1178 Hindi ba't mas mukhang basagulero ako?

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Patuloy na nagsalita si Han Qing Ling, "Natalo ako sa laro naming Truth or Dare, kaya kinukuha ko ngayon ang number mo…"

Suminghal si Gong Xu. Anong Truth or Dare?! Hindi totoo na naglalaro kayo, gusto mo lang makuha ang number niya!

Luma na ang galawan na ganyan! Bakit hindi niya na lang diretsohin kung gusto niya si Ye Bai?! Bakit nagpaligoy-ligoy pa siya?

Naguluhan si Ye Wan Wan. Hindi tama na ibigay niya ang kanyang number sa ibang tao, pero mahirap rin tanggihan ang kahilingan ng babae...

Biglang lumapit si Han Xian Yi at nilabas niya ang kanyang business card na nanggaling sa loob ng kanyang bulsa, sabay inabot niya ito kay Han Qing Ling at malumanay niyang sinabi, "Pasensya na pero hindi pwedeng ibigay ni Ye Bai ang kanyang number. Gusto mo ba number ko na lang? Ito ang private number ko."

Tulirong tinitigan ni Han Qing Ling ang mukha ni Han Xian Yu, na parang malamig na simiy ng hangin, kaya namula ang buong mukha niya. "Oo, oo! Pwede ang number mo!"

Pagkatapos magsalita ni Han Qing Ling, doon niya lang natandaan na ang dare sa kanya ay kunin ang number ni Ye Bai.

Gayunpaman, hawak niya ang private number ni Han Xian Yu! Kaya hindi siya natalo!

Mabilis na umalis si Han Qing Ling at masaya siyang umalis na hawak ito.

Sa likod nila, tinitigan ni Fei Yang si Han Xian Yu na parang tanga ang nakikita niya.

P*ta! May mali talaga! May mali talaga kay Xian Yu!

Malinis na tao sa industriya si Han Xian Yu. Walang mga tsismis ang mga kinalaman sa kanya at pinanatili niya na maging malayo sa ibang nga babaeng artista. Kakaunti lamang ang nakakaalam ng private number niya.

Para lang matulungan niya si Ye Bai sa na makawala sa problema, hindi siya nagdalawang isip niya ibigay ang private number niya sa isang babae?

Nakahinga na ng maayos si Ye Wan Wan at nag-cheers sila ni Han Xian Yu. "Salamat!"

"Walang problema."

Naramdaman ni Gong Xu ang sakit na pumupisil sa kanyang puso. "Punyeta! Natalo ako, natalo ako! Pwede palang gawin iyin?! Mas may anghang pa ang luma kaysa sa bago?! Dapat ako na lang nagbigay ng number!"

Walang awa siyang minaliit ni Tang Xinh Huo. "Walang kwenta ang private number mo, okay?"

Biglang bumulong si Ye Mu Fan kay Ye Wan Wan. "Ah, mukhang disente naman si Han Xian Yu. Wan Wan, pag-isipan mo naman, please?"

Inirapan ni Ye Wan Wan ang kapatid niya. "Bakit gusto mong pinaghihiwalay ang magkasintahan?"

Kinamot ni Ye Mu Fan ang ilong niya. "Wala naman, dahil lang siguro na mukhang basagulero ang lalaking iyon base sa kanyang itsura…"

"Edi, mas mukha akong basagulero?"

"…"

Sa isang sulok na malapit sa kanila:

Tinititigan ng masama ni Ye Shao An sila Ye Mu Fan at Ye Wan Wan. "Yiyi, malakas ba ang loob mo?"

Nag-isip si Ye Yiyi. "Masyadong malalim ang isip ni Ye Bai. Gagawin ko ang lahat para lang makuha siya."

Mapahamak ang itsura ni Ye Shao An. "Ang taong tulad niya ay nagta-trabaho ng maigi para sa pera at kapangyarihan. Kaya nating taasan libo-libong beses ang bayad sa kanya ni Ye Mu Fan. Hindi ba't makukuha natin siya kapag nakahanap tayo ng magandang presyo?"

Sumimangot si Ye Yiyi. Nakakatakot talaga ang pinaramdam sa kanya ni Ye Bai.

Hindi ordinaryo ang isang tao na nakapatong sa tuktok sa loob lamang ng isang taon.

"Paano kung… tumanggi siya?" Tanong ni Ye Yiyi.

Mukhang arogante si Ye Shao An. "Tatanggi siya? Bakit siya tatanggi? Kung bobo lang siya! Mukha bang bobo sayo si Ye Bai? Mahal kong anak, paano ito magiging kabiguan kung gagawin mo ito ng ikaw lamang?"

Tumango si Ye Yiyi, sumasang-ayon siya sinasabi ni Ye Shao An.

Pagkatapos ng isang sandali, nakahanap ng oportunidad si Ye Yiyi kung saan mag-isa lamang si Ye Bai kaya dahan-dahan siyang lumapit dito.

Nakatayo sa may pastries si Ye Wan Wan at naghahanap siya ng makakain dahil bawal nga siyang uminom ng alak. Pagkatalikod niya, nakita niya si Ye Yiyi na naglalakad papunta sa kanya.

avataravatar
Next chapter