589 Hinalikan ako bigla

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Ang kanyang malamig na labi ay marahang lumalapit at dahan dahang hinigop ang labi ni Ye Wan Wan.

Mahigpit siyang nakahawak sa bewang ni Ye Wan Wan at ang kanyang halik ay naging lalong nagmadali. Ginamit niya ang kanyang panga upang buksan ang bibig ni Ye Wan Wan at kunin ang bawat tamis na galing kay Ye Wan Wan.

Kumpara sa kayang unang kabaliwan at marahas niyang nakaraan, siya ay nagiging lalong mahusay sa paghalik. Ang kanyang mapayat at malamig na labi, ang kanyang mukha ay malapit sa pagkaperpekto at ang kanyang maramdaming paghinga ay ang nakakuha sa kanya...

Sa isang iglap, ang kapaligiran ay nababalot ng awra ni Si Ye Han. Siya ay nakapaloob sa lugar na ito na para bang sila lang dalawa ang natitira sa mundong ito...

Hindi nabilang na oras ang lumipas bago matapos ang kanilang halikan...

Hinahaplos ng daliri ni Si Ye Han ang kanyang buhok. Ang kanyang mata ay puno ng emosyon na hindi niya mabasa.

Tumitig su Ye Wan Wan sa lalaking kasunod niya at medyo nahilo. "Uh… ano… anong problema?"

Bakit niya ako hinalikan bigla? Hindi man lamang muna niya ako binalaan...

"kung gayon… paano ka?" tumingin sa kanyan si Si Ye Han at biglang sinabi ang apat na salitang ito.

Napabulong na si Ye Wan Wan at lalo pang nagpalito sa kanya ang kanyang sinabi. "Paano ako?"

Nakatitig lang ang mata ni Si Ye Han sa kanya. "Ikaw...gusto mo ba ako?"

Nang marinig iyon ni Ye Wan Wan, siya ay nagulat.

Talagang, siya ay sobrang kinakabahan kay Si Ye Han na makilala ang kanyang magulang noong una dahil natatakot siya na baka mauwi lang sa mali ang mga bagay bagay, ang kanyang magulang ay tutol na maging sila at masaktan sila kapag hindi nakontrol ni Si Ye Han ang kanyang emosyon.

Matapos ang lahat, ang kanyang ugali na katulad sa kanyang dating buhay, ay talagang nangyari.

Ngunit ngayon...

Hindi siya makapaniwala na ang taong ito na kasunod niya ay hindi siya kailan man sasaktan ang mga taong nakapaligid sa kanya.

Gayon pa man, sinusubukan niya pa din maging maparaan at tanggapin si Si Ye Han ng magulang niya...

Ngayon, ang tungkol sa nararamdaman niya kay Si Ye Han...

Hindi makapag-isip si Ye Wan Wan nang biglang sumaklay palapit si Si Ye Han. "Sundan mo ako."

"Ah? Saan tayo pupunta?"

Sinundan siya ni Ye Wan Wab ng hilo.

Matapos ang ilang oras, dinali siya ni Si Ye Han sa attic sa top floor.

Nang makita na dinala siya ni Si Ye Han doon, siya ay nagulat.

Hindi ba ito ako restricted area sa Jin garden?

Hindi rin ako pwedeng tumapak sa lugar na ito sa dati kong buhay...

Bakit dinala ako ni Si Ye Han dito?

*Creak* binuksan ang pintuan sa attic.

Nakatayo si Ye Wan Wan sa pintuan at nagtatakang sinuri ang lugar.

Mayroong ilang lumang piraso ng furniture, dalawang row na puno ng bookshelves at isang sandalwood desk sa gitna ng attic.

Naglakad sa ibabaw ng lamesa si Si Ye Han, umupo at binuksan ang isa sa mga drawers.

Nilabas niya ang isang jade na pendant mula sa drawer.

Mahigpit na nagsalita, ito ay kalahati ng isang jade pendant.

Hawak ng mapayat na daliri ni Si Ye Han ang jade pendant at dinala ito sa kanya.

Nagtatakang kinuha ito ni Ye Wan Wan at hindi alam kung anong ginagawa ni Si Ye Han - hindi niya maintindihan kung bakit binibigay sa kanya ni Si Ye Han itong pendant. "Ano ito?"

Sa madilim na ilaw, ang malinaw na boses ni Si Ye Han ay rinig sa walang lamang attic: "itong kalahating jade na pendant ay kayang mag mobilize ng tao ko; puwede itong gamitin kapag ikaw ay nasa kapamahakan. Gayon pa man, ako lang ang sinusunod nito. Itong half jade pendant na ito ay maaari lamang gamiting ng tatlong beses, kaya huwag mo ito gamitin kung hindi ito importante."

Nang marinig iyon ni Ye Wan Wan, tumingin siya sa piraso ng unsophisticated at simpleng green na jade ng may pagkalito.

Talagang mayroong tinatagong pwersa si Si Ye Han at ang mga taong ito ay tapat lamang sa kanya. Marahil hindi rin alam ni Xu Yi ang kanilang existence ngunit ngayon, talagang nilantad na ni Si Ye Han ito sa akin at binigyan ako ng karapatang imobilize sila…

avataravatar
Next chapter