565 Hindi ako nananapak ng babae

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Nagulat ang lahat dahil tinalo ni Bulol ang lider ng Dark Team 3.

"Ang galing mo Bulol!"

"Hindi 'Bulol' ang pangalan ko - Feng Xuan Yi, si lider Feng!" seryosong sinabi ni Bulol.

"Tama tama tama siya… ang pangalan niya ay Feng Xuan Yi, lider Feng!"

Ginaya ng mga miyembro ng Dark Team 1 ang sinabi ni Feng Xuan Yi sa oras na iyon.

Katamtaman lamang ang lakas ni Bulol noong nasa Dark Team 1 pa siya kung ikukumpara sa ibang mga bodyguards. Lagi siyang pinagtatawanan at kinakaya kaya dahil bulol siya. Ngunit, dahil tinalo niya ang lider ng Dark Team 3, nagkaroon siya ng oportunidad na maging mahusay pa.

"Panalo si Feng Xuan Yi at siya na ang bagong lider ng Dark Team 3 at ang kaninang lider ng Dark Team 3 ay babalik bilang isang normal na bodyguard at pwede pa siyang sumubok na lumaban sa hinaharap. Kapag natalo niya si Feng Xuan Yi, makukuha niya muli ang kanyang posisyon "

Si Xu Yi ay naglakad patungo sa ring at inanunsyo niya ang resulta ng laban.

Pansamantala pa lang na lider si Bulol, kahit napanalunan niya ito, hanggat hindi pa tapos ang hamon ng pakikipaglaban para sa posisyon na lider.

"Hinahamon ko siya!"

Sa oras na iyon, may isang babae na galing sa Dark Team 2 ang umakyat sa ring.

Nakasuot ng mahigpit na itim na pantaas at naka-ponytail ang kanyang buhok. Dala niya ang sarili niya at napakasigla niya.

"Hi… hi.. hindi ako… nana… nananapak… ng… babae!"

Tinitigan ni bulol ang babae na nasa loob ng ring.

"Parang malakas ang abilidad mong makipaglaban, Bulol. Gusto kong maranasan ang lakas mo," sabi ng babaeng bodyguard.

Kumunot si Bulol nang marinig niya iyon. "Sss-sabi… sabi… ko… ang pangalan… ko ay… Feng Xuan Yi!"

"Talunin mo muna ako para hindi na kita tatawaging bulol." Tinawanan siya ng babae.

"Hindi ako… hindi ako na… nananapak… ng babae…" napaisip muna si Bulol bago niya inulit ang sinabi niya.

"Hng, maliit ang tingin mo sa akin Bulol. Pagsisisihan mo 'yan!" Nainis ang babae. Kuminang ang kutsilyo na hawak niya sa kanang palad niya, mabilis siyang humakbang paabante at winagayway niya ito patungo kay Bulol.

Sa isang saglit, sumipa ang kanang binti ni Bulol na parang dragon na may nakakasindak na mukha.

*Bang!*

Ang sipa ay dumeretso sa gitna ng hinlalaki at hintuturo niya, kung saan ah hawak niya ang kutsilyo.

Nasaktan ang babae. Nalaglag ang kutsilyo niya kaya napaurong siya.

"Ttt-tanggapin mo… na…. Ttt-talo ka na…" sabi ni Bulol.

"Tsk, nek-nek mo! Umpisa palang ito!" Sinugod muli siya ng babae.

Gayunpaman, noong nakarating siya sa gilid ni Bulol ay bigla siyang hinablot at binuhat nito.

"Ano… anong ginagawa mo?!" Namula ang babae at pinagalitan siya.

Walang pakialam si Bulol at dinala siya nito sa gilid ng ring.

"Ibaba mo ako!" umangal ang babae.

"Eeee-eto… eto na…" sabi ni Bulol.

Sa isang saglit, pinakawalan niya sa pagkakahablot ang babae at hinagis niya ito sa labas ng ring.

"Labas ka na. Panalo si Feng Xuan Yi." Inanunsyo ni Xu Yi.

Nagsitawanan ang mga bodyguards sa oras na iyon - hindi pangkaraniwan ang eksenang ito sa isang labanan.

"Haha, totoo pala na hindi nga siya nanapak ng babae. Loko-loko ito si Leader Feng. Tapos hinagis niya pa ang babae sa labas ng ring - ito ang unang beses na nakanood ako ng ganitong eksena…"

"Nabuksan ang isipan ko…"

Ang ilang mga team leaders ay nagbiruan dahil sa kakaibang eksenang natunghayan nila.

Pagkatapos nito, maraming talentadong mga bodyguards na galing sa Dark Team 3 ay nagalit at nainis kaya umakyat siya sa entablado para kalabanin si Bulol, ngunit ang bawat isa sa kanila ay hinagis ni Bulol sa labas ng ring.

Simula sa oras na iyon, wala nang interesadong humamon kay Bulol at ang mga malalakas na bodyguards ay interesado lamang na makuha ang posisyon ng punong kapitan, kaya hindi sila nag-abala pang makipaglaban kay Bulol.

avataravatar
Next chapter