165 Hindi hahayaang magpatalo

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Nakita ni Zheng Bin ang luhaang mukha ni Sheng Meng Qi at lalo niyang pinrotekhan si Shen Meng Qi, hindi pumapayag na umalis, "HIndi ako aalis! Kung hindi ako pumunta dito, sasaktan ka nila hanggang sa mamatay ka! Kailangan kong ipakita ang tunay na kulay ng mokong na ito sa lahat ng nandirito!"

Lubha ang galit ng dalawang lalaki na parang dalawang manok na sinasabong. Ayaw nilang dalawa na magpatalo kaya naman hindi kayang patigilin ni Sheng Meng Qi ang away na ito; gumilid na lamang siya at nanuod tulad ng ibang mga tao.

Sumigaw si Song Zi Hang, "Sabihin mo, anong ibig sabihin mo sa totoong kulay ko?"

Ayaw ni Zheng Bin na magpatalo kaya sumabad siya, "Para kang isang dugyot na palaka na nagkakagusto sa swan. Alam mo naman na may boyfriend si Meng Qi pero patuloy mo pa rin siyang sinasaktan!"

"Ha! Kalokohan! Girlfriend ko si Meng Qi; paano ko naman siya hahalayin? Baliw ka ba? Boyfriend ka ni Meng Qi? Wag mong sabihin sa akin na ikaw yung sinasabi mo!" Nangasar si Song Zi Hang dahil wala siyang pake sa pinagsasabi ni Zheng Bin. Tinrato niya lang si Zheng Bin na manliligaw ni Meng Qi at naghahanap lang ng away dahil sa ubod ng selos.

Hindi nag-iisip na sumagot ng puno ng galit si Zheng Bin, "Kahapon, nag-usap kami ni Meng Qi sa phone buong gabi at sinabi niya pa sa akin na sinasaktan mo raw siya!"

Lumakas ang kalabog ng puso ni Sheng Meng Qi kaya bigla siyang umentra sa kanila, "Wag na kayong mag-away! Hindi lang nagkaroon ng pagkakaintindihan, pwede bang pag-usapan natin ito ng tayo-tayo lang? Tigilan niyo ang kakagawa ng eksena na guston makita ng lahat! Pwede ba?"

Sinubukan ni Shen Meng Qi na hikayatin ang dalawa habang nababalisa siya.

Nang makita ang nagmamakaawang mukha ni Shen Meng Qi, nagdalawang isip na itigil ng dalawang lalaki ang gulo.

Nanliit ang mata ni Ye Wan Wan na hindi ganoon kalayo sa eksena. Kapag hinayaan niyang magkaroon ng espasyo si Sheng Meng Qi para makahinga, sigurado siyang mabilis na aamuhin ni Shen Meng Qi ang dalawang lalaki .

Kaya naman, nagmadaling lumabas si Ye Wan Wan galing sa dumog ng mga tao at pinagduduro si Song Zi Hang, umaapaw ang kanyang galit at pinagmumura niya si Song Zi Hang, "Napakagaling, Song Zi Hang! Akala ko totoo ka kay Meng Qi pero sinong mag-aakala na sinasaktan mo siya at pinipilit mo pa siyang dumikit lang sa iyo! Bakit mo gagawin iyon?! Sa tingin mo karapatdapat ka para kay Yan Ran at Meng Qi? Isa kang g*gong p*tang*na!"

Namoot muli ang galit ni Song Zi Han dahil sa nakakairitang si Ye Wan Wan, "Ugly freak, umalis ka sa daan ko! Wag kang magkunwaring matalino sa harapan ko! Sinabi ko naman na sayo noon pa, hindi ko pinilit si Meng Qi sa kahit ano! Tanungin mo pa siya kung hindi ka naniniwala sa akin!"

Naramdaman ni Shen Meng Qi na hihimatayin siya sa sobrang galit, kaya lumihis ang tingin niya papunta kay Ye Wan Wan, gusto na niyang patayin si Wan Wan sa sobrang galit.

Sa kabila nito ay ang namomoot rin sa sobrang galit ni Zheng Bin, "Song Zi Hang! Mukhang hindi ka hihinto hanggang sa makita mo ang sarili mong hukay! Nasayo na nga si Jiang Yan Ran tapos pasikreto ka pang nakikipagtalik kay Meng Qi. Hindi ka lang pinahiya ni Meng Qi ng harap-harapan dahil kaklase ka niya at nirerespeto niya pa din si Jiang Yan Ran. Sa huli, ginamit mo lang ang kabaitan niya at patuloy mo siyang sinasaktan araw araw! Sinasabi ko sa iyo, hindi mo na kailangan tanungin pa si Meng Qi! Makinig ka ngayon dito!"

Nilabas sabay pinindot-pindot ng ilang beses ni Zheng Bin ang kanyang phone. Nang biglang may usapan siyang pinarinig ng isang lalaki at babae sa kanyang phone.

"Meng Qi! Anong meron sa inyo ni Song Zi Hang?!" boses ito ni Zheng Bin.

"Sinabi ko naman na sayo na wala akong kinalaman sa kanya; siya yung lalaki na gusto ni Yan Ran, ba't namang ako mapapa-sakanya? Kaso kasi lagi niya na lang akong sinasaktan at wala na akong magawa doon!" Ang pamilyar na boses na ito ay halatang galing kay Shen Meng Qi.

"Ipakita na natin sa publiko ang relasyon natin! Sabihin mo sa kanya at sa lahat ng tao na ako ang boyfriend mo! Paniguradong tatantanan ka na niya!"

"Hindi pa, wag muna natin ipaalam sa publiko. Ayaw ng mga magulang ko na magka-boyfriend ako."

"Eh, bakit hindi mo sabihin sa Song Zi Hang na iyon na may boyfriend ka na?! Hindi mo nga ako tinatrato na boyfriend mo!"

avataravatar
Next chapter