1019 Hindi gaanong kalmado

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Ng marinig iyon ni Han Xian Yu, lalo pa siyang nagulat, "totoong kapatid mo si Felix? Kung gayon, ikaw si…"

Ngumiti si Ye Wan Wan. "Hayaan mong ipakilala ko ulit ang sarili ko. Ye ang aking apelyido, at ang buo kong pangalan ay Ye Wan Wan. ako ang nakababatang kapatid ni Ye Mu Fan."

Nagulat si Han Xian Yu, ngunit ang pag-ikot ng mga pangyayari ay lohikal din.

Hindi kapagatataka na nagsimula si Ye Mu Fan at Ye Wan Wan ng kumpanya. Hindi niya inaasahan na ang prinsesa ng mga Ye... 

May nakuhang bulung-bulungan ang industriya ng entertainment patungkol sa anak na babae ng mga Ye. Sinasabi nilang lahat kung gaano siya ka loko-loko at basagulera, walang alam at walang kakayahan. Sinasabi din ng ibang tao na hindi mapapantayan ang kanyang kapangitan, at hindi na kaya pang tiisan iti ng kanyang fiancè. Kaya sinira niya ang kanilang engagement...

Ang lumalabas dito… na hindi talaga magpagkakatiwalaan ang mga tsismis...

Kinuha ni Ye Wan Wan ang kanyang lemon water at ininom ito ng isang lagok upang huminahon ang kanyang magulong isipan. "Hay. Salamat at sayo ako tumakbo ngayon. Kung si Gong Xu ito, paniguradong patay na karne na ako!"

Napakiramdaman ni Han Xian Yu na ang may tinatagong kahulugan ang mga salita ni Ye Wan Wan at hindi nanghihingi ng tulong, " anong meron kay Gong Xu?"

Tumaas ang kilay ni Ye Wan Wab. "Hindi kba nagtataka kung paano ko nagawang makinig sakin si Gong Xu?"

"Talagang nagtataka ako." Sagot ni Han Xian Yu.

Gayunpaman, hindi niya kailan man tinanong.

Siyempre, hindi lang siya ang sa industriya ang nagtataka tungkol dito.

Noon, isang artista padin si Gong Xu sa ilalim ni Zhou Wen Bin at kahit na pigilan si Luo Chen sa lahat ng asal sa paghihimukmok ni Zhou We Bin, ngunit siya ay biglang lumipat at sumama kay Ye Bai...

Inalalayan ni Ye Wan Wan ang kanyang baba at bahagyang umubo bago sabihing, "buweno, sa katotohanan, ang Little Candied Plum, na hinahanap kung saan-saan ni Gong Xu, ay…"

Kaagad na nagsimulang mapagtanto no Han Xian yu, at nagtanong, "maaaring iyon ay… ikaw?!" 

Nagkibitbalikat si Ye Wan Wan. "Tama… ako nga…"

Han Xian Yu: "…"

Siya ay biglang walang masabi...

"Ang paglapit kay Gong Xu ay talagang isang aksidente. Hindi ko akalain na hahanapin ako ni Gong Xu kung saan-saan… Noon panahon, nakikipag-away ako kay Zhou Wen Bin, at hindi niya ako matalo ng walang mga trick, kya ginamit niya si Gong Xu upang pabagsakin ako at gustong nakawin ang role ni Lou Chen. Dahil sa napag-desisyonan ni Zhou Wen Bin na maging tuso at ang punk na iyon, na si Gong Xu, ay hindi makatwiran at napakasama, hindi nila ako pwedeng sisihin sa paggamit ng di pangkaraniwang estratihiya, diba?" Ang sabi ni Ye Wan Wan.

"Kaya, hinanapan ko si Gong Xu ng aking litrato at sinabi sa kanya na hanggat siya ay masunurin, sasabihin ko ang mgatungkol kay Little Candied Plum…"

"Um…" hindi alam ni Han Xian Yu kung siya ay maiiyak o matatawa matapos niyang marinig iyon. Hindi niya inaasahan ang katotohanang ito.

"Maya-maya, matapos makipag-salamuha kay Gong Xu, napagtanto ko na ang kanyang personalidad ay hindi ganun kasama. Kulang lang siya ng gabay, kaya siya ay naliligaw…" Pagpatuloy ni Ye Wa Wan.

"Kung gayon pinaplano mo pa bang magpatuloy na mapaggap bilang isang lalaki?" tanong ni Han Xian Yu.

"Wala namang masama sa pagpapanggap na lalaki dahil sa ito ay mas madali. Gayunpaman, mayroon pa ding Gong Xu at Luo Chen. napaka-dikit na natin pagkatapos ng lahat, kaya hindi maganda kung patuloy kang maglilihim sa kanila., kaya nakahanap ako ng magandang oportunidad upang sabihin sa kanila mamaya. Ngunit ito ay isang kritikal na panahon sa ngayon, kaya hindi ko sila maaaring guluhin sa oras na iyon."

Kailangan niya padin na maghintay na maging mature si Gong Xu upang maiwasan ang kanyang selosong kasintahan na malunod si Gong Xu sa selos.

Nananatili pa din ang takot kay Ye Wan Wan. "Xian Yu, masaya ako at nakapa-matured mo at kalmado kaysa sa dalawang bata, kaya ko sinabi sayo ang katotohanan ngayong araw. Kung hindi man, ito na talaga ang katapusan ko!"

Ng marinig iyon ni Han Xian Yu, sumulyap siya sa maliwanag na mukha at nag niningning na mata ni Ye Wan Wan at nagpakita ng isang walang magawang itsura. "Sa totoo lang, hindi talaga ako… kasing kalmado tulad ng iniisip mo…"

Pinagpatong ni Ye Wan Wan ang kanyang palad. "Paumanhin, paumanhin sa pagsindak sayo…"

avataravatar
Next chapter