindi maintindihan ang ibig sabihin ni Ye Wan Wan. si Xu Yi, na sinusubukan ang kanyang makakaya upang pagnilayan ang sitwasyon, ay nagulat. "Huh? Ba-bakit…"

Bumuntong hininga si Ye Wan Wan. Hinaplos ng kanyang magandang kamay ang kuwelyo ni Si Ye Han saka mahinang nagsalita, "dahil ang susunod na eksena… ay hindi angkop sa mga bata…"

Si Ye Han: "…"

Xu Yi, Eleven, Feng Xuanyi: "…"

Sa sumunod na sandali, binaba ng tatlo ang bag at kagaad na nawala ng walang bakas - maasyos nilang sinunod ang utos.

Nang makita na umalis na ang silang tatlo, gumamit si Ye Wan Wan ng lakas upang hilahin si Si Ye Han at lumapit sa kanyang peach blossom, malambot na labi...

Nanliit ang mata ni Si Ye Han. Sinasabi ng kanyang isip na ito ang taktika na lagi niyang ginagamit…

Ang apoy sa kanyang dibdib ay nagliliyab san kanya saabo at ito ay nagsasabi na itulak niya palayo si Ye Wan Wan sa sandaling ito...

Gayunpaman, hindi gustong makisama ng kanyang katawan at nanatili. Sa halip...

Biglang tumigil si Ye Wan Wan ng sila ay magkalapit na sa isa't isa nararamdam na nila ang hininga ng isa't isa.

Naging malamig ang itsura ni Si Ye Han....

"Sandali…" Nanliit ang mata ni Ye Wan Wan at nilabas ang isang hairpin mula sa kanyang buhok saka "swish," binato niya ito patungo sa isang direksyon.

"AH--" Isang mataba, na sumisilip mula sa gilid, sumigaw ng malakas, sinundan ng yakap ng limang tao na tumatakas sa gulo.

Sa wakas, tahimik na ang courtyard...

Tumalakpak si Ye Wan Wan saka hinalikan ang kanyang ganda. "Ayos na ang lahat~"

Si Ye Han: "…"

avataravatar
Next chapter