1185 Hindi ako nagpalit ng utak

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Nagulat si Gong Xu sa sagot ng babae. Hindi siya makapaniwala.

Ang nakakairitang lalaki na ito ay kapatid pala ni Little Candied Plum?

Hindi ba't si Ye Bai ang kapatid ni Little Candied Plum? Anong kinalaman sa kanya ni Ye Mu Fan?

Tinitigan ni Gong Xu si Ye Mu Fan. "Ikaw… ikaw ang kapatid ni Little Candied Plum? Paano nangyari iyon?!"

"Pasensya na ha? Kapatid niya ako! Ako talaga ang tunay niyang kapatid sa nanay at tatay namin!" Binigyang diin ni Ye Mu Fan ang sinabi niyang "tunay na kapatid."

Tunay niyang kapatid?!

Biglang natandaan ni Gong Xu na si Ye Mu Fan pala ay may kapatid na babae, pero paano niya naman malalaman na si Little Candied Plum, na pilit niyang hinanap, ay kapatid pala ni Ye Mu Fan...

At tsaka, kahit na sinabi ni Ye Bai na si Little Candied Plum ang kapatid niya, hindi pa rin nilinaw kung tunay niyang kapatid o pinsan niya ito...

P*ta! Paano kung si Ye Mu Fan ang nakakatandang bayaw ko? Hindi ba't yari ako?!

Parang walang katotohanan dito?! Mas kamukha ni Ye Bai si Little Candied Plum...

Biglang nag-ring ang phone ni Ye Mu Fan, naghahanda na sana siyang makipaglaban ng 300 rounds.

Nag-aalalang lumapit si Ye Mu Fan sa harapan ni Ye Wan Wan at tinitigan niya ng masama si Gong Xu, binalaan niya ito, "May sasagutin lang akong tawag. Mag-ingat ka sa lokong ito! Huwag kang maniwala sa mga sinasabi niya! Naintindihan mo?"

Tiningnan lamang ni Ye Wan Wan si Ye Mu Fan. "Nagpalit lang ako ng damit. Hindi ko pinalitan ang utak ko."

Kumurap si Ye Mu Fan. Oo nga pala...

Nagtaka si Gong Xu nang marinig niya ang sinabi ni Ye Wan Wan.

Bakit pakiramdam ko na parang ang gwapo ni Little Candied Plum...

Kinuha ni Gong Xu ang oportunidad na ito para lumapit kay Ye Wan Wan, noong umalis na si Ye Mu Fan.

Biglang lumabas na sa harapan niya ang taong matagal na niyang hinihintay. Naramdaman niya na parang nananaginip lamang siya.

"H-hello… natatandaan mo pa ba ako? Binigyan mo ako ng isang kahon ng candied plums sa harapan ng dessert shop noon."

Tumango si Ye Wan Wan. "Natatandaan ko. Hindi ko lang alam na artista ka pala noon."

Naramdaman ni Gong Xu na namula ang kanyang buong mukha. "Ano? Artista… trip lang iyon…"

Tumawa si Ye Wan Wan. "Napanood ko ang Golden Orchid Awards' award ceremony. Isa kang propesyonal na aktor na dapat lang na nirerespeto. Tama lang sayo ang titulo na Best Actor."

Biglang lumiwanag ang mga mata ni Gong Xu, naramdaman niyang gumapang sa buong katawan niya ang kanyang pwersa. "Ta-talaga?"

Sa oras na iyon, naramdaman niya na sulit ang lahat ng pagod na dinaanan niya noong shooting ng kanilang pelikula. Naintindihan niya rin ang mga salita na sinabi sa kanya ni Ye Bai noon.

Tuwanh-tuwa siya na nagtrabaho siya ng maigi kaya hindi siya nagmukhang tanga sa taong gusto niya.

Kinamot ni Gong Xu ang kanyang ulo. "Nagmamadali kasi ako noong araw na iyon, kaya nawalan ako ng oras para pasalamatan ka… pagkatapos… pagkatapos ay patuloy kitang hinanap…"

Pinanood ni Tang Xing Huo si Gong Xu na naguguluhan ang isip habang kinakausap niya ang babae, at walang masabi si Tang Xing Huo. "Hay… diyosko… kurutin mo nga ako, Luo Chen. Guni-guni ko lang ito, 'di ba? Hindi siya umamin at hindi rin niya hiningi ang number ng babae sa loob ng tatlong segundo? Nauutal siya parang isang virgin…?"

Biglang tiningnan ni Gong Xu ang kanyang masamang kaibigan. "Manahimik ka! Malinis ang young master na ito!"

Walang pakialam si Luo Chen sa reaksyon ni Gong Xu. Mas nakatutok siya sa babaeng iyon.

Imahinasyon ko lang ba ito?

Bakit… parang pamilyar ang babaeng ito sa akin...

Sa oras na ito, natapos na ang usapan ni Ye Mu Fan at ng tumawag sa kanya kaya mabilis siyang bumalik.

"Sinong tumawag?" Biglang nagtanong si Ye Wan Wan.

avataravatar
Next chapter