1057 Hindi inaasahang “pagkain ng aso”!

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Xu Yi: "…"

Dapat alam niya na ito.

Paano naman magiging posible na mapipiligan ni Miss Wan Wan ang sarili mula sa pagkikipaglaban sa ganoong klaseng lugar?

Magsasalita sa sana si Xu Yi para mapigilan na ang limang gwardya na magsalita pa, pero inangat ni Si Ye Han ang kanyang kamay at pinigilan si Xu Yi.

Wala nang magawa si Xu Yi kung hindi ang manahimik na lang sa gilid. Nakatayo ang dalawa sa likod ng palumpong ng rosas, kaya hindi sila napansin ng limang gwardya.

Patuloy ang mainit na usapan ng limang gwardya...

"Oo nga, medyo kakaiba iyon, hindi ba?"

"Paanong kakaiba?"

"Hindi ba kakaiba? Sa una, hindi interesado si Miss Ye sa pakikipaglaban! Noong unang beses na pinapapunta ang mga representante sa entablado, tumanggi si Miss Ye. Sa panglawang beses na pinakiusapan nila si Miss Ye na pumunta sa entablado para makipaglaban ulit, pumunta na si Miss Ye para sumunod sa patakaran pero wala pading plano na makipaglaban. Sumuko na siya agad pagkatungtong sa entablado."

"Tama!" tumango ang isang gwardya at sumang-ayon. "Kahit na natapos na ang martial arts conference at pumunta si Yamamoto Tsubasa para hamunin ang lahat, wala pa din plano si Miss Ye na makipaglaban at gusto na umalis na tayong lahat!"

"Gayunpaman, maiintindihan naman. Ang ganoong klase ng basura ay talagang kakaiba sa lebel ni Miss Ye, kaya natural na maisip lang ni Miss Ye na ang paglaban sa kanila ay mababa lang sa kanya. Tsaka, natapos ang conference doon at pribadong pag-uusap na ng mga Sun, kaya hindi kailangan na umaksyon si Miss Ye."

"Edi… bakit biglang umaksyon pala si Miss Ye?" tanong ng isang gwardya.

Mula dito, nahulaan ni Xu Yi ang nangyari.

Mukhang hindi talaga plano ni Miss Wan Wan ang lumaban sa umpisa?

Patuloy na walang emosyon ang mukha ni Si Ye Han habang nakikinig sa mga gwardya.

Isa sa mga gwardya ang nagmungkahi, "Baka napagdesisyunan na lumaban ni Miss Ye dahil sa mga pagpupukaw at pag-insulto ni Yamamoto Tsubasa?"

Inalala ng nangungunang gwardya ang pangyayari at sabi, "Sa totoo lang, naramdaman ko na ayaw talaga lumaban ni Miss Ye. Kahit na tinawag pa siyang basura at sabi na bubugbugin siya hanggang sa mamatay, hindi nagbago ang itsura niya… hindi nagbago hanggang sa…"

Naalala din ng apat ang nangyari at sabay-sabay na sinabi, "Hanggang sa sinabi ni Yamamoto Tsubasa na kasinatahan siya ng isang walang kwenta…"

"Tama, tama! Ngayon na binanggit mo, naalala ko din. Ako ang pinakamalapit noon kay Miss Ye, at nang marinig iyon ni Miss Ye nagbago ang itsura niya! Nakakatakot ang itsura niya! Kinilabutan ako mula doon!"

"Hm, hindi na sorpresa iyon. May pakialam pa ang mga babae sa ganitong bagay. Hindi siya masaya na tinatawag na kasintahan! Nahirapan din si Miss Ye!"

"Eh? Bakit iba ang iniisip ko? Hindi iyon ang importanteng parte, 'di ban! Madaming mga tsimosa na tinawag siya ng ganon, pero mukhang walang paki si Miss Ye? Kalmado lang siya buong oras na iyon, pero bakit siya sumabog nang sinabi iyon ni Yamamoto Tsubasa?"

Habang nag-uusap ang mga gwardya, bumaba na si Ye Wan Wan.

"Miss Ye!" sabay na binati siya ng lima.

Nang makita na nandoon pa sila, nagtanong si Ye Wan Wan, "Hindi pa nakakabalik ang patnyarka niyo?"

"Opo," sabi ng isa sa kanila. At nagsiyasat, "Um… Miss Ye, pwede po bang magtanong?"

"Hm, anong tanong? Magtanong ka lang."

Sabi ng pinunong gwardya, "Mukhang hindi mo plano na makipaglaban habang martial arts conference kanina, pero bakit… bakit bigla kang lumaban sa huli… at malubhang binugbog din si Yamamoto Tsubasa?"

"Dahil ba sa pinahiya ka ni Yamamoto Tsubasa at kami na mga Chinese martial artist?" sabi ng isang batang gwardya na may ningning sa mga mata.

Napakurap si Ye Wan Wan bago masigasig na sinabi, "Kalokohan! Syempre binugbog ko siya! Sino nagsabi sa kanya na pwede niyang tawagin na walang kwenta si Ah-Jiu?!"

Ang mga gwardya: "..."

avataravatar
Next chapter