516 Hindi ako ang nagbago

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Halos sumabog ang puso ni Xu Yi sa sobrang takot, nang makita niyang kayakap ng master niya ang isang dakilang mamamatay tao.

"9th… 9th master…"

Delikado siya master!

Tinignan ni Ye Wan Wan ang gwapong mukha ng lalaking galit na galit, para bang ilang beses siyang nagpabalik-balik sa impiyerno dahil sa ekspresyon niya. Unti-unting nawala ang bayolente at nakamamatay niyang intensyon na parang tinangay ng malakas na alon.

"Ah-Jiu…" mabilis na nawala ang nakakatakot na awra ng babae at parang naramdaman niya na ligtas na siya. Umalis na sa combat mode ang katawan niya at kumalma na ito pagkatapos niyang mapagod sa pakikipaglaban.

Kahit galit pa rin si Si Ye Han, dahan-dahan niya pa ring binuhat ang babae sa kanyang baywang.

"Xu Yi, pauwiin mo na ang babaeng iyon at pigilan mo ang kahit anong balitang lalabas tungkol sa insidente ngayong gabi." Nag-utos si Si Ye Han at binuhat niya paalis sa gusaling iyon si Ye Wan Wan.

Matagal na nabigla ang mga tao nang makita nilang binuhat ni Si Ye Han si Ye Wan Wan na parang maliit na kuting. Ang mga ekspresyon nila ay parang binigyan sila ng pangalawang pagkakataong mabuhay.

Malabo ang pagkakaintindi ni Eleven sa nangyari dahil kabado siya nang mangyari iyon. Tuliro pa rin siya hanggang ngayon. Niligtas ako?

Naka… nakakatakot...

Ngayon lang siya nakaramdam ng nakakasindak na masamang mamamatay tao. Hindi niya ito naramdaman kahit sa mga world-class mercenaries at mga disipulo na galing sa mga influential martial artists.

Pero parang hindi bagong pangyayari ito kay master kahit pa galit siya.

Alam na ni master ang tunay na abilidad ni Miss Wan Wan?

Alam ni Si Ye Han na hindi kahangalan ang ginawang pagtatago ni Ye Wan Wan bilang Black Widow noon. At nung family meeting, kinaya niyang sanggain ang atake ng guwadiyang nananakit kay Xu Yi gamit lamang ang kanyang kamay - dahil dito, naniwala ako na may kakaibang abilidad si Ye Wan Wan.

Ngunit ngayong gabi, dito niya ipinakita ang tunay niyang abilidad…

Habang magulo ang isip ni Xu Yi matapos siyang humampas sa lapag, narinig niya ang utos ni Si Ye Han kaya nagmadali siyang tumayo at sumagot, "Opo!"

Nakaramdam lang siya ng sakit sa kanyang dibdib kahit pa tumalsik siya sa ere nang sinipa siya kanina ni Ye Wan Wan. Kumpara sa mga pilay ni Eleven at Liu Ying, hindi lubha ang natamo niyang mga sugat.

Tinitigan ni Xu Yi ang paalis na master niyang may buhat na babae at bigla niyang natandaan ang sinabi ni master kay Liu Ying noon.

Natandaan ko ang sinabi ni master noon na… gusto niya ang mga babaeng… walang kapantay...

Bumalik na sa realidad si Xu Yi, mabilis siyang nag-utos ng isang tao para ihatid si Jiang Yan Ran pauwi, hinarangan niya rin ang kahit anong impormasyong lalabas tungkol sa insidente ngayong gabi.

Si Chen Shi Jie naman...

Pagkatapos ng gabing ito, malamang ay ipapatapon sa labas ng Imperial City ang Chen family.

"9th… 9th master..?" Ang blondie, na nakabaluktot sa gilid ay nagulat, at sa ngayon, hindi siya makapaniwala sa bakita niya.

Paano nangyari iyon...

Ang babaeng 'yan ay girlfriend ni Si Ye Han?

Kaya pala nakakatakot rin siya!

Wala na… tapos na tayong lahat… yari tayo...

Walang pakialam si Xu Yi sa ibang mga tao - kaswal siyang naglakad patungo kay Liu Ying na halos malapit nang mamatay.

Nakatanggap siya ng balita na may kaguluhang naganap sa pagitan nila Ye Wan Wan at kay Chen Shi Jie, kasama ang mga tauhan ni Chen Shi Jie, nang gabing iyon.

Sinamahan ni Liu Ying at Song Jing si Miss Wan Wan sa bar, kaya paano nangyari ang lubhang insidenteng ito?

Kilala niya si Liu Ying at hindi mahirap na hulaan kung ano talaga ang tunay na nangyari sa bar.

Nanatili sa iisang pwesto si Xu Yi at tiningnan niya ang lalaking nakahiga sa lapag. "Natandaan mo ba ang pangako na ginawa natin sa isa't isa, Liu Ying?"

Umangat ang ulo ni Liu Ying at mukhang nabigla siya.

Kalmado siyang tiningnan ni Xu Yi at dahan dahn niyang sinabi, bawat letra ay malinaw niyang sinambit: "Liu Ying, sa ating dalawa, hindi ako ang nagbago. Ikaw."

Hindi rin siya ang taong nakalimot kung sino siya at nakalimot kung sino ang matapat niyang sinusundan.

At dahil magkaibigan sila noon, tinapos niya ang talumpati niya kay Liu Ying sa oras din na iyon.

Umalis na si Xu Yi pagkatapos niyang sabihin iyon.

avataravatar
Next chapter