324 Hindi inaasahang engrandeng okasyon

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Sa pamamahay ng pamilya Ye.

Sa labas ng malaking mansyon, napapaligiran ito ng mga guwardiya, nakapuwesto ang lugar kung saan pili lang ang pwedeng pumasok.

Madaming mga reporter ang nag-aabang ng ilang yarda ang layo sa lugar, habang masugid na nagaantay, sinusubukang sumulyap sa bahay ng pamilya Ye.

Isa isa, maraming marangyang kotse ang dahan dahang dumating sa pamamahay ng pamilya Ye. Ang pila ng mga kotse ay nagpamangha sa mga reporter.

Maraming malalaking artista na nakasuot ng magagarang damit ang lumabas sa mga sasakyan, at naglakad ng elegante patungo sa mansyon.

Nakapuwesto ang mga reporter sa labas ng pinagbabawal na lugar at patuloy sa pagkagulat. Tuloy tuloy nilang kinuhanan at pinagaagawan ang pinakamagandang kuha sa mga kilalang tao.

"Cheng Man Ni… isa sa pinaka kilalang artista sa industriya sa buong bansa..." Iniangat ng isang reporter ang kanyang camera ng mataas at napalingon sa napakagandang taong napadaan.

"Yun ang magkapatid na mula sa Emperor Sky? Nandito talaga sila?"

Lahat ng dumating na artista ay sobrang kilala, at ginusto ng mga tao na magkaron sila ng karagdagang mga kamay upang makakuha pa ng mas madaming litrato.

"Ngayon sa kaarawan ni Old Ye at kalahati ng industriya ng libangan ay dumating na. Ang pagdalo ng mga tao ay lampas na sa dumalo sa seremonya ng Golden Orchid award!"

"Hindi ba't ang pamilya Ye ang halos namamalakad ng kalahti ng entertainment industry?!"

"Sayang at hindi puwedeng pumasok sa lugar na iyon. Kung makakapasok lang tayo at makakakuha ng litrato, tiyak yun ay..."

Ng sabihin iyon, nagsimulang magreklamo at huminga ng malalim ang mga reporter, at umiling.

Isa ng karangalan na payagang mag-antay sa labas at maramdaman ang kasiyahan sa pagdiriwang ng kaarawan ni Old Ye. Dahil sa kakayahan ng mga guwardiya ng pamiya Ye, huwag mo nang isiping makapasok ka, kahit lumapit ka man lang sa pasukan, siguradong biglaan ka nilang ihahagis palabas.

"Makapangyarihan talaga ang pamilya Ye; Napapunta nila ang madaming kilalang artista sa handaan. Hindi pa ako nakakita ng ganito ka engrandeng pangyayari sa buhay ko"

"Engrande ba ang tawag dito? Kahit na ang pamilya Ye ay isa sa mga namamahala sa industriya, yung dating iskandalo noong matagal na panahon na ay nagdulot ng malaking pagkalugi sa kanila at hindi pa sila nakakabalik sa dati nilang karangalan. Kung hindi lang nangyari iyon, tiyak doble pa ang yaman ng pamilya Ye..."

"Iskandalo? Anong iskandalo?" Ng marinig nila ito, ilan sa mga reporter ay naging interesado at masugid na nakinig sa kung sino ang nagsabi.

Ang mga baguhang reporter ay naging interesado dito at nagsimulang nagtanong.

"Isang iskandalo na kayang saktan ang pamilya Ye siguradong malaki iyon..."

"Senior, sabihin mo na sa amin para naman matuto kami!"

Isang hindi gaanong katandang reporter na nakabihis ng pang reporter ay nakaturo sa pasukan ng mansyon. Itinaas niya ang kanyang tingin at sumagot sa mga katanungan ibinato sa kanya, at palihim na sinabi, "Ito ang iskandalo ng pamilya Ye. Kahit na gustong itago ng pamilya Ye ang insidente kahit anong mangyari, dahil sa bigat ng pangyayaring ito, kumalat ang katotohanan at maraming tao ang naghalungkat ng katotohanan. Sa panahon ngayon, hindi na ito maikukunsiderang sikreto."

"Ang malaking korporasyon ng Ye Group ay hindi natural na kalmado sa loob hindi tulad ng kanilang ipinapakita."

"Maraming taon na ang nakalipas, ang iskandalo ng pamilya Ye ay nanggulo sa buong industriya, halos ikatanggal ito ng pamilya Ye"

Ang mga baguhang reporter ay naintriga habang sila ay nakikinig at lumapit pa lalo sa kanya upang makinig ng maayos, takot na may makaligtaan silang importanteng impormasyon.

"Alam ng lahat na ang presidente ng Ye Group ay ang anak ni Old Ye, si Ye Shao An, ngunit ilang taon ng nakakaraan, isa lamang alalay si Ye Shao An ng kompanya! " Sabi ng nakakatandang reporter.

"Ano ang ibig mong sabihin?"

Naguluhan ang ilang mga reporter.

avataravatar
Next chapter