81 Hindi ba ikaw dapat ang mas nakakaalam?

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Tila bang hindi nababahalang panoorin ni Ye Wan Wan si Shen Meng Qi, nang gamitin niya si Jiang Yan Ran at Fang Qin na parang bang bala habang patuloy sila nitong pinupunterya. Hindi niya mapigilang makaramdam ng pangungutya sa kanyang puso.

Pamilyar ang lahat nang ito sa kanya.

Parang ganto din ang nangyari sa nakaraan niyang buhay-- si Shen Meng Qi na nagtatago sa likod, at nagpapanggap na siya ang mabuting tao sa tuwing susulong sila Jiang Yan Ran at Fang Qing sa pwesto niya para lumaban.

Noon, kasama niya sina Shen Meng Qi, Jiang Yan Ran, at Fang Qi sa iisang dorm. Hindi naman ganun kasama ang relasyon niya kay Jiang Yan Ran sa umpisa habang si Fang Qin ay isang pipitsugin; wala siyang lakas ng loob para makasakit ng damdamin.

Kaya, hindi niya alam na sina Jiang Yan Ran at Fang Qin ay unti-unti na siyang tinataboy at naki-usap sa eskwelahan na magpalit ng dorm.

Mahabang panahon din bago niya malaman ang mga tsismis na siya ay laging sinusundo ng mga mamahaling kotse, at may matalik na karelasyon sa mga tao sa labas ng eskwelahan dahil sa kanyang sugar daddy.

Habang kumakalat ang tsismis, wala ng gustong tumira kasama siya at kaya naman, lumipat siya sa kwarto ng sa kanya lang.

Madali lang naman hulaan kung saan galing ang mga tsismis at kung bakit pinaniwalaan ito nina Jiang Yan Ran at Fang Qin.

Mahinang ngumiti si Ye Wan Wan at tinignan si Sheng Meng Qi.

Gusto mo pa 'din magpanggap na inosente ka?

Gusto ko makita ang reaksyon nila Jiang Yan Ran at Fang Qi pagkatapos nilang malaman ang tunay na pagmumukha nitong "mabait at inosenteng" babae!

Magaling si Sheng Meng Qi sa pag mamanipula ng mga puso ng tao; ang kanyang two-faced tactics ang namahala para siya ay magkaroon ng mga koneksyon at tapakan ang mga taong iyon, isa-isa, para lang umakyat siya sa tuktok.

Syempre, hindi lang siya nag-iisa.

Isa din si Jiang Yan Ran sa kanila. Beterano ang kanyang tatay sa isang entertainment circle at ang Jiang Yan Ran ng kinabukasan ay isang kilalang direktor sa pangkalawakan. Ang pelikulang nag-udyok kay Shen Meng Qi na maging isang artista ay idinerekta niya.

Subalit, ang kapalaran ng talentadong direktor ay nauwe sa isang trahedya. Habang siya'y nasa tuktok ng kanyang career, siya ay nagpakamatay nang naglaslas siya at namatay sa bathtub sa kanilang bahay.

Matapos ang kanyang pagkamatay, nagkaroon ng madaming haka-haka. Ang sinasabing dahilan daw nito ay depression, pero ang totoo ay ang asawa niyang si Song Zi Hang ay niloko siya at ang kabit niya ay isang matalik na kaibigan, ang bidang aktres na nag-ayos sa kanyang sarili, si Shen Meng Qi.

Lumaki ng magkasama sina Jiang Yan Ran at Song Zi Hang. Malalim ang pagmamahal ni Jiang Yan Ran kay Song Zi Hang pero kapatid lamang ang tingin ni Song Zi Hang dito at pinakasalan lang siya dahil sa presyon ng kanyang magulang.

Nalaman nalang ni Jiang Yan Ran sa kamatayan niya na ang taong nakakuha ng puso ni Song Zi Hang, ay ang taong pinakamalapit at pinagkakatiwalaan niya.

Pitong taon na ang lumipas ngayon, hindi pa karelasyon ni Jiang Yan Ran si Song Zi Hang pero matagal nang may namamagitan kila Song Zi Hang at Shen Meng Qi

Tulad ng pagtumba niya sa kapatid niya, ang pakikitungo ni Shen Meng Qi sa mga lalaki ay hindi sila tanggapin pero hindi din sila tatanggihan. Pag-aantayin niya ang mga ito, aantayin niya na tumaas ang mga pag-asa nito at ang pag ani ng mga malalaking benepisyo. Lalo naman niyang ikinakasaya ang thrill sa pag-agaw ng mga lalaki sa iba.

Habang umiikot ang mga isipang ito sa kanyang isip, walang bahala namang sumagot si Ye Wan Wan, "Meng Qi, hindi ba ikaw ang mas may alam sa mga nangyayari sa amin ni Ling Dong?"

"Ako? Kakaalam ko lang!" punung-puno ng pagkalito ang mukha ni Meng Qi.

Hindi siya sigurado kung bakit pero hindi siya mapakali sa expression na ginawa ni Ye Wan Wan.

Sumagot si Ye Wan Wan ng may katiyakan, " Sabi ko sa 'yo dati na narinig ko si Ling Dong na natalo sa isang pusta sa mga kaibigan niya kaya kailangan niya kong ligawan. Akala ko sa una, nagbibiro lang sila; hindi ko akalaing liligawan talaga ako ni Ling Dong. Hindi mo ba naaalala?

Pagkarinig sa sinabi ni Ye Wan Wan tungkol sa panliligaw ni Ling Dong dahil sa isang pusta, lahat ng manunuod ay naintindihan din. Kung ganoon naman, edi may sense na ang lahat!

"Kelan mo sinabi 'yan?" nakakunot na sabi ni Shen Meng Qi.

avataravatar
Next chapter