1053 Hindi ba't gusto mong matuto sa akin?

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Kuminang ang mga mata ni Sun Xue Zhen nang umakyat at tumalon siya sa entablado.

Umakyat muli sa hagdan si Ye Wan Wan at bumalik siya sa entablado.

Ang mga mata ng lahat ay mabilis na napunta sa kanilang dalawa.

Suminghal si Sun Xue Zhen. "Pasensya na, Miss Ye, pero hindi ako naniniwala na malakas ka talaga base sa pinakita mo sa amin kanina."

Siya ang biniyaya ng langit na anak — ang panganay na miss ng Sun family. Pinanganak siya sa mayamang martial arts family at sumailalim siya sa pagsasanay, na hindi kakayanin ng normal na tao, simula noong bata pa lamang siya. Kahit ang katumbas niya na talentadong si Qin Ruo Xi ay natalo niya, kaya bakit niya hahayaang kunin ng mahinang babaeng ito ang limelight sa kanya?!

At tsaka, napagtanto ni Sun Xue Zhe na magkakampi na si Yamamoto Tsubada at Ye Wan Wan noong una pa lamang. Siguro sinuhulan na ni Ye Wan Wan si Yamamoto Tsubasa na pumunta sa lugar na iyon upang hamunin ang Sun family. Planado na niyang talunin siya noong una pa lamang upang iangat ang reputasyon ng Si family!

Posible ito dahil may kakayahan ang Si family na suhulan ang tulad ni Yamamoto Tsubasa!

Sigurado si Sun Xue Zhen sa kanyang teorya. Siya mismo ang sisira sa maskara ng babaeng ito upang makita ng lahat na basura lamang ang laman niya!

"Turuan mo ako!" Pagkamuhi at galit ang makikita sa mga mata ni Sun Xue Zhen nang tinitigan niya si Ye Wan Wan.

Hindi na nakapahintay pa si Sun Xue Zhen at mabilis siyang sumugod sa harapan ni Ye Wan Wan. Binaluktot niya ang kanyang pupulsuhan at sinubukan niyang lumapit kay Ye Wan Wan.

Gayunpaman, nanatili lamang sa isang lugar si Ye Wan Wan at mukhang wala siyang pakialam.

Swish!

Humampas ang kanang palad ni Su. Xue Zhen at maririnig sa buong lugar ang hampas.

Sa loob ng kalahating segundo, inilagan ni Ye Wan Wan ang atake sa kanya. Umilag siya patagilid habang ang kamay niya ay nasa kanyang likuran.

Boom! Hindi umabot sa kanya ang atake ni Sun Xue Zhen.

"Imposible!" Lubhang nag-iba ang ekspresyon ni Sun Xue Zhen. Hindi siya makapaniwala sa nangyari habang inaatake niya ng mala-ulan na suntok si Ye Wan Wan.

Hindi gumagalaw si Ye Wan Wan at inuurong niya sa kaliwa at kanan lamang ang kanyang baywang upang makaiwas sa suntok ng kanyang kalaban. Mabilis niyang nailagan ang sampung atake sa kanya ni Sun Xue Zhen.

"Masyado kang mabagal at mahina," nakangiting sinabi ni Ye Wan Wan.

Hindi makapaniwala ang lahat sa sinabi ni Ye Wan Wan. Umiiwas siya habang sinasabi niya ang mga kahinaan ni Sun Xue Zhen?!

"Patay ka ngayon!" Namuo ang galit sa mukha ni Sun Xue Zhen at lalo siyang naging mabagsik.

"Hindi masyadong magaling ang lakas mo kahit na mabilis ang mga palad mo," maangas na sinabi ni Ye Wan Wan habang iniilag niya ang kanyang katawan.

"Masyadong maraming kahinaan ang suntok mo na ito."

"Hindi tama ang anggulo ng sipa mo na ito!"

Gulat na gulat ang lahat.

Slap!

Nang handa nang humampas ang huling atake ni Sun Xue Zhen, biglang inangat ni Ye Wan Wan ang kanang kamay niya at maingat niyang kinuha ang kanang kamay ni Sun Xue Zhen.

"Ayoko nga sanang ilagan ang atake mong ito," sabi ni Ye Wan Wan habang tinititigan niya si Sun Xue Zhen.

"Anong sinabi mo?!" Binalot ng galit si Sun Xue Zhen. 

"Hindi ba't gusto mong matuto sa akin?" Tumawa si Ye Wan Wan bago niya pakawalan ang kamay ni Sun Xue Zhen.

Hindi na niya hinintay na sumagot si Sun Xue Zhen nang biglang kinopya ni Ye Wan Wan si Sun Xue Zhen at binaluktot niya ang kanyang pupulsuhan bilang atake sa kanyang kalaban.

Parehas ang posisyon ng palad ni Ye Wan Wan sa kaninang posisyon na ginawa ni Sun Xue Zhen. Perpekto ang bilis, lakas at kahit ang anggulo.

BANG!

Bago pa sila makapag-react, humampas na sa lapag ng stage ang buong katawan ni Sun Xue Zhen. Tulad siya ng sirang saranggola nang hinampas siya ni Ye Wan Wan gamit ang palad nito.

avataravatar
Next chapter