1196 Hindi ako magpapaka-malambot

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Umiiwas ang tingin ni Gong Xu sa babae peri sumusulyap pa rin siya dito. Naguguluhan ang utak niya sa tuwing tinitingnan niya ang babae.

Mas malakas ang kagustuhan niya na makita si Little Candied Plum kaysa makita si Ye Bai na nakapang-babae na damit–hindi niya inasahan na mangyayari ito...

"Brother Ye! Bakit… bakit mo nagawa ito?!"

"Ano?"

"Bakit ka nagsinungaling sa akin?!"

"Kung hindi mo sana inabuso ang kapangyarihan mo para i-bully ang artsita ko, hindi rin sana ako gagamit ng espesyal na paraan para gawin ito sayo." Mukhang pagod na si Ye Wan Wan.

Magkaribal sila ni Gong Xu noon. Masama ang ugali ng mokong na ito, kaya ginamit niya ang oportunidad na ito.

Nagulat si Luo Chen nang marinig niya ang sinabi ni Ye Wan Wan bago naging malumanay ang kanyang itsura.

Noon, si Gong Xu ay nasa panig pa ni Zhou Wen Bin. Ginamit ni Gong Xu ang lahat ng kapangyarihan niya para nakawin ang secondary supporting role sa Terrifying Dragon 2. Inakala niya na tapos na siya kaya naghanda na siyang tanggapin ang kapalaran niya at pupunta na lamang siya kay Zhou Wen Bin... 

Nagulat siya dahil sinagip muli siya ni Brother Ye.

Malaking pagkakaiba ang pagpapasalamat na naramdaman ni Luo Chen habang bumabalik tanaw siya, sa puso ni Gong Xu na parang tinuklaw ng mga bubuyog. "Alam mo… ang alam mo lang ay si Luo Chen na iyon! Paano na ako?"

Ugh! Nababaliw na talaga ako!

Nagsalita si Ye Wan Wan, "Hindi ka talaga ganoon noon, pero nag-iba ka na ngayon. Hindi ko ba sinasabi ang totoo ngayon?"

Tumigil ang pagrereklamo ni Gong Xu nang marinig niya ang sinabi ni Ye Wan Wan na "nag-iba ka na ngayon." "Hindi ka ba magsisinungaling sa akin kung… hindi ko binully si Luo Chen noon?"

"Kung hindi masama ang ugali mo noon, siguro hindi rin tayo magkikita."

Pinag-isipan ito ng maigi ni Gong Xu. Totoo iyon. Kung iba lang sana ang nangyari, hindi sana ako aalis sa puder ni Zhou Wen Bin at hindi rin ako susunod kay Ye Bai.

"May sasabihin ka pa ba?" Nagdesisyon si Ye Wan Wan na tapusin na ang usapan nila ngayon. Kung hindi, tatagal pa ang diskusyon ni Gong Xu sa mga reklamo niya.

Agad na sumagot si Gong Xu, "May sasabibin pa ako! May sasabihin… pa ako sayo Little Candied Plum ko! Kailangan ko na itong sabihin! Hindi na ako pwedeng maghintay pa!"

Naghintay siya ng matagal na panahon para sabihin ang mga salitang ito para kay Little Candies Plum.

Hindi na naiwasan ni Ye Mu Fan na sumigaw, "Ano pa ba ang sasabihin mo?!"

Muntikan nang maiyak sa sobrang galit si Gong Xu. "Ang babae na matagal ko nang hinahanap ay nasa harapan ko lang pala. Sinaktan ko rin ang damdamin ng bayaw ko. Napaka-miserable ko. Bakit hindi ko pwedeng kausapin si Little Candied Plum?"

"Hoy! Sino ang tinutukoy mo na bayaw?!"

Tiningnan ni Ye Wan Wan si Ye Mu Fan, sinenyasan niya ito na huwag nang galitin pa si Gong Xu.

Sa totoo lang… si Gong Xu ay desperado na ngayon...

Tinitigan ng masama ni Ye Mu Fan si Gong Xu at umangal siya kay Ye Wan Wan, "Wan Wan, bakit ka nakikinig sa kalokohan na ito?! Masama ang intensyon ng taong ito sayo! Gusto ka niyang akitin!"

Inirapan ni Ye Wan Wan si Ye Mu Fan. "Anong inaalala mo diyan? Mukha ba akong isang tao na madaling maakit? Nakita mo na ba ang itsura ng boyfriend ko?"

Nabilaukan si Ye Mu Fan. "..."

Naramdaman ni Gong Xu ang sakit na tumutusok sa kanyang puso nang makita niyang bumulong si Ye Mu Fan kay Ye Wan Wan. Sinisiraan siguro siya ng kanyang bayaw.

Bakit kasi padalos-dalos ang bunganga ko? Bakit ko ba iniinsulto parati si Ye Mu Fan?!

Tingnan mo si Han Xian Yu, maayos naman ang relasyon nito kay Ye Mu Fan...

Humarap si Ye Wan Wan kay Gong Xu pagkatapos niyang kausapin si Ye Mu Fan. "Okay, magsalita ka na."

Huminga ng malalim si Gong Xu ngunit napahinto siya noong magsasalita na dapat siya. Tinitigan niya ang mukha ni Ye Wan Wan, naguguluhan siya nang maghanda siyang mag-request. "Brother Ye, pwede… pwede ka ba maging malambot ng kaunti… kapag nakikita kita ng ganyan, sa tingin ko talaga ay parang si Little Candied Plum ka eh…"

Sumagot si Ye Wan Wan, "Hindi ako magiging malambot para sayo. Masanay ka na sa ugaling ko na ganito."

Gong Xu: "…"

avataravatar
Next chapter