580 Hindi importante sa amin kung pangit siya

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Leche...

Sinabi niya noon na abala ang boyfriend niya sa pag-aaral at trabaho. Ano naman ang idadahilan niya ngayon?!

Ilang beses na nag-ring ang phone bago nag-atubili si Ye Wan Wan na sagutin ito, "Hello, mama…"

"Wan Wan, abala ka ba ngayon?"

Hindi agad sumagot si Ye Wan Wan. Napa-isip muna siya at seryoso siyang sumagot, "May problema ba mama?"

Sumagot si Liang Wan Jun, "Nag-tahi ako ng sweater para sayo. May bakanteng araw ka ba? Uwi ka muna at kunin mo ito."

"Ay, siguro sa bukas makalawa. Sa wikend na lang mama, pwede?" Tanong ni Ye Wan Wan.

"Sige! Bakit hindi yayain yung boyfriend mo dito sa atin?" Sinubukang mamilit ni Liang Wan Jun.

Ye Wanwan: "..."

Nahulog na naman ako sa patibong...

Napa-ubo si Ye Wan Wan. "Sa wikend? Lagi siyang nag-oovertime itong mga nakaraang araw, baka wala na siyang oras…"

"Ah, ganun ba…" parang nadismaya si Liang Wan Jun.

Ilang beses na siyang tinanggihan ni Ye Wan Wan kaya nakaramdam siya na parang may mali, bigla siyang napatahimik at dahan-dahan siyang nagtanong, "Wan Wan, wala ka namang tinatago sa akin, anak?"

Parating sinasabi ng anak niya na maayos ang samahan nila ng boyfriend niya. Gayunpaman, sinabi niya rin na gusto niyang maayos ang relasyon nila bago niya ito ipakilala sa mga magulang niya. Ilang beses na sinubukang magtanong ni Liang Wan Jun tungkol sa boyfriend ni Ye Wan Wan pero lagi siyang tinatanggihan nito, mahirap na hindi siya magsuspetya na baka may problema ang relasyon nila.

Totoo nga na kilalang-kilala ng nanay ang kanyang babaeng anak. Maingat ako sa sinasabi ko pero napansin pa rin ni mama?

Nagsisi si Ye Wan Wan kaya mabilis siyang sumagot, "Wala po, bakit ako magtatago ng kahit ano sayo?"

Naging seryoso ang tono ng boses ni Liang Wan Jun. "Sabihin mo sa akin ang totoo, kamusta kayo ng boyfriend mo? May nangyari ba sa inyong dalawa?"

Nag-aalala pala siya sa aming dalawa...

Nakahinga ng maayos si Ye Wan Wan sabay nagpaliwanag siya, "Wala pong nangyari ma. Maayos naman po kami - ano pa bang po-problemahin namin?! Hindi siya isang young master na tulad ni Gu Yue Ze na nakikipaglandian kung kani-kanino; tapat siya sakin mama!"

"Ah, ganoon ba, hindi na pala kami mag-aalala ni papa mo. Gusto lang namin na maging masaya ka anak. Si kuya mo kasi ay… hay…" bumuntong hininga si Liang Wan Jun.

"Mama, 'wag kang mag-alala. Okay lang po ako!"

Biglang nalungkot si Ye Wan Wan dahil binanggit ng nanay niya si Ye Mu Fan.

Hindi naging madali ang kalagayan ng pamilya niya lalo na at lumala ang relasyon nila ng kapatid niyang si Ye Mu Fan.

Ang kapatid niyang si Ye Mu Fan ay hindi nakikinig sa kanila tungkol sa malaking pagbabago sa kanilang pamilya, dumagdag pa ang kasakiman na binubulong ni Shen Meng Qi kay Ye Mu Fan, lalong walang kwenta ang pagpapagalit sa kanya ni Ye Wan Wan.

Si Ye Mu Fan lagi ang pinipilit ni Shen Meng Qi na humarap sa kahit anong kaguluhan kaya akala ni Ye Mu Fan na importante siya kay Shen Meng Qi...

Ngayon, matututo lang si Ye Mu Fan kapag nabigo siya sa kagagawan ni Shen Meng Qi...

Sa unang buhay ni Ye Wan Wan, inabuso siya ni Shen Meng Qi hanggang sa wala nang natirang maayos na mukhang ihaharap si Ye Mu Fan, ngunit naghanap siya ng maling mga paraan para makakuha ng pera para kay Shen Meng Qi. 'Wag niyo nang pansinin na ginamit siya ni Shen Meng Qi, dinawit niya pa ang magulang niya sa kalokohan na ginagawa niya...

Sa buhay niya na ito, kailangang turuan ng leksyon ni Ye Wan Wan si Ye Mu Fan.

Kumalma si Liang Wan Jun. "Maganda yun. Maganda na ganyang ka mag-isip Wan Wan. Masaya si mama at papa mo na nag-move on ka na. Mas maganda na nakahanap ka ng isang boyfriend na tinatrato ka ng maayos at mapagpakumbaba. Hindi importante ang itsura niya - ganyan rin ang iniisip ng tatay mo. Wala kaming pakialam sa itsura niya!"

Binigyang diin muli ni Liang Wan Jun na wala siyang pakialam kung ano ang itsura ng kanyang magiging manugang na lalaki.

Dahil maganda ang genes ng Ye family, mataas ang pamantayan ni Ye Wan Wan sa itsura ng mukha at kritikal siya itsura ng mga tao simula pa noong bata siya, kaya nag-aalala si Liang Wan Jun na baka ito ang dahilan kung bakit mag-aaway si Ye Wan Wan at ang boyfriend niya.

Hindi pwedeng sabihin ni Ye Wan Wan ang totoong isyu, kaya wala siyang magawa kundi sumang-ayon na lang: "Alam ko po mama. Ayaw ko ng mayayaman na gwapong lalaki na nakaka-akit ng mga babae kahit saan sila pumunta…"

Taimtim na nangangako at sinisigurado ni Ye Wan Wan ang nanay niya kaya hindi niya napansin na may tao pala sa likod niya...

avataravatar
Next chapter