86 Hindi ako diyos

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Pinanood ni Ye Wan Wan si Shen Meng Qi papalayo at napangisi ito ng kaunti.

Matapos ang mga nangyari ngayong araw, kahit na anong pagdadahilan na ginagawa ni Shen Meng Qi para itago ang kanyang pag-uugali, baka magbago ang impresyon nila sa kanya at sa kanyang ugali.

Ayon sa kanyang pagkakaintindi kay Shen Meng Qi, malamang ito'y uhaw sa paghihiganti matapos siyang magdusa sa pagkatalo.

Pagbalik sa kanyang dorm, inilabas agad ni Ye Wan Wan ang kanyang phone at tinignan ang numero ni Si Ye Han.

Napagdesisyunan niyang makipag-sapalaran muli.

Para kay Si Ye Han, ang pagsisinungaling at pagtakas ay isa sa mga malaking pagkakasala, pero kumpara dito ay katanggap-tanggap pa. Ano ba ang pwedeng mawala sa pagiging totoo?

Kasabay nito, tulad ng inaasahan ni Ye Wan Wan, kumukulo na sa loob-loob si Shen Meng Qi.

Wala sa dorm sina Jiang Yan Ran at Fang Qin. Tinignan niya ang mukha niyang nabasag dahilan sa phone--mabilis pa itong namamaga. Sa isang galit na pagwalis ng kanyang braso, binasag niya ang mga gamit sa sahig na nasa lamesa.

Damn it, kasalanan nitong lahat ng bobong Ye Wan Wan na 'yon!

May kapal pa siya ng mukhang ibalik ang nakaraan ko, si Ye Mu Fan, isang hamak na aso lang naman na si Ye Mu Fan sa kumpanya namin, paano siya mapagkukumpara? Para siyang isang palaka na gusto maging swan!

Hindi ko ito papalagpasin ng basta-basta Ye Wan Wan!

Kinuha niya ang kanyang phone ng may dilim sa kanyang mukha. Umirap siya at dali-daling gumawa ng isang mensahe: [Mr. Si, madalas na may makasama ni Wan Wan ang mga masasamang impluwensya; malapit na siyang maging basag-ulero sa eskwelahan. Alam niya na masama ang intensyon niya. Nag-aalala ako kay Wan Wan na maging hangal siya at maloko siya nito. Hindi ko maintindihan kung bakit patuloy niyang ginagawa ang mga bagay na makakasira sa relasyon niyo kung sobrang bait mo at mabuti ang pagtrato mo sa kanya, Mr. Si!]

Pinaikot lang ni Shen Meng Qi ang katotohan sa ilang mga salita lang.

Sa labas, umaakto siya na may pake siya sa kaligtasan ni Ye Wan Wan pero ang totoo, wala talaga siyang pake dito.

Pagdating sa panloloko ng mga tao, Nangingibabaw si Shen Meng Qi dito.

Bukod sa mensaheng ito, hindi niya kinalimutan na magpadala ng litrato ng dalawa silang na magkasamang naglalakad. Naging dahilan ito para kumalma siya kahit papaano.

Hindi niya alam ang naging mali sa nangyari kahapon; makaraniwang bumalik na si Ye Wan Wan sa eskwelahan. Pero ngayon, na may ebidensya na siya, paniguradong makukuha niya ito ngayon!

Kinagabihan, sa Jin garden:

Tinititigan ni Xu Qi ang pintong nakasara padin buong araw at gabi. Balisa siyang nagpa-ikot-ikot, "Anong gagawin ko? Kinulong ng 9th master ang kanyang sarili sa kwarto ng isang buong araw at gabi. Dr. Mo, hindi ba isa ka sa mga magaling na psychologist? Mag-isip ka!"

Itinupi ni Mo Xuan ang kanyang mga braso at sumandal sa pader. Labis ang kanyang pagkabigla, "Doktor ako, hindi diyos!"

Tingin niya bang makapangyarihan ako?

Gayunpaman, wala akong silbi kay Si Ye Han.

"Wala na tayong magagawa, tama ba…?!"

Habang nagpapanic si Xu Yi, biglang may Nag-ring na phone sa malapit.

Sinundan ni Si Ye Han ang tunog at napagtanto na phone ito ni Si Ye Han na binato niya sa sahig.

Pinulot niya ito at nakitang madaming message sa screen. Na galing lahat kay Shen Meng Qi.

"Parang multo itong babaeng 'to! Ang dami ko na ngang inaaksikaso!" tahimik na napamura si Xu Yi at hinigpitan ang hawak sa phone para hindi ito marinig ni Si Ye Han.

Tinignan ni Mo Xuan ang phone at napaisip bago sinabing, "Puntahan mo kung anong nangyayari kay Ye Wan Wan, baka mapalabas niya pa si 9th master."

Nagdilim ang mukha ni Xu Yi ng marinig iyon. Kailagan ba talagang gumamit ng ganyang paraan para lang mapalabas ang 9th master?

Pero wala ng ibang paraan; kung patuloy na hindi kumain at uminom ang master, paano ang katawan niya?

Mukhang kailangan nalang nilang makipaglaban sa lason gamit ang lason.

avataravatar
Next chapter