467 Hindi ba ito ang kanyang Little Candied Plum?

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Sa taas, sa loob ng makeup room:

Sumandal si Gong Xu sa isang malaki, at kumportableng upuan habang siya ay naka de-kwatro at ang isang telepono sa kanyang kamay. Siya ay kasalukuyang naguguluhan sa kanyang laro habang ang hairstylist, makeup artist, at stylist ay nagtatrabaho sa kanyang paligid.

Meron dalawang assistant sa kanyang gilid. Isa sa kanila ay may hawak na isang malaki at mabigat na buko, masigasig na nakatayo sa tabi niya. Nang sandaling alisin ni Gong Xu ang kanyang gear, kailangan niyang maingat na dalhin ang buko at hayaan siyang uminom.

Ang isa naman ay nakatayo lang sa malayo, abala sa pagkuha ng litrato niya.

"Xu-ge, tapos na. Tignan mo kung ayos na ito?" kinakabahan na inabot ng assistant ang camera para sa pag-apruba.

Mabilis na tinignan ni Gong Xu at maliwanag ang hindi pagsang-ayon sa kanyang mukha. "Tsk, hindi ka man lang nakakuha ng magandang kuha sa napakagandang itusra ng young master!"

Ang maliit na assistant at agad na sinubukang sumipsip sa kanya. "Paano nangyari iyon? Xu-ge, wala ka namang kahit anong hindi magandang anggulo - maganda ang ayos mo kahit paano kapa nakuhanan ng litrato!"

Walang pakialam si Gong Xu sa mga pambobolo at walang tyagang pumili ng mga larawan. "Ito, ito at ito, ipasa mo ito sa aking telepono, ipo-post ko ito sa Weibo...:"

"Opo, ngayon din!"

"Wag mo kakalimutan i-photoshop ang lahat ng tigyawat sa aking noo!"

"Opo opo opo!"

Nang matapos sa mga litrato, pinost na ang mga ito ni Gong Xu sa Weibo ng may kasamang malungkot na itsura.

Inilagay niya muna ang kanyang litrato at nginuso ang kanyang labi at nag-type ng isang pangungusap: [tatlong araw na ang nakalipas simula ng nakilala ka at wala pa din akong balitang natatanggap tungkol sayo. Little Candied Plum, napakaraming tao. Paano kita mahahanap~]

Ang maliit na assistant na nasa kanyang tabi ay sumandal at binasa ang post. Kaagad na nagdilim ang kanyang mukha.

Ang aming mahal na artista ay nagsisimula na naman sa kanyang kalokohan at naghahanap ng gulo. Pagod na ang aking puso...

"Put*! Lighter! Alam mo ba kung gaano kahalaga ng isang hibla ng kanyang buhok?"

"Paumanhin, paumanahin!" labis na humingi ng tawad ang hairstylist.

Kamakailan, ang mood ni Gong Xu ay pambihirang nakakairita at siya ay hirap na mag trabaho. Maaari lamang sisihin ng mga taong ito ang kanilang kamalasan...

Ang lahat ay takot na pinamamahalaan ang "little ancestor." Nang biglang, may malakas na "bang" galing sa pintuan - mayroong sumipa mula sa labas.

Ang nakita lang nila ay ang isang batang lalaki na kaswal na nakatayo sa may pintuan. Matapos niyang dahan-dahang walisin ng tingin ang mga tao sa loob ng kwarto, ang kanyang tingin ay napunta kay Gong Xu. Binigyan siya ng sapilitang ngiti ng lalaki.

Tinitigan ni Gong Xu ang bastos na lalaking sumipa ng puntuan ng kanyang makeup room. Sino ka?"

Matapos makita ng maliit na assistant na katabi ni Gong Xu ang lalaki, kaagad siyang bumulong sa may tainga ni Gong Xu, "Xu-ge, siya si Ye Bai na sinasabi ko sayo dati… marahil alam ng lalaking ito na inagaw mo ang role ni Luo Chen at ngayon ay naghahanap ng gulo!"

"Siya si Ye Bai…" tumaas ang kilay ni Gong Xu.

Matapos tignan ni Ye Wan Wan ang kanyang target, hindi siya nagsalitang kahit-ano nang tinikom niya ang kanyang bibig at sunod-sunod na naglakad patungo kay Gong Xu. Nang makarating ito sa kanya, inilagay niya ang isa niyang paa sa upuan ni Gong Xu.

Isang malakas na pakiramdam ng pang-aapi ang nasa kanyang mukha. Natakot si Gong Xu at napasigaw, "Ay ay ay, anong gusto mo? Nag rerebelde ka, huh!"

"Ye Bai! Anong ginagawa mo?!" nagulat din ang dalawang assistant. Sila ay nagalit habang sumisigaw patungo sa pintuan, "Security! Nasaan ang security?"

Dahan-dahang tinapik ni Ye Wan Wan ang litrato sa kanyang telepono at inilagay ito sa harapan ni Gong Xu, at hinayaan niya itong ipatingin.

Sa mga sandaling iyon si Gong Xu na patuloy padin ang pagsigaw, nang makita niya ang litrato, siya ay talagang natuliro.

Tang*na!

Ito… hindi ba ito ang aking Little Candied Plum!!!

Bakit may litrato ang Little Candied Plum ang lalaking ito?

avataravatar
Next chapter