1103 Hindi ako mangangabilang bakod

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Tumingin pa-taas si Ye Wan Wan at may sasabihin sana siya nang bigla niyang napansin na parang mag mali. Tinitigan niya si Si Ye Han, lumapit siya at inamoy niya ito.

Sa ilalim ng ilaw ng buwan, nakasuot siya ng puting shirt, manhid at parang malayo sa ibang tao ang kanyang itsura, mas nakakalinlang ito kaysa sa kadalasang itsura niya, ngunit ang maitim niyang buhok ay parang basa...

At tsaka, hindi siya amoy dugo. Sa halip, malinis at mabango siya na parang kakaligo niya lang.

"Ano?" Nakita ni Si Ye Han ang mga mata ni Ye Wan Wan na puno ng pag-ibig.

"Hm, nag-shower ka?" Tanong ni Ye Wan Wan.

Tumango si Si Ye Han. "Oo."

Nag-aalala kaya si Si Ye Han na baka matakot si Ye Wan Wan sa amoy ng dugo? Kaya sinadya niyang mag-shower bago siya nakipagkita sa kanya...

Sa naisip niyang iyon, hindi lamang ang katawan ni Ye Wan Wan na nakabalot ng jacket ang mainit, gayundin ang kanyang puso na parang nalulunod sa mainit na tubig dahil natutuwa siya sa ginawa ni Si Ye Han para sa kanya.

"Nitong mga nakaraang araw… inaasikaso mo ba ang tungkol kay Si Ming Li?" Tanong ni Ye Wan Wan.

Hindi niya alam kung natagpuan na ang tao na kaakibat ni Si Ming Li. Siya mismo ay sinusubukang kunin ang grupo ni Old Jiang upang gamitin nila ang lead ni TNg Long at ng Noisd of Dragons mercenary group para makakuha ng impormasyon. Ngunit ang mga labi ng mga mersenaryo ay nakatikom ng maigi, kaya hindi nila mahanap kung sino ang kaakibat ni Si Ming Li.

Tiningnan siya ng masama ni Si Ye Han. "Huwag mo nang alalahanin iyon. Ako na ang bahala doon." 

Tinitigan siya ng maiitim na parang abyss na mga mga mata ni Si Ye Han at kanyang sinabi, "Wan Wan, mangako ka sa akin ng isang bagay."

"Ano?" Umangat ang tingin ni Ye Wan Wan.

"Huwag mong hayaan na mangyari ulit ang nangyari noon. Kapag may nangyaring masama, umalis ka na kaagad ng Si family at pumunta ka sa ibang bansa, naiintindihan mo ba?" Maigi siyang binalaan at inutusan ni Si Ye Han.

Napakunot si Ye Wan Wan. "Hindi na mangyayari ulit iyon! Hindi pa ba magaling ang katawan mo? Wala naman nang nahanap na mali sayo si Dr. Sun noong mga nakaraang check-ups at sinabi niya na araw-araw ay gumagaling ka na!"

Hindi na nakipagtalo sa kanya si Si Ye Han. "Oo."

"Kaya hindi mo pwedeng hayaan na makakagambala ng tulog mo ang business! Masama sa katawan kapag nagpupuyat! Masisira ang liver at kidney mo, magiging makakalimutin at mapapanot ka kaagad! At ang pinaka importante sa lahat, papangit ka! Aakyat ako sa pader kapag pumangit ka!" Pabulong na sinabi ni Ye Wan Wan.

Tiningnan siya ni Si Ye Han. "Anong sinabi mo?"

"Ang sabi ko, masama sa katawan ang nagpupuyat!" 

"Yung sumunod doon." 

"Papangit ka kapag nagpupuyat ka!"

"Yung sumunod doon."

"Um… kahit na pumangit ka… hindi ako mangangabilang bakod! Teka saglit! Hindi ako titingin sa ibang lalaki kahit na ang gwapo nila! Gwapo ka pa rin kahit naging pangit ka!"

Si Yehan: "…"

Bumalik na sa normal na pag-tulog si Si Ye Han dahil kay masugid na panunuyo ni Ye Wan Wan. Natapos na rin niya ang kanyang exams, at ngayon na ang araw nv auditions.

Sinamahan ni Ye Wan Wan si Jiang Yan Ran sa lugar ng auditions.

"Huwag kang kabahan. Gawin mong normal ang pag-arte mo…" kinakausap ni Ye Wan Wan si Jiang Yan Ran nang biglang nag-ring ang kanyang phone.

Naging panglalaki ang boses ni Ye Wan Wan. "Hello?"

"Brother Ye…" maririnig ang mala-demonyong boses ni Gong Xu sa kabilang panig ng tawagan.

"Teka. Mamaya ka na lang tumawag, mag ginagawa ako ngayon." Pinahinto siya ni Ye Wan Wan.

"Abala ka? Bakit abala ka na naman?! Wala naman kami diyan ni Luo Chen, kaya bakit ka abala diyan? May nahanap ka na naman bang baguhan nang hindi ko alam?!" Inalarma siya ni Gong Xu.

Kumibo ang mga labi ni Ye Wan Wan. Parang masahol na halimaw ang utak ni Gong Xu...

"Anong mga masahol na panaginip na naman ang nasa utak mo? Hindi totoo ang sinasabi mo. Abala na nga ako sayo palang eh. Hindi ko plano na tumanggap ng mga bagong artista," hindi na nakapagtimpi pa si Ye Wan Wan.

Hindi naman ako nagsisinungaling. Hindi baguhan o bagong artista si Jiang Yan Ran… noon pa man ay kinuha ko na siya...

avataravatar
Next chapter